And now, hanggang dito sa pilipinas ay sinusundan pa rin siya.

AMARA sighed heavily while looking at the invitation letter she received from Chavez family. Pagkakataon na niya ito para makausap si Atlas. Ito na siguro ang tamang panahon para magkaharap silang dalawa. Kailangan na niyang ihanda ang sarili para sa muling pagkikita nila.

“Sana napatawad mo na ako sa nagawa kong kasalanan sa’yo.” Mahinang bulong niya.

Bumuga siya ng malalim na hininga at tinago sa bag ang invitation letter na hawak at nagmamadaling naglakad palabas ng kompanya.

Kailangan niyang bumili ng damit na susuotin para sa party. Habang nasa daan papuntang mall ay tinawagan niya ang Bestfriend na si Sienna. Ang alam niya’y isa rin ito sa mga imbitado.

Pagkarating sa mall ay kaagad na sinalubong siya ni Sienna at hinila sa isang sikat na boutique.

“The dress here are so pretty. Just choose what you like then will see if it suit you.” Tinulak siya ni Sienna sa mga damit na nakahilera.

Ilang minuto ang ginugol niya sa paghahanap ng damit na babagay sa kanya ng makuha ng atensiyon niya ang kulay itim na gown na suot ng mannequin. It was a black tulle dress.

“May napili ka na ba?” Biglang sulpot ni Sienna sa likod niya. Hinarap niya ito at nakita niyang may hawak itong kulay violet na gown.

Tumango siya at tinuro ang damit na natipuhan. Kinuha iyon ng sales lady at tinungo nila ang dressing room.

“You look pretty, Amara. That dress suit you well.” Namamanghang turan ni Sienna ng lumabas siya mula sa dressing room. Tumingin siya sa salamin na naroon. Lumilitaw ang maputing balat niya dahil sa kulay ng dress. She look simple yet elegant.

Hinubad niya ang damit at si Sienna naman ang pumalit sa kanya sa loob. Sienna’s gown suit her well too and she looks so beautiful wearing it. Binili nila iyon at kumain muna sa restaurant bago umuwi.

Pagpasok niya sa bahay ay nadatnan niyang nasa sala si Lorenzo habang naglalaro kasama ang anak niyang si Renzo.

“Hon, how’s your day?” Nakangiting tanong ni Lorenzo ng makita siya at tumayo ito para salubungin siya ng yakap.

“It’s good.”

Humiwalay si Lorenzo sa kanya kaya bumaling ang tingin niya sa anak.

“Mommy, hug!” sigaw ni Renzo at tumakbo papalapit sa kanya. Natatawang niyakap niya ito.

“How’s my baby? Did you behave?” masuyong tanong niya rito. Binilin niya ito kaninang umaga kay Mariel Hermidilla.

“ Yes, mom.” Tumango-tango pa ito sa kanya at humiwalay sa yakap.

“ Good boy.” Ginulo ni Amara ang buhok ng anak. Her son really look like his father. His gray eyes, pointed nose, and those lips.

Muling bumalik ang anak niya sa paglalaro kaya bumaling ang tingin niya kay Lorenzo na nakatitig sa kanya.

“Where’s Tita Mariel?” tanong niya rito.

“Umalis. May kikitain daw.” Tugon nito. Tumango siya at naglakad paakyat sa kwarto niya. Sumunod si Lorenzo sa kanya.

“Handa ka na bang harapin siya?Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya.” May pag aalalang turan ni Lorenzo nang umupo ito sa kama niya. Binuksan niya ang cabinet at kumuha ng pambahay na damit.

“Matagal ko na ‘tong hinihintay ‘tsaka ilang taon kong pinaghandaan ang paghaharap naming dalawa. Don’t worry okay?” Ngumiti siya at lumapit dito. Hinaplos niya ang pisngi nito na ikinapikit ng mata ni Lorenzo.

“Trust me, hon. I will never disappoint you.” Hinalikan niya ang noo nito, “Gusto kong itama ang lahat. I want us to be happy.”

Lorenzo opened his eyes and pulled her for a hug.

“We’re already happy, hon.” Mahinang turan nito.

“I know but we can’t live like this forever.” Sapat na ang anim na taon, gusto niyang itama lahat ng pagkakamali niya. Hindi habang buhay ay mamumuhay na lamang siya sa kasinungalingan. Gusto na niyang mamuhay ng tahimik at payapa.

Narinig niya ang mahinang buntong hininga ni Lorenzo bago ito tumayo.

“I’m always here for you, always remember that, hon. I love you.” Malambing na sambit nito at niyakap siyang muli bago lumabas ng kwarto niya.

She’s smiled. He love Lorenzo and she don’t want to lose him. Ito nalang ang naniniwala sa kanya at ayaw niyang pati ito ay mawala sa kanya. Lorenzo was always there for her, protecting and supporting her.

Sa sumunod na araw ay naging abala si Amara sa kanyang opisina dagdagan pa na hindi siya mapakali sa kakaisip sa pwedeng mangyari mamayang gabi.

“Just light make up, Brie” Imporma ni Amara sa make up artist na kakilala. Kasama niya si Lorenzo na pupunta sa party, mas napanatag ang loob niya sa isiping naroon ito. Sa ilang taon na lumipas ay naging dependent siya kay Lorenzo. Siguro’y ito lang kasi ang nanatili sa kanya at may tiwala siya rito.

“Hija, Nasa baba na si Lorenzo at hinihintay ka.” Napalingon si Amara kay Mariel Hermedilla ng pumasok ito sa loob ng kwarto niya. Sakto naman na kakatapos lang din siyang ayusan.

“ You looks so beautiful. Bagay talaga kayo ng anak ko .” Hindi mapigilan ni Amara na mapangiti sa turan ng ginang.May kislap sa mga mata nito habang pinagmamasdan siya. Mariel Hermedilla really like her for Lorenzo. Ito yata ang pinakamasaya ng malamang magpapakasal siya kay Lorenzo.

“Thank you, tita.”

Excited na giniya siya ng ginang pababa sa sala kung nasaan sina Lorenzo at anak niyang si Renzo na masayang nagkukulitan. Tumigil ang mga ito ng makita siya. Nagpaalam siya sa anak at binilin ito sa pangangalaga ni Mariel Hermedilla.

Napangiti siya ng makitang mariing nakatitig sa kanya si Lorenzo.

“What?” Taas kilay na tanong niya rito.

“Huwag nalang kaya tayong pumunta ng party. Sa ganda mong ‘yan pakiramdam ko’y maagaw ka ng iba sa’kin.” Nakanguso nitong wika na kinatawa ni Amara.

“Ang OA mo!” Hinampas niya ito sa braso. Natatawang umiwas ito 'tsaka pinulupot  ang kamay sa kanyang bewang at naglakad palabas ng bahay.

Habang nasa daan papuntang Mansion ng Chavez family kung saan gaganapin ang party ay walang tigil na kinukulit siya ni Lorenzo na huwag na lamang tumuloy. Hindi niya ito pinansin dahil ito na ang pagkakataon na hinihintay niya. Ngunit naging malaking tulong ang pangungulit nito upang mabawasan ang kabang kanina pa niya nararamdaman.

Napatingin siya sa malaking mansion na nasa harapan niya. Isang buwan din pala ang nakalipas ng huli siyang nakapunta rito sa mansiyon ng mga Chavez. May malaking parte sa buhay ni Amara ang mansiyong ito.

Mabilis na pinilig ni Amara ang ulo para pigilan ang isip niyang maalala ang mga alaala ng nakaraan nila Atlas sa mansiyon ng mga Chavez.

“Let’s go inside.”

Nilagay ni Lorenzo ang kamay niya sa braso nito at giniya siya papasok ng mansyon. Nilibot niya ang mata, maraming bisita ang naroon at lahat ay mga kilalang tao sa lipunan, negosyante, artista, at politiko. Lahat ng mga suot nila’y sumisigaw ng karangyaan at kapangyarihan.

“Amara…”

Natigilan siya sa paglibot ng tingin at halos matulos siya sa kinatatayuan ng marinig ang boses ng tumawag sa kanya.

__________________

Ambivert Girl Note: Open your eyes and mind  baby 'cause the real adventures is cumming...







DARK SECRET SERIES: THE HATER'S SECRET (soon to be publish under PIP PH)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora