The Bow

1.4K 38 21
                                    

Simula't sapol pa lang, inamin ko na boring ang aking buhay.

Di ko alam na ang simpleng pagsang-ayon ko sa kaibigan ko para hanapin si Bobby O. ay tutumbas ng isang kaligayahan na di ko makakalimutan.

Nakakilala ako ng dalawang bagong kaibigan.

Naka-experience ng bagay-bagay na di ko inaasahan.

At kahit papaano, nalaman ko na ganito pala kiligin, o kaya naman ma-inlove.

...

...

...

"So, Ms. Baguio, I'm glad I met you," tumayo si Mr. Reneo Cruz mula sa pagkakaupo niya sa isang upuan malapit sa conference table, "Ako'y aalis na. Paalam."

Inabot niya ang kanyang kamay bago siya umalis at sinara ang pinto.

Hindi ko inaasahan na makilala ko ang ama ni Prince. Kakaiba sa pakiramdam. Ang matandang lalaking iyon ay MAY pagkatulad kay Prince. Napaka-formal nila kahit casual lang ang pinag-uusapan. Ngunit, nakakamangha ito dahil ito ang nag-kwento sa akin. Kwinento niya ang buhay nila ni Prince. Inamin niya sa akin na kulang sila ng oras kay Prince noong bata pa ito. Pero, nagpapasalamat sila at lumaki itong matinong bata. Naidagdag ni Mr. Cruz na isa daw ako sa nagpapaligaya ng buhay ni Prince ngayon at gusto niya akong personal na kausapin para magpasalamat. Iyon lang naman ang naging topic namin. Iyon lang naman.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Unknown number. Ngunit sinagot ko pa rin.

"Hello. Sino 'to?" agad kong bugad pagka-press ko ng accept button.

"Lol. Si Xander ito. Nandito ako sa Session Road, sa Starbucks. Puntahan mo naman ako. May inorder na akong frappe para sa iyo," sagot nito sabay baba.

Ano ba yan? Di pa ako nakasagot o nakapag-paalam pinagbaba na ako. Kaloka!

***


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pagkaubos ko sa frappe na libre ni Xander sa akin.

Wala namang gagawin sa office ni Boss ngayon kaya pinuntahan ko si Xander. Tumingin lang si Xander at saka tinignan ang walang laman na plastic cup na hawak ko.

"Gusto mo pa ng frappe?" bigla nitong tanong pagkalapag niya ng coffee mug niya sa mesa.

"Sagutin mo iyong tanong ko," wala ako sa mood na basag sa kanya.

For some reason, ayaw ko iyong hindi sinasagot iyong tanong ko. Kung baga... wala ka bang common sense?! Hay...

Tinignan niya muli ako, "Pumunta ako dito kasi nalaman ko sa parents mo na lumipat ka na dito. Amazing!" wika pa nito.

Di ako nagsalita. Hinayaan ko na siya lahat magsalita.

"Naalala mo sa fire exit... doon kita hinalikan," bigla nitong sabi sabay ngisi. Umiwas ang kanyang mga mata at tumingin sa sahig.

Naramdaman ko na uminit ang mukha ko. Nahihiya? Kinikilig? O kaya naman di tanggap na doon nangyari ang first kiss ko? Ewan...

"Marie... buong buhay ko inintindi ko ang mga babae. Ba't sila ganito ganyan... tas nalaman ko na hindi ka pala naiiba sa kanila," linast shot niya ang laman ng coffe mug niya bago nagpatuloy, "Pero napagtanto ko rin, kahit parehas kayo, ikaw ang kahit papaano ang tumalon palayo."

What? Tumalon palayo?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ng hindi maintindihan ang huli niyang sinabi.

Tumingin ito sa akin, "Pinanindigan mong maging si Marie Claire Baguio."

Medyo napangiti ako. Sa loob-loob ko, hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. Ngunit sinasabi ng kanyang mga mata ang kailangan kong intindihin. At ang pagbanggit niya sa aking pangalan, parang musika sa aking tenga.

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Where stories live. Discover now