KABANATA 44

5.2K 373 42
                                    

Kabanata 44.

Hindi na ako nagpaalam kay Brother Laikon at kay ama dahil baka pagbawalan nila ako. Mabuti nalang hindi namin nakasalubong ni Soran ang aking kuya at ama. Baka pigilan nila ako kapag nakita nila akong may kasamang lalaki. Lalo na dahil wala pang formal na letter na binibigay kay ama tungkol sa dissolution ng kasal namin ni Grand Duke Kerzan.

Si ama at kuya lang talaga ang inalala ko noong makalabas kami ni Soran sa aking hotel room. Wala akong pake kahit may makakita pa sa amin ni Soran na ibang mga nobles dahil alam kong hindi nila ako makikilala.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas kami ng mismong hotel na iyon. Malawak ang aking ngiti nang tingnan ko si Soran na naglalakad sa aking tabihan. Magkahawak ang kamay namin. Sobrang laki ng kamay niya na medyo magaspang. Ang sarap hawakan ng kamay niya sa totoo lang. Pakiramdam ko ay para talaga sa isa't isa ang kamay naming dalawa.

"Are you happy?" tanong bigla sa akin ni Soran.

"Absolutely, yes. How can I not be happy if my man is holding my hand?" Inangat ko ang kamay naming dalawa, "Look," nakangiti kong usal.

Mahina naman tumawa si Soran.

"I want to hug you," saad niya sa akin.

Napakagat naman ako sa aking labi bago ako tumingin sa paligid namin na may ilang mga taong dumadaan.

"Maybe later," nakangiti kong saad.

Mahinang tumawa si Soran bago niya hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Soran, how old are you?" tanong ko habang kami ay naglalakad.

Hindi agad sumagot si Soran, nilingon niya muna ako bago siya nagsalita.

"29," maikling sagot niya sa akin. Napatango naman ako.

"You have the same age as my third older brother."

"Charton Saavin," saad ni Soran kaya agad akong tumango.

Hindi na ako nagtaka pa na kilala niya si Brother Charton dahil kilala naman talaga sa Rowan Kingdom ang Saavin Grand Duke Family. Kahit mga commoners ay kilala ang pamilya namin. Siguro marami rin ang may kilala sa pangalan ko pero hindi ako kilala sa mukha dahil hindi pa naman ako nakikita ng karamihan sa mga nobles ng Rowan Kingdom.

"I'm happy the he became your brother," pahayag ni Soran habang nakangisi. Napataas naman ang kilay ko.

"Right, you also heard that Brother Charton is the kindest among my brothers?" Nakangiti kong pahayag. Sabi na nga ba hindi lang ako ang may alam ng bagay na iyon. Lagi kasing sinasabi ni Rina na iba ang naririnig niya tungkol kay Brother Charton. Pati ayon sa kaniya ay alam naman ng lahat na sa akin lang mabait si Brother Charton.

"Yes," sagot sa akin ni Soran kaya agad akong napangiti.

Nagtungo kami ni Soran sa may restaurant. Alam niya siguro na hindi pa ako kumakain at kanina pa ako gutom na gutom.

Umorder si Soran ng madaming pagkain. Nang dumating ang pagkain sa table namin ay nagsimula na akong kumain. Ngunit bago iyon ay kinuha ni Soran ang steak sa aking harapan at hinati niya iyon bago niya ibinalik sa akin.

Soran is not a commoner. Iyon agad ang naisip ko noong pumasok kami sa mamamahaling restaurant na ito. Pero pwede rin naman na may maraming ipon si Soran. Siguro ay knight warrior siya. Sa pagkakaalam ko ay malaki ang bayad sa isang knight warrior lalo na kapag sumali ito sa gyera.

Ang hinala ko din ay si Soran ay sumali din noon dati sa gyera dahil sa kaniyang peklat sa mukha. Iyon siguro ang dahilan kung bakit siya maraming pera.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon