KABANATA 20

4.8K 325 61
                                    

Kabanata 20.  

Pinigilan kong matawa habang nakatingin ako sa seryosong ekspresyon ng mukha ni Charton ngunit hindi ko nagawang pigilan. Mahina akong natawa.

Ngunit napatigil din ako sa pagtawa ng maalala ko na hindi nga pala mabubuhay ang baby na tinutukoy niya. Tumikhim ako bago ako nagsalita.

"You don't have to be afraid. Your duty as a brother is to protect the baby in any kinds danger so you don't really have to touch or hold the baby." Seryoso kong tiningnan si Charton.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na huwag siyang mag-alala dahil hindi naman mabubuhay ang kapatid niya. Kapag sinabi ko iyon ay baka umiyak nalang siya bigla dito at baka akalain pa niya ay inaaway ko siya.

"But I also want to hold my new born sibling," saad niya sa akin.

"Well, you should tell that to your mother."

"Okay," saad niya sa akin.

"Charton, look! I caught a bird!"

Sabay kaming napalingon kay Laikon ng sumigaw ito. Hindi ko alam kung saan galing ang hawak niyang tirador.

Lumapit naman agad si Charton sa kaniyang kuya. Maging si Jinjin na kanina pa nakatitig sa tinanim namin Soran ay napatayo rin. Lumapit siya kina Laikon upang tingnan ang nahuli nitong ibon.

Napansin ko naman na wala si Soran kaya inilibot ko ang aking paningin. Nakita ko siyang nakatato malapit sa cliff. Hindi niya pinansin ang sumigaw na si Laikon.

Naglakad ako patungo sa kung nasaan si Soran.

"Ikaw ba ang nagbigay kay Laikon ng tirador?" tanong ko kay Soran. Napalingon naman siya sa akin.

"He's annoying so I made him one," sagot niya kaya naman natawa ako.

Nang maalala ko na may ibibigay nga pala ako kay Soran ay agad ko iyong kinuha sa aking bag.

"Soran, kasama 'to sa regalo ko sa'yo pero nakalimutan kong ibigay kagabi."

Inabot ko kay Soran ang singsing na para sa kaniya.

"A ring? Are you really giving this to me?" tanong niya sa akin.

Agad naman akong tumayo.

"Oo, meron din ako. Tingnan mo yung loob ng singsing," masaya kong saad.

Sinunod naman ni Soran ang sinabi ko. Nang makita niya ang nakasulat sa loob ng singsing ay mas naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

"What's the matter?" tanong ko kay Soran.

"Nevie, do you know what it means to give someone a ring?"

Umiling ako sa tanong ni Soran at agad na nagsalubong ang kilay ko. Isn't it a common thing to give?

Alam ko din na ginagamit sa kasal ang singsing pero alam kong may mga tao rin na nagbibigayan ng singsing kahit hindi naman sila kasal o ikakasal.

"Do you want to know?" tanong pa ni Soran kaya agad akong tumango.

"Yeah."

"You want to give me this ring right?" tanong muli niya sa akin kaya tumango ako.

"It means you love me."

Nang marinig ko ang sagot ni Soran ay agad nagsalubong ang kilay ko.

"Really? I just want to give you a ring because it's a pretty decent gift tho," paliwanag ko sa kaniya.

"I said I will teach you about love right? You should listen to me. Giving me a ring means you love me."

Seryoso akong tinitigan ni Soran kaya napatango nalang ako.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon