Nakita ko ang pasimpleng paglabas ni Ate Cheska na hindi ko na pinansin. Gulat naman si Deon na makitang puro luha ang mga mata ko pero hindi siya nagtanong.


I looked at Lorcan who's crying right now. "Mas nauna kong nalamang nanay mo yung may pakana ng pagkamatay ng Papa ko Lorcan... May narinig ka ba sa'kin? Hindi ko sinabi sayo dahil yun yung isa sa pinakamahal mo sa buhay. Kahit masakit, kahit sobrang sama ng loob ko. Hindi ko kayang sabihin sayo dahil wala ka namang alam eh..Tsaka natatakot akong iwan mo 'ko at mas piliin mo siya kaysa sa'kin.. Tapos ganito?


"I took care of you when I learned that you have amnesia.. Lahat lahat ng pagpapaalala ginawa ko kase mahal kita eh, mahal ko kayo tapos.. tapos malalaman kong gusto mo kong iwan? Na pinagmukha mo 'kong tanga? Galit ako sa'yo hindi dahil sa Ina mo kung 'di dahil sa panloloko mo sa'kin!"


This time, I glanced at Gideon. "Bakit ba pinangungunahan niyo ko? Bakit mas nagdedesisyon kayo sa dapat kong maramdaman oras na malaman ko yung mga problema niyo.. ganon ba ko kahina?" Tanong ko rito.


Yung pagtatago niya. Yung hindi niya pagsasabi sa'kin na pina-arrange marriage siya ni Tita kay Kate. Kaya ko siyang intindihin! Baka tulungan ko pa siyang makahanap ng solusyon doon pero hindi niya sinabi!


Hinintay niya pang pag-isipan ko siya ng iba. Akala ko talaga that time, nagawa niya 'kong lokohin.


"Minahal ko lang naman kayo... Bakit sobra-sobrang sakit yung sukli niyo sa'kin?" Naiiyak kong saad habang nakatingin sa kanila.


Ngayon ay tinignan ko si Darsen sa tabi ko. "I-Ikaw? May tinatago ka ba sa'kin?"


He stopped but shook his head after. I sighed. "Please, kung meron, sabihin mo na sa'kin.."


He smiled sadly. "Fine, I have.."


My breathing hitched because of that. "W-What is it? Darsen, please sabihin mo na.. N-Napapagod na 'ko.."


"I will tell you once you recovered. Coleen, remember the reason why you're here. Muntik na mawala yung baby natin dahil stress ka. Calm down.." hinawakan nito ang tiyan ko at ngumiti. "Don't overthink about it. I can say that, it's inevitable.. Mauuna nga lang," he chuckled painfully.








Ilang araw ang lumipas ng sabihin ng doctor na pwede na 'kong umuwi. Pinaalalahan niya rin ako na iwasan ko lahat ng makakasama sa'kin.


Kaya iniwasan ko muna sila.

Nandito ako sa condo ni Darsen. When I told them my plan, they willingly agreed to it. Alam nilang kailangan ko 'to. Na lumayo muna dahil gusto kong magpalamig, para sa susunod na pag-uusap namin, maaayos na.


Si Darsen ang nag-aalaga sa'kin ngayon. Hindi niya 'ko pinapayagang magkikilos dahil baka makasama sa'kin 'yon.


Yung sasabihin niya sa'kin, hindi ko pa rin alam. Sinabi niyang ipapaalam niya 'yon oras na nanganak na 'ko. Pinagkatiwalaan ko siya, kaya pumayag ako.


Inevitable, may mauuna lang..


I'm still confused on what's the meaning of that. But I didn't bother too much.


"Babi!" I heard him called me. "Let's eat! Wait, punta 'ko diyan." Saad niya.


Nakita ko ang pigura niyang galing sa kusina. He smiled while walking towards me. "Baka madulas, mahirap na.." tawa nito kaya hinampas ko siya.


"Hindi pa naman malaki yung tiyan ko, baliw ka." Saad ko rito at sumama na rin papuntang kusina.


Puro gulay ang niluluto niya. Lagi na ring nakaready ang gatas na iinumin ko bago matulog. Pati nga yung vitamins ay hindi niya kinakalimutan.


"Eat the potato, h'wag mo igilid." Pagalit niya sa'kin ng makitang ginilid ko 'yon.


I pouted. "I don't want that. Alam mo namang hindi ako kumakain niyan.."


"Kahit two pieces lang hmm? Sige na.." saad nito at siya na mismo ang nagsubo non sa'kin.


Halos masuka ako pero pinilit ko naang lunukin. I really hate that, para kasing lupa sa bibig. Nadudurog.


Natapos kaming kumain at pinauna niya na 'ko sa kwarto. Agad akong nahiga at nanood na lamang habang hinihintay siya.


Nang bumukas ang pinto ay nakapaglinis na 'to ng katawan at agad akong tinabihan. He kissed my temple and hugged me tight.


Ganoon lamang kami ng ilang minuto ng basagin niya ang katahimikan. "Will you forgive them?"


Walang pagdadalawang isip akong sumagot. "Oo.."


It's not their fault, why would I blame them?


I smiled at him. Hinawakan ko ang pisngi niya at marahan itong hinaplos. "Gusto ko lang magpalamig. Gusto ko lang ng kaunting time para makapag move on Darsen.."


Tumango ito at masuyong ngumiti sa'kin. "Is it okay for you to see them? Okay lang kahit hindi mo sila pansinin. Gusto lang talaga nilang makita ka habang nagbubuntis ka.."


Bumuntong hininga ako. Kahit nagdadalawang isip pa ay tumango ako.


May nakita akong pasa sa kaniyang braso. Hinawakan ko 'yon at napakunot ang noo. "Sa'n to galing?"


He shook his head, ignoring my question. "I'm happy to know that you will forgive them.." panimula nito. "Wala akong karapatan na sabihing h'wag ka magalit kase naiintindihan kita.."


Binitawan ko ang braso niya at hindi na lamang nagsalita. Humilig na lang ako kaniyang dibdib. "I'm happy to know that  if I can't handle it anymore, they're just here for you.. That someone will take care of you.." mahinang saad nito kaya napalingon ako sa kaniya.


"W-What do you mean?" Tanong ko.



He just shook his head. "Sleep, gabi na.."

I Own ThemWhere stories live. Discover now