39

11.3K 335 246
                                    

Nakamulat ang mata ko habang nakatitig sa madilim na kisame. Pinatagal ko pa ng ilang minuto bago ako tumayo at tignan ang pintuan.

Kinuha ko ang jacket na nasa gilid at isinuot 'yon bago lumabas. Ilang minuto ng umalis sila at saktong naalimpungatan ako dahil sa mga boses nila. I'm curious, why they need to go out just to talk? Pwede naman silang mag-usap rito.

Sumakay ako ng elevator pababa ng ground floor. Lumabas ako at nakitang wala sila doon kaya dumiretso ako sa parking lot. Naglakad ako sa kung saang direksyon at hinanap sila hanggang sa makita ko na nasa dulo sila nakapwesto.

Lumapit pa 'ko at nagtago sa gilid ng pader, tama lang ang layo para marinig sila.

"What?" Asik ni Lorcan habang nakatingin sa isa. I saw how Darsen clenched his jaw and fist.

He looked at Lorcan with unbelievable eyes. "What huh?" He sarcastically laughed.

Hindi nagsalita si Lorcan at nanatili lamang ang mata sa kaniya. Ngayon naman ay naguguluhan ako kung bakit parang galit si Darsen.

Hindi, galit na galit ang tamang sabihin. This is my first time to see him like this, furious.

"Fucking what?!" Darsen shouted. I flinch because of that. "B-Bro what did y-you do.."

Nakita ko ang mabilis na paghinga ni Lorcan. "Y-Yes! Oo na! Ginawa ko na!"

Napatigil ako dahil doon. Naguguluhan ako, anong ginawa niya? Bakit galit na galit si Darsen?

"Ayoko na. Gusto ko na siyang iwan. I don't love her anymore! Oo nagpanggap akong walang naaalala kase gusto ko na siyang mawala sa buhay ko!" Malakas na sigaw nito.

Nagmistulang bato ako sa kinatatayuan matapos kong marinig 'yon. Ilang minuto bago ako natauhan at naproseso lahat ng narinig. Nagsimulang umagos ang masaganang luha mula sa mga mata ko habang nakatingin sa lalaking sumaksak sa'kin ng ilang libong beses.

Did I heard it right? Yeah, I heard it right..

Lorcan.. Lorcan how can you do this to me.. I just love you wholeheartedly but what did you do. Why.. Fucking why?

"B-Bro what?" rinig kong di makapaniwalang tinig ni Darsen habang nanggigigil na nakaharap kay Lorcan.

Kinagat ko ang pang ibabang labi upang pigilan ang bawat hikbi na kakawala sa'kin. Ano bang ginawa kong mali? Bakit parang lagi nalang ganito..

"I'll leave her. Hindi ako makahanap ng tiyemp--"

Naitakip ko ang palad sa bibig ng makitang sinapak siya ni Darsen ng sobrang lakas na ikinatumba niya. Mas lalo akong naiyak dahil nagkakaganito sila ngayon.

He will leave me. The man who's beside me for past years will just dump me.

"Gago ka ba?! What do you think are you doing?! Ano bang problema at nagkakaganyan ka? Walang ibang ginawa si Coleen kundi mahalin tayo pero ganito yung iginaganti niyo sa kaniya!" Darsen angrily shouted at him. This is my first time to witness how fuming mad he is.

Lorcan shook his head continuously, umismid ito pero nakikita ko rin ang kislap ng mata niya sa ilaw tanda na may mga luha na nakaabang na tumulo mula roon.

"Y-You don't understand! Don't fucking act as if you know what's my reason!"

Kinwelyuhan siya ni Darsen at tinitigan ng mariin. "Then make me understand! Bro, bakit ganito kayo ni Deon? Bakit puro maling desisyon yung pinipili niyo? Bakit lagi niyong pinipili na saktan siya imbis na ipaintindi yung dapat niyang maintindihan! And y-you," he trailed off. Kita ko ang butil ng luha na bumagsak mula sa kaniya. "Y-You have me, but I can't feel you both. Magkakapatid na t-tayo eh, bakit parang wala lang ako? Bakit hindi niyo m-masabi sa'kin.."

I Own ThemWhere stories live. Discover now