"Tone down your voice, baby... Wala kang kaagaw po sa pandinig ko ngayon..." Mahinahong sambit ni Cali.

"Ayaw mo ba sa voice ko?!" Pasigaw na tanong ko.

"It's not that po... It's more beautiful to hear if you use your soft voice, baby..." Sagot nya naman.

"Stop calling me baby! Baka masanay ka! Kapag may naka-rinig sa'yo..." Sambit ko.

"Why? Are you affected by them?" Tanong nya pa

Hindi na 'ko sumagot at kumuha nalang ng tubig sa baon namin. Nasa backseat lang naman ang mga pagkain namin kaya madali lang kumuha.

Kumuha na rin ako ng chips at muling umayos ng upo saka ko binuksan ang chips. Tinaas ko rin ang dalawa kong paa sa upuan ko dahil nakaka-ngawit. Hindi naman ako naka-sapatos dahil deretso naman kami sa house ni Mama Meldy.

"What?" Tanong ko nang tignan ako ni Cali.

Ngumiti sya at umiling. Baliw ba 'to? "Can I have chips?" Tanong nya.

Kinuha ko naman sya agad sa likod ng chips na hindi pa nabubuksan at inabot sa kanya. Ngumanga lang sya at hindi kinukuha ang inaabot ko.

"Isusubo ko ba sa'yo nga buo 'to? Malaki 'to." Sambit ko at nakita ko namang namula sya at nagpipigil ng tawa.

"let's just share on your chips." Sambit nya.

"Why?! No way!" Sagot ko at binalik ko nalang sa likod ang chips na inaabot ko sa kanya.

"I'm driving po eh..." Bulong nya pa. Ano ba 'to? Nagpapa-baby ba 'to?

"Ano gagawin ko?" Tanong ko habang nakataas ang kilay at sumubo ng chips.

"Ah!" Ngumanga sya at lumapit ng kaunti sa'kin habang naka-tingin pa rin sa daan.

Hindi na 'ko tumanggi at sinubuan ko nalang sya ng chips. "Ew." Kunwaring sambit ko nang madikit ang daliri ko sa mapula nyang labi.

He frowned then looked at me so I chuckled. "Am I disgusting?" Tanong nya pa at muling binalik sa daan ang paningin..

"Joke lang!" Sagot ko nalang. "You want water?" Tanong ko pa.

"Opo.." he answered softly.

"Pake ko?!" Kita ko naman sa mukha nya ang pagka-inis dahil namumula na naman sya. Kawawa lang sya palagi sa'kin kapag dalawa lang kaming mag-kasama.

Agad nalang akong kumuha ng tubig at nilagyan ng straw dahil hindi nya naman matutungga yung bottle.

"Here.." sambit ko at nilapit sa bibig nya ang tubig. Nakaka-konsensya naman kung hindi ko sya papainumin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay gano'n pang ang ginagawa namin. Sinusubuan ko sya habang kumakain rin ako at sabay kaming nakikinig sa mga kanta ni Taylor Swift. Bahala ka jan. Maging swiftie ka dapat.

MADZ'S POV:

"Ikaw bata? Matulog kana sa taas baka hindi kita matansa dito!" Saway sa'kin ni Mommy.

Hawak ko ngayon ang skateboard ko at balak ko sanang mag-laro dito sa loob ng house dahil yo'n naman ang ginagawa ko kapag wala akong kasama.

Sila tita Irene, Tito Greggy, tita Celeste at tito Caloy saka Daddy Carlos ang kasama namin ni Mommy dito ngayon dahil tulog na si Mama Meldy. Nasa kanya kanyang kwarto na rin sila kuya. Sila Louim naman at pamilya nya ay nasa bahay nila. Bukas nalang daw sila pupunta rito after graduation namin dahil dito ang venue namin.

"Ay ipapalunok ko sa'yo yan!" Sambit ni Mommy kaya tinabi ko na agad ang skateboard ko at umupo sa tabi nya.

"Huwag na tayo pumunta bukas 'my. Matagal lang yun eh." Sambit ko at kurot naman agad ang natanggap ko mula sa kanya. "Ay! May surprise ako, 'my!" Sambit ko at agad na umakyat saka kinuha ang envelope na galing sa school at agad rin na bumaba.

Maria Imelda TrioWhere stories live. Discover now