kabanata 30

1.8K 68 3
                                    

IRENE'S POV:

Inaayusan na ang anak namin ngayon sa room nya habang ako ay inaasikaso ang mga dadalhin namin at gagimitin nya sa graduation.

Si Greggy ay nag-bibihis na rin "puntahan ko lang po si baby, hon." Sambit ni Greggy nang matapos syang mag-sapatos. Humalik pa sya sa pisngi ko bago sya lumabas ng kwarto namin.

Kinuha ko na ang naka-hanger na toga ng anak ko at ini-utos kay Myra na ipasok na sa van.

Nag-heels na rin ako at saka sumunod na rin sa room ng anak namin. Naka suot ako ng white square pants and black polo with my accessories. And also a hand bag black hand bag.

"Baby, are you done." Tanong ko.

Nakita ko namang tapos na nga syang ayusan kaya naging mabilis nalang ang pag-alis namin.

Andito na kami sa Van ngayon at si John ang nag-drive. Nasa pagitan naman namin ni Greggy si Iris na nakasandal ang ulo sa dibdib ng Daddy nya.

"You good? Are you hungry?" Mahinang tanong ni Greggy sa anak namin.

"No po.." sagot naman ni Iris.

Ilang minuto pa ang lumipas, nakarating na rin kami sa school nya. Papasok palang kami ay makikita na ang mga kabataan at ibang magulang na nakukuhaan na ng litrato. Maaga pa at hindi pa naman mag-sisimula ang program.

Nang makababa kami, agadna sumalubong sila Kio, Kristen, Henzo and Shumie. Lalaki si Kio at Henzo. Babae naman si Kristen at Shamie. Sila ang mga kaibigan ni Iris mula Elementary.

"OMG! You're so expensive with your Filipiñana dress!" Bungad sa kanya ni Shamie.

Agad silang bumeso isa isa sa'min ni Greggy at nasa likuran anamn nila ang mga magulang nila. They are really good friends. Sila lang palagi ang nakikita kong kasama ni Iris dito sa school nila

Nag-picture taking lang naman kami ng ilang minuto at nag-simula rin ang program kaya naka-pila na kami ngayon. Nag-tatakha pa 'ko dahil kanina pa bumabati ang mga teacher at ibang magulang sa'min ni Greggy na congratulations daw. I mean, normal lang 'yon dahil gumraduate ang anak ko pero parang halos lahat yata sila ay gusto kaming batiin.

Ibang klase rin ang pag-puri nila sa anak ko dahil napaka-talino raw. Alam kong matalino ang anak ko noh!

HUMSS 12-Diamond ang anak ko at section nila ang unang tatawagin.

Nag-simula nang tumugtog ang background music hudyat na martsa na.

Martsa palang ay unang una na kaming tatlo ng anak ko at si Greggy. Since alphabetically order per section ang pag-tatawag.

Ilang minuto pa ang inantay namin bago makumpleto ang mga estudyante sa upuan nila. Kami namang mga magulang ay dito sa likuran dederetso pag-tapos ng martsa.

Nang maka-upo na lahat ay may nag-lead ng prayer at kumanta kami ng pambansang awit, NCR hymn, Brent International school hymn and Manila hymn. Since sa Manila naka address 'tong school nila.

"Good morning, ladies and gentlemen, students and parents." Bati ng speaker.

Ilang oras pa ang nag-daan, natapos na rin mag-seremonya ang speaker. I guess, she's the chairperson of Brent International school.

"I would like to request Ms. Hernandez, Rachel C. The adviser of Humanities and Social Sciences from grade 12-Diamond." Sambit ng speaker bago sya bumaba.

Agad kaming nag-palakpakan at payapang nag-sitayuan ang section nila Iris. Inutusan na rin kaming mga parents ng 12-Diamond na sumunod sa mga anak namin dahil aakyat na raw sa stage.

Maria Imelda TrioWhere stories live. Discover now