B2LY9

3.2K 101 0
                                    

[Ashley P.O.V]

"Andrea, natatakot ka pa rin ba?" I asked her dahil kanina pa sya hindi magkanda-ugaga dito sa may labas ng therapy room.

"No Mommy. Im not afraid" Sambit nya at palinga-linga pa rin.

"Eh bakit hindi ka mapakali?" Jeric asked her.

"I'm waiting for daddy. Pero wala pa sya. Malapit na ako." She said at tinignan ko sya.

"You told him to go here?" I asked at tumango sya.

-----

[3rd Person's P.O.V]

"Sir! May meeting pa po kayo kay Sir Lop--"

"Cancel It! I need to go" Sambit ni Eugene at nagmadaling sumakay ng sasakyan.

I forgot! Bakit ba naman kasi pati Linggo may trabaho ako? Aish!

.
.
.
.

"Andrea Musha Raven" Nagkatinginan ang mag-ina ng tinawag ang pangalan ni Andrea

"Mommy, 5 minutes please?" paki-usap ng bata at tumango si Ashley

"Ma'am?" Tanong nung nurse at nginitian nya lamang ito

"5 minutes please? May hinihintay lang kami" Sambit nya at tumango ito

"Daddy, Where are you?" Mahinang usal ng bata habang nakatingin sa may dulo ng hagdan.
.
.
.
.
.
.
"Damn! Bakit ang bagal?!" Iritadong sambit ni Eugene ng makarating sya sa entrance ng hospital.

Agad nyang ipinark sa tabi at nagmadaling lumabas.

Patakbong pumunta sa may information area.

"Saan ang Therapy Section?" Tanong nito at hindi agad nakasagot ang babae dahil napatigil ito ng makita sya.

"Damn! Don't stare at me! Where is the Therapy Section!" Sigaw nito at agad nabalik sa ulirat ang babae.

"Second Floor Sir, then turn left" sambit nito at wala ng sinayang na oras.
.
.
.
.
.
"Andrea?" Tanong ni Ashley sa anak at nakita nyang may namumuong luha sa mga mata nito.

"Hey, Wag ka ng umiyak." Alo nito at niyakap ang bata.

" He is not here." Mahinang usal nito sa ina at yumakap rin.

"Ma'am, Pasensya na po pero kailangan na po kasing simulan ang therapy" Pahayag ng nurse at tumango ito.

Kinuha na ng nurse ang kamay ni Andrea at inalalayan papasok ng pinto pero sa huling sandali bago makapasok sa loob ng kwarto.

"I hate you Dad---"

"Andrea!" Dali-dali syang bumitaw sa pagkakahawak sa nurse at tumakbo papunta kay Eugene.

"A-Akala ko po. H-Hindi ka na po dadating" Mahinang usal nito at kusang tumulo ang luha.

"Hindi pwede yun Baby, You told me about it kaya andito ko ngayon" Sambit nito at ngumiti.

"Mommy" Tawag ng bata sa ina at lumapit ito.

"Can you please give me a hug?" Request ng bata at nagkatinginan silang dalawa.

"Please?"

"Okey" Ang nasambit ng ina at yumakap sa anak pero naramdaman nito ang yakap ng lalaki.

"Kaya mo yan Andrea." Pagpapalakas ng loob.

"Paglabas mo nandito parin si Daddy okey?" Wika ng ama at tumango sya.

------

[Ashley P.O.V]

"Gusto mo bang magpunta muna sa ibaba?" Tanong sa akin ni Jeric at umiling ako.

"Hihintayin ko si Andrea. Bababa ka ba?" Tanong ko at tumango sya.

"Nagpapabili kasi si Marcus. Isasama ko na lang. Ano bang gusto mo?" Tanong nya.

"Tubig na lang." Sambit ko at tumango sya.

Mommy, Can you please give daddy one last chance? For me? Please

Okey na lahat? You mean pati kayo ni Daddy?

Andrea. Ano bang gagawin ko?

"Okey ka lang ba?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita at tumango lang ako.

"A- Ano bang s-sakit ng anak natin?" Tanong nya at napaangat ang isang gilid ng labi ko.

"Wala namang sakit yung anak ko. Mahina lang yung resistensya nya kaya umander- go kami sa therapy. Natatakot kasi ako baka may kung anong mangyari sa anak ko" Sambit ko sa kanya.

" Ashley. Come on. Patawarin mo na ko please? For the sake of Andrea. Ng mga anak natin" Sabi nya at napa-iling ako.

"I told Andrea na magiging okey lahat after her therapy. She told me that I should give you a chance. Pero ang hirap tanggapin Eugene" Wika ko habang nakatungo.

"I will do everything para mapatawad mo ko. Just tell me what will I do for you to forgive me" Sambit nya.

"Wala. Wala kang dapat gawin. 8 years. 8 years na yung lumipas Eugene. G-Gusto ko lang pagbigyan yung gusto ni Andrea. Yun lang " Wika ko at tumingin sa kanya.

"Let's pretend that we are okey infront of her. That's it." Simpleng sabi ko at tumayo.

----

"Ma'am okey na po" Napatingin akong nagbukas ang pinto at lumabas kasama ang anak ko.

She looks so tired.

"Mommy. Daddy" She said at ngumiti ako.

"Are you okey?" Tanong ko at tumango sya.

"I want to sleep." She said at tumingin kay Eugene.

"Do you want to sleep in my house?" Tanong nito at ngumiti si Andrea.

Stay with Me [B2:LY]Where stories live. Discover now