PROLOGUE

465 17 5
                                    

PROLOGUE: Love at First sight

Third Person's Pov

Naglalakad ang matangkad na lalaki sa gitna ng palengke at walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kaniya dahil sa suot niya at ang kaniyang gwapong mukha.

Weird. Sabi niya sa isipan niya nang tignan ang nasa paligid niya. Tinakpan niya ang ilong niya dahil sa mga amoy ng mga isda nabenibenta ng ilang mga mangingisda na dumayo pa talaga sa syudad para kumita ng malaking halaga.

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung na saan siya at paano niya napunta sa lugar na iyun, miski ang pangalan ng lugar na yun ay hindi niya alam.

Dahil lutang siya kanina at hindi alam kung saan makakabili ng pagkain ay sa kung saan na lang siya naglakad hanggang makarating siya rito. Kumakalam na din ang sikmura niya dahil sa gutom, hindi pa nga ito nakakapag-breakfast dahil gusto niyang mapagisa, kung nagbreakfast siya kanina ay pwedeng makita niya ang childhood friend at vice leader ng kaniyang organisasyon na si Forrest Zhanses at iba pang mga bosses nito.

Ayaw niya muna na makita sila dahil sumasakit lang ang ulo niya sa mga pinaguusapan nila tungkol sa mga ibang bagay na tungkol sa gang o mafia, miski ang mga fail na pagbebenta ng drugs sa ibang mafia group ay nasali sa mga usapan nila. Ayaw na ayaw niyang pinaguusapan ang mga hindi tagumpay na illegal na mga gawain nila bilang isang mafia.

Fuck, I regret escaping from Forrest sight! Sigaw niya sa isipan niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Oo, tumakas lang siya mula kay Forrest. Binabantayan din kasi siya nito dahil sa paminsan-minsan niyang pagkawala, hindi naman madalas five times a week lang naman. Naiirita din siya dito dahil sa parang pagturing nito sa kaniya bilang hari. Pero isa naman talaga siyang hari, sa organisasyon niya…

Should I use Google map? Tanong niya sa sariling isipan kahit wala namang sasagot sa kaniya.

Nang lumingon siya sa gilid niya ay may nakita siyang nagbebenta ng chichirya. Agad siyang lumapit doon at tinignan ang mga benta doon.

I will not die if I eat something like this, right? Tanong niya sa isipan niya na may pag aalanganin sa dibdib.

Palagi kasing tinitiyak na safe, healthy at walang poison ang mga kinakain niya na para ba siyang hari. Si Forrest ang palaging tumitiyak na ligtas ang mga pagkain dahil OA nga ito.

Tumingin siya sa dalaga na nakatingin sa kaniya na may kuryusidad ang mukha, namula ang mukha nito nang makita si Atlas na nakatingin sa kaniya.

"A-ano po ang shainyo, sher?" May pagkapabebe nitong tanong sa kaniya at pinaglalaruan ang mga daliri, hindi niya naman maintindihan ang sinabi nito.

Tumaas ang isa niyang kilay. "What? Sorry, miss, I can't understand you." Tanong niya sa dalaga. Naiintindihan naman niya ang 'ano', 'po' at 'ang'. Pero ang dalawang salita naman ay hindi niya maintindihan.

Marunong naman siya magtagalog dahil nga Filipina ang kaniyang ina, pero ang problema lang ay nabubulol siya paminsan minsan kaya naman hindi na lang siya nagsasalita ng tagalog. Noong nabulol nga siya noong una niyang pagsasalita ng Tagalog ay talagang pinagtawanan siya ng mga kaibigan niya, mabuti na lang at hindi na siya iyak sa harapan nila.

"Ay!" Mukhang natauhan ang dalaga sa pagpapabebe niya kaya tumayo siya ng tuwid at tumikhim. "Sir, ano po ang sainyo? Sabi ko po." Ulit nitong tanong kay Atlas.

The Mafia King And His QueenWhere stories live. Discover now