Special Chapter Part 2

Start from the beginning
                                    

"Hush, baby. I'm sorry okay?" Niyakap niya 'ko. "I'm sorry. I'll buy an orange apple just don't leave me, hmm?" Nakanguso akong tumango.

Alam ko namang walang gano'ng klaseng mansanas pero 'yon ang gusto ko e!

Pagkalabas namin ng kwarto ay nagtatawanan pa rin sila. Gusto kong batuhin ng plantsa si Oliver dahil siya ang may pinakamalakas na tawa.

"Oh, Safara!"

"HEH!"

"Nakakatakot pala kapag buntis 'tong si Safara, nagiging mainitin ang ulo." Mahinang usal ni Oliver pero rinig ko naman.

Saan ba nakalagay 'yong plantsa namin?

"What are you doing, baby?" Hinawakan niya ang baywang ko at hinalikan ako sa ulo.

"Plantsa." Maikling sagot ko.

"Huh? Why?"

"Ibabato ko kay Oliver."

"EH?!" Gulat na singhal ni Oliver. "Hindi magandang biro 'yan, Safara."

"Hindi naman ako nagbibiro e." Sagot ko habang patuloy pa rin sa paghahanap.

"Baby----Oliver hide now." Nakanguso naman akong bumaling kay Caesar.

"Ayaw mo na ba sa 'kin?"

"No! I love you so much if you're not aware!"

"Huwag mo 'kong iwan. Dito ka lang muna." Niyakap ko siya at sumubsob sa dibdib niya. Agad naman niya 'kong niyakap pabalik.

"I want too but I need to go to work. That's why they're here to take care of you."

"Dito ka na lang please." Naiiyak kong usal.

"Safara, na'ndito naman kami. Uuwi naman si Caesar ng maaga mamaya." Usal ni Kale pero mas lalo lang akong naiiyak.

"Siguro kaya ayaw mo dito kasi may babae ka do'n 'no?! Ayaw mo na sa 'kin dahil ang taba ko na! Hindi na 'ko maganda sa paningin mo! Sinasabi ko sa 'yo Caesar, kapag ako niloloko mo, puputulan kita ng kaligayahan!"

"Baby, you're the only woman I love, hmm? Okay, I'm not going to work today. Let's watch----."

"Pumasok ka na." Tinalikuran ko siya.

"Baby----."

"AH!" Napahawak ako sa t'yan ko ng bigla itong sumakit. Sobrang sakit!

"Why?! What happened?!"

"Caesar! Ma-Masakit! Ah!"

"Manganganak na ata! Ihanda niyo 'yong kotse! Bilis!"

Agad akong binuhat ni Caesar palabas ng bahay. Tumigil ang isang kotse sa tapat namin. Hindi ko na inalam kung sino ang nagda-drive dahil sobrang sakit na ng t'yan ko.

"Hindi ko na kaya!" Hinihingal na 'ko. "Manganganak na 'ko!"

***

Nakahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Mama. Nandito kami sa hospital. Katatapos ko lang manganak at hinihintay na lang namin si Caesar kasama ang baby namin at ang Doctor.

Natatawa ako sa itsura ni Kuya dahil kinakabahan siya. Mukha siyang natatae. Parang siya pa ang Nanay e!

Napaayos ako ng upo ng pumasok na si Caesar habang buhat buhay ang baby namin.

"Baby!" Dahan dahang binigay sa 'kin ni Caesar si Baby Zeus. Ceizeus Bellevue. "Ang cute!"

Ang liit ng mukha niya! Nagsisiksikan kami rito dahil gusto nilang makita ang baby namin. Syempre hindi pwedeng mawala ang mga magulang ni Caesar.

Kung nandito lang rin sana si Papa, paniguradong tuwang tuwa 'yon. Pa, ang cute ng apo mo! Kamukha ko! Si Papa...namatay siya pagkatapos ng operasyon ni Caesar. Na-hit and run. Dead on arrival. Halos hindi ako kumakain no'n, lalo na si mama. Hindi ko kinaya. Nabuhay 'yong taong mahal ko pero 'yong Tatay ko....hindi.

Pinahanap ng mga magulang ni Caesar ang bumangga kay Papa at hanggang ngayon ay nasa kulungan pa rin. Hindi ko man lang nakita si Papa sa huling sandali! Hindi ko man lang siya nakausap! Sobrang sakit! Hindi ko alam ang gagawin no'n! Akala ko ayos na, akala ko last ko ng iyak iyong kay Caesar pero hindi!

"I love you, wife."

"I love you, Bogart." Sumimangot naman agad ang mukha niya.

"I love you." Matigas niyang usal.

"I love you." Halos mawala ang mata ko dahil sa pag ngiti ko.

Zeus Bellevue. It's now your turn baby.

His Secret Diary (STILL EDITING)Where stories live. Discover now