47

26 6 0
                                    

SAFARA'S POV

Months passed...



Malapit na ang graduation namin kaya busy na kami. Puro exam kami nitong mga nakaraang araw. Malapit na rin ang final exam namin at graduation na namin next week. Limang araw na lang dahil Thursday ngayon at mamaya ang final exam namin, at bukas malalaman ang result. Kailangan rin namin pumunta dito sa Sabado para kuhanin ang report card namin. Ang bilis nga ng araw e.



Ang dami ring nangyari at nalaman. Katulad na lang na ilang buwan na pala sina Kale at Oliver. Si Dorothy ay malapit ng sagutin si Daniel. Si Kristoff ay nililigawan pa din si Lyn. At si Juan, wala, puro aral lang. Ayaw pa rin sa 'kin ng Mommy ni Caesar.



Magkakasama kaming nag rereview, tulungan na din kumbaga, para kapag may lesson kami na mahirap intindihan ay mag tutulungan kami. Katulad ngayon, na'ndito kami sa bahay nina Kristoff. Babalik kami mamaya sa school para mag take ng exam. Isang oras lang ang meron kami para makapag-review.



"Nasaan si Caesar?"



"Kasama si Kristoff, may pinag-uusapan sila." Sagot ni Kale.



Pinag-uusapan? Ano naman 'yon?



Nag patuloy na lang ako sa pag re-review. Maya maya lang din ay pumasok na si Caesar kasama si Krisotff.



"Hey." Tumabi siya sa 'kin.



"Mag review ka na." Hinalikan niya ko sa pisngi bago kuhanin ang laptop niya at buksan.



"Anong problema? Bakit ka gan'yan makatingin, Kristoff?" Para siyang naawa sa 'kin dahil sa tingin niya.



"Wala." Binalik na niya ulit ang atensyon niya sa librong hawak niya.



Nagbasa na lang ulit ako. Sinusulat ko sa sticky note 'yung mga formula at pagkatapos ay kakabisaduhin ko.



Habang nag re-review kaming lahat ay nakahawak sa kamay ko si Caesar.



"Oliver, ano ba 'yan? Lumayo ka nga! Kapag ako hindi nakapasa, babalian kita ng buto."

His Secret Diary (STILL EDITING)Where stories live. Discover now