"Maximo!" Bulalas niya sabay takbo palapit sa akin at yumakap sa akin. Halatang nangulila siya sa pagkawala ko ng apat na taon. Gan'on din naman ako sa kanya.

Napayakap din ako sa kanya at napahaplos sa kanyang likod. Binata na ang aking kapatid. Parang kailan lang ay mahilig pa siyang magpabuhat o magpapasan sa akin. "Thiago."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin para tignan ako. Pero bumaba rin ang tingin niya sa bendahe ko kaya kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Muli siyang napatingin sa mga mata ko. "Estás bien?" Okay ka lang?

Napangiti ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. "Estoy bien. Está lejos del intestino." Okay lang ako. Malayo ito sa bituka.

Naglakad naman ako papunta sa tukador ko para kumuha ng pamalit na damit. Nakasunod naman siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya habang inaayos ang damit na napili kong suotin.

"Cómo es la universidad?" Kumusta ang kolehiyo? Tanong ko sa kanya sabay suot ng damit. Napatingin ako sa manggas nang kumapit lang ito sa braso. Sumikip na ata ang mga damit ko dahil sa tagal kong hindi ito nagamit.

Napatingin naman ako kay Thiago nang matawa ito. Nakatingin din siya sa manggas na suot ko. "Mi hermano se volvió machista, ah." Naging macho ang kapatid ko, ah. Pang-aasar niya sa akin.

Natawa naman ako sa kanya at inakbayan na siya. Inakay ko na siya palakad-palabas ng aking kwarto. "El colegio no estaba bien todavía porque también nos afectó la guerra." Hindi pa maayos ang kolehiyo dahil naapektuhan din kami ng digmaan. Pahabol naman niyang sagot sa tanong ko.

Tumango naman ako pero may kasamang lungkot. Itong nangyaring guerra na ito. Lahat ay apektado. Kaya hindi ko maunawaan ang mga lider ng mga bansa na piniling idaan sa madugong labanan ang sigalot sa pagitan nila imbes na sa mapayapang usapan kung saan walang buhay sana ang masasakripisyo.

Ang mga pinunong pinipili ang bakbakan imbes na payapang usapan ay ang mga pinunong makasarili dahil pinapa-iral nila na mapakitang "malakas" sila. Minsan, naiisip ko na mas maganda kung babae sana ang mamuno ng mga bansa imbes na ang mga kalalakihan na puno lang ng kayabangan. Sana mas mabigyan pa ng pantay na karapatan ang mga kababaihan.

"Por qué no vas con papá y mamá?" Bakit hindi ka sumama kina papa at mama? Tanong ko pa sa kapatid ko. Dumiretso kami sa likurang bahagi ng mansion kung saan matatagpuan ang aming hardin. Naupo kami sa tea-table namin. May lumapit naman sa aming kasambahay para pagsilbihan kami ng aming maiinom.

"Qué haré en Filipinas?" Ano naman ang gagawin ko sa Pilipinas? Sagot naman niya sa akin.

Nagkibit-balikat naman ako. "Yo tampoco lo sé. Qué hay en Filipinas?" Hindi ko rin alam. Ano bang meron sa Pilipinas? Sagot ko naman sa kanya.

"Como se enseña en la escuela, Filipinas es rica en tierras de cultivo." Ayon sa itinuro sa paaralan, ang Pilipinas ay mayaman sa lupang sakahan. Sagot pa niya sa akin.

Tumango naman ako dahil tama naman siya. Nasakop namin ang Pilipinas sa matagal na panahon. Ayon sa mga libro, mayaman ang Pilipinas sa mga lupang sakahan kaya marahil pinili ng aking mga magulang na doon bumili ng lupain. Parte na ang Pilipinas sa kasaysayan ng Espanya; at parte na rin ang Espanya sa kasaysayan ng Pilipinas. Mabuti man o masama ang nangyari, ang kasaysayan ay kasaysayan at hindi isang chismis.

"De paso." Siya nga pala. Singit ng kapatid ko kaya napatingin akong muli sa kanya. May inilapag siyang sobre sa ibabaw ng bilog na lamesa na nakapagitna sa aming dalawa.

Kinuha ko ito at tinignan. Habang tinitignan ko ang nakapaloob dito ay muling nagsalita ang aking kapatid. "Ese billete de barco. Le dijeron a mamá y papá que fueran a Filipinas cuando regresaran de la guerra. Quieren que descanses allí primero." Ticket sa barko iyan. Sinabi nila mama at papa na pumunta ka sa Pilipinas pagbalik mo sa giyera. Gusto nila doon ka muna magpahinga.

Nakatingin lang ako sa ticket. Wala siyang petsa dahil naka-espesyal na ticket siya na pwede kong gamitin kung kailan ko gustong umalis. Papunta lang ang ticket at walang pabalik. Muli ko itong linapag sa lamesa at tinulak palapit sa kapatid ko.

"No estoy interesado. Esta mansión me basta para descansar." Hindi ako interesado. Sapat na ang mansion na ito para makapagpahinga ako. Sagot ko sa kanya.

Sinubukang ngumiti ni Thiago at tumango-tango. "Sólo inténtalo. Si no te gusta mucho, vuelve aquí. También quiero que te relajes. Sé lo que te hizo la guerra." Subukan mo lang. Kung hindi mo talaga magustuhan, bumalik ka rito. Gusto ko ring makapagpahinga ka. Alam ko ang dinulot ng giyera sa iyo.

Matagal kong tinitigan si Thiago bago muling tignan ang ticket sa ibabaw ng lamesa. Ano ba ang maitutulong sa akin ng Pilipinas? Matapos namin sila sakupin at matapos nila kaming mapaalis sa bansa nila, may mabuti pa bang naghihintay para sa mga kagaya naming Espanyol sa Pilipinas?

At may biglang pumasok sa aking ala-ala.

Si Aling Caridad.

Siya ang dahilan kung bakit ako marunong managalog. May pangako ako sa kanya na dapat kong tuparin. At ito na ang pagkakataon na iyon para maisakatuparan ko iyon. Matapos n'yon ay babalik akong muli rito sa mansion. Hindi ko gustong mamalagi sa Pilipinas.

Kinuha kong muli ang ticket at tinignan ang aking kapatid. "Envíe una carta a mamá y papá en la fecha de mi llegada a Filipinas para que puedan prepararse para recogerme en Cebú." Magpadala ka ng sulat kina mama at papa sa petsa ng aking pagdating sa Pilipinas para mapaghandaan nila ang susundo sa akin sa Cebu.

Ngumiti naman si Thiago at tumango. "Mi hermano mayor lo seguirá." Masusunod aking Kuya.

Tumango lang ako at muling tinignan ang ticket.

Pilipinas, ano'ng naghihintay sa akin sa pagdating ko sa bansa mo?

—MidnightEscolta 😉

El VioladorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon