Isa isa ko naman itong niscan, at ng matapos na ay tumingin ako sa monitor,

" 275 pesos po Miss.. " sabi ko dito tsaka binalot yung pinamili niya

" Do you accept card here? I don't have cash with me kasi eh.. " tanong niya

" Yes po, " sagot ko tsaka kinuha yung pang card na pangbayad

Sinwipe naman niya yung card niya dun, at nung mataas yun ay kinuha niya na yung grocery niya,

" As long as I want to have chitchats with you bae ay nagmamadali kasi ako, see you around.. " she stated at ngumiti ng unte sakin

" Okay lang po yun Miss Sahara, may bukas pa naman po.. " sambit ko naman dito at nginitian siya

" Didn't I told you to call me Sahara pag tayo lang? " Tanong niya,

" Sorry, goodnight and take care Sahara, " sabi ko na lang pambawi, ngumiti naman siya sakin

" Goodnight and take care too Hilaga.. " she said at naglakad na palabas ng store,

Minuto ng makalabas siya ay siya namang pagbalik ng Lympian kanina, every body call Luthar Ynes Univ students, a Lympian/s

" 150 pesos lahat.. " sambit ko ng matapos akong magscan sa pinamili niya,

" Taga EU ka right? " Tanong niya at nag abot sakin ng ₱200,

Kumuha naman ako ng singkwenta tsaka ibingay sa kanya

" Yep, pano mo nalaman? " Sagot ko at binalot na yung pinamili niya,

" Somewhere I saw you, " sabi niya lang, inabot ko naman yung supot na binili niya

" Ganun ba, sige.. " sabi ko nalang, diko alam irereply sa kanya eh,

" Goodnight and ingat ka po.. " sabi niya at naglakad na papuntang exit,

" Goodnight and take care too, " sabi ko dito at ngumiti

Balik ako sa pag upo at kinuha yung libro at nagtuloy magbasa, yung sahod ko pala dito ay tamang tama lang sa pang araw araw at gastusin sa skwelahan

Naputol na naman yung pagbabasa ko ng tumunog yung phone ko, agad ko namang kinuha yun at sinagot,

" Hello? " Sagot ko dito

" Hilaga, ano oras ka uuwi ngayon? " Si Jam pala yung tumawag

" Mga ten siguro, bakit? " Sagot ko dito

" Dala mo naman yung spare key mo dba?  " Tanong niya ulit,

" Yep, magandang gabi po.. " sagot ko at binati yung kakapasok lang na costumer,

Ngumiti lang siya sakin at tumingin tingin na

" Sige, ingat ka pauwi.. " sambit ni Jam tsaka nag hang up,

Ibinaba ko na naman yung phone ko tsaka naghintay sa costumer kanina,

Hindi pa man nakabalik sa pagtingin tingin ay may dumating na naman, at ngayon dalawa sila

" Good evening po.. " nakangiti kong bati sa kanila, nginitian lang ako nila tsaka nagtuloy tuloy sa paglalakad

Finally, after a minute of waiting ay nakabalik na yung unang pumasok,

Kaya pala natagalan, baka inabot niya pa tong kinuha niya, as I remember nasa medjo mataas toh na parte eh

" 167 pesos po maam.. " sambit ko at binalot na yung binili niya habang naghihintay sa bayad niya

" Here, keep the change.. " sambit niya at kinuha yung nakabalot niyang binili,

" Thank you po.. " I said at ngumiti lang siya then umalis na

Bed Of Roses • La Fuentes University [ Completed ]Where stories live. Discover now