AlMie AU: "Home Lunch Date"

Start from the beginning
                                    

"Gusto kong tikman mo 'tong luto ko, its not my normal recipe kaya baka manibago ka" dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya habang maingat na hawak ang kutsara.

"Did you find a new recipe or something?" he asked. "Yeah, and I just want to make sure that it tastes good. Gusto ko malaman kung tama lang ba yung alat o kailangan ko pang dagdagan." huminto ako sa tapat niya at inilapit ang kutsara sa kaniya.

He leaned forward, "Hipan mo muna, baka mainit" I said. Hinipan niya iyon saglit bago isinubo ang kutsara.

'I'm sorry in advance babe' I said in mind.

I suppressed myself from laughing and I kinda feel bad when I noticed how hard he tried to swallow the salty sauce. Hindi siya agad nakapagsalita at nakatitig lang sa akin, parang nagpipigil ngumiwi dahil sa alat. Namula na din agad ang tainga niya.

"Is it good?" I asked. Hindi siya agad sumagot, "Are you okay?"

"Uh.. Maybe try it with a little less salt babe" he stated.

"Little less salt?"

"Yeah, just like..." he gestured using his hand "it's kinda salty"

I pressed my lips together for a second, "Pero masarap naman 'no?"

Napakamot siya sa batok, "I mean, the flavors good but uh.. Maybe add some milk or sugar, could you do that?"

"Milk?" kunwaring nagtataka kong tanong.

Nag-aalangan siyang tumango, "Yeah, maybe put some. It's just kinda salty... a little. But you did good babe." he looks so innocent while saying that.

"Pero kaunti lang naman yung alat 'no? I mean, everyone else likes it pretty salty. So, okay na sigurong hindi ko baguhin."

Muntik na akong matawa nang mabilis siyang umiling, "No.. I would add some milk babe"

"Milk?"

"Or sugar to kind of balance the taste or uh.. lessen the salt flavor. It's really good, the flavor's there."

Kunwari akong nag-isip saka umiling, "I think okay na yan, I'm just gonna leave it. Mahilig naman yung ibang tao sa maalat, e."

"Uhm.." he grabbed the glass of water and drank it.

"Do you think it'll be okay? Siguro naman kapag hinalo ko na 'yon sa pasta mas magiging masarap"

"I think it's a little salty but I'm not trying to be mean. I just think it's a little too salty"

Kunwari akong sumimangot at tumango. Lumapit ulit ako sa sauce pan at sumandok ng kaunti at tinikman iyon. "Pero okay naman yung lasa ah" kumuha ulit ako nang kaunti at lumapit sa kaniya.

"Tikman mo babe, hindi naman siya maalat para sa 'kin." inabot ko ang kutsara pero bigla siyang umiling, "No, I think you need to add something first"

Doon na ako tumawa, para kasing hindi maipinta ang itsura niya.

"What's funny babe?" he asked. "I'm sorry.. I'm sorry" napahawak ako sa tiyan dahil sa kakatawa.

"Why?" takang-taka niyang tanong.

I wiped the tears at the corner of my eyes, "I'm sorry babe, I fooled you"

"Fooled me?"

Inabot ko ang kutsara, "Tikman mo, hindi yan maalat promise"

Nag-aalangan siya no'ng una pero tinikman din niya, mas lalong kumunot ang noo niya nang matikman ang hindi maalat na sauce.

"Did you just prank me?" he asked.

I nodded while grinning at him. He heaved a sigh, "You got me there babe, do you know how hard for me to tell you that it's salty without offending you or making you upset? Tapos pina-prank mo lang pala ako" he pouted.

Natawa ulit ako, "Sorry na!" umikot ako sa counter table papunta sa kaniya saka patagilid siyang niyakap. "Sorry na Al, hindi ko na uulitin 'yon." I giggled.

He hugged me back, "You and your hobbies of watching prank videos on tiktok again"

"Sorry na hahaha, pero promise masarap yung luto kong spaghetti. Kain na tayo?" yaya ko sa kaniya.

"Mabuti pa nga dahil baka lagyan mo na naman ng madaming asin ang pagkain ko" bumaba siya sa upuan at naunang pumunta sa kusina. Sumunod ako sa kaniya, "Hoy, sorry na nga eh. Hindi ko na uulitin 'yon."

Tinulungan niya akong kumuha ng mga plato at kubyertos. Naglagay ako ng spaghetti sa dalawang plato saka i-sinerve iyon sa dining table. Nakalagay na doon ang bowl ng buffalo wings, kaunting kanin, at juice.

Bumalik ako sa kusina saka binuksan ang microwave oven, nilabas ko ang ininit kong pizza doon saka bumalik sa labas. "Look babe, may pinadala sa 'king pizza si Lori"

"That looks good."

Alistair pulled the chair for me, I thanked him before sitting. Umupo naman siya sa harap ko. Kinuha ko agad ang cellphone para kuhanan ng picture ang mga pagkain. Sa huling shot ay isinama ko si Al, saktong tumingin siya sa akin kaya napangiti ako.

Pinakita ko sa kaniya ang picture, "Look ang gwapo mo dito oh" he looked at it for a while then smiled a little. "Can I post it?" paalam ko, mabuti ay tumango siya.

Binuksan ko ang instagram at i-pinost ang picture niya sa story, I tagged him and put a caption "Home lunch date with my poging boyfiee" then I clicked the post button.

"Let's eat!" I excitedly said then grabbed the fork to eat the spaghetti that I cooked for us.

゚。・*.゚☆✿◕ᴗ◕✿☆゚.*・。゚

Let me know your thoughts and questions about my AUs here ☞ ngl.link/cattylafea

Project LOKI AUs (Compiled)Where stories live. Discover now