Chapter Twenty Eight

Start from the beginning
                                    

"Alam nyu ba kung nasaan ang bahay nya? Gusto ko syang makausap." Nagkatingin silang dalawa at sabay na umiling.

"Masamang ideya yan Zertyl." Sabi ni Veyra.
"So what should I do? Hayaan syang siraan ako? Hanggang sa magkahiwalay kami ni Karic?"

"Ang pangit namang pakinggan kung masisira kami dahil sa isang unggoy!" Inis kong sabi at napakalmot sa unan.

"Let's ignore her like she's nothing. A nobody to us. Let's show her na wala tayong pakialam sa ginagawa nya hanggang sa mapagod lang sya." Sabi ni Ashna.

"And um.. wag na nating sabihin kay Karic." Sabi nito at napatingin sa akin. Tumango ako dahil ayokong makarating rin kay Karic iyon.

Two weeks had past at malapit na ang birthday ni Dyson. Sa bahay ni Dyson magaganap yung celebration pero may after party sa condo nina Veyra at dun na daw nya ibibigay ang regalo kay Dyson.

"It's already Jan. 15 Are you nervous?" Tanong ni Ashna kay Veyra na busy sa kaka-kain ng donuts.

"May apat na araw pa." Sagot nito ng hindi kami tinitignan.

"May problema ba?" Tanong ko, parang malungkot kasi ito at halata sa mata nito na umiyak ito kahapon.

"Wala naman nagbreak lang kami kahapon." Simpleng sabi nito at pilit na ngumiti.

"What!? Na naman?" Gulat na tanong ni Ashna. Hindi sumagot si Veyra at kumagat lang ito ng kumagat sa donuts na parang stress ito.

"What's the reason na naman ba? Ikaw ba yung nakipagbreak? Palagi na lang kayo on and off. Paano kung kasal na kayo. Annulment kasal annulment kasal? Ganun ba trip nyu?" Di ko mapigilang matawa at hinampas si Ashna.

"Edi wag magpakasal!" Galit na sabi ni Veyra at napasimangot.

"Ewan ko sa inyo. Yung isa dyan ayaw rin. Naku po may mga anak na kayo't lahat lahat." Napailing na lang si Ashna at hopeless na tinignan kami.

"Wag mo ng isipin yun Veyra bawal ang stress sa bata at isa pa sure naman akong magkakabalikan agad kayo bukas." Sabi ko.

"Pustahan tayo sa birthday pa ni Dyson magkakabalikan ang mga yan." Napakunot noo ako sa sinabi ni Ashna.

"What? Imposible baka mamaya magkakabalikan na sila eh." Umiling si Ashna at tumingin sa kapatid nya.

"Sige ang matalo sa inyo magskip ng pills sa isang linggo." Nanlaki ang mata ko at di agad nakapagsalita.

"What? Ayokong magkaanak at wala akong tiwala sa letseng condom!" Pareho kaming nagulat ni Veyra sa sinabi ni Ashna.

"Oh my god you're fucking the brother of you ex!?" Nanlaki ang mata ni Ashna at namutla. Ilang beses na umiling ito. Bumuka ang bibig nito pero walang salita na lumabas.

"Akala ko nagkakaintindihan lang kayo ni Alius fuck! tinitira kana pala." Naningkit ang mata ni Ashna at hinampas sa likuran si Veyra.

"Alius kayo ng Alius! Bakit ba ayaw nyu akong tigilan sa lalaking yun. Para namang di nyu alam ang salitang one night stand. Of course di namang pwede na wala akong sexlife at normal lang iyon sa mga babaeng katulad ko na ayaw pang pumasok sa seryosong relasyon."

"And no it's not Alius!" Napakagat ako ng labi dahil parang galit na ito. Natahimik kami ni Veyra.

"Okay fine let's have a bet. I know naman na mananalo ako dahil buntis si Veyra at sobrang babaw ng emosyon nya ngayon." Umismid si Veyra at napasimangot.

"Dyson have a mission so hindi sila makakapag usap ng maayos." Nakangising sabi ni Ashna.

"Masaya kang ganun? And hello may gabi pa naman umuuwi naman si Dyson." Tinaasan ako ng kilay ni Ashna.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now