"Ang simple ha! Cutie na lang para cute pakinggan." Lahat ng unan na nasa sofa lumipad kay Alius. Napahawak na ako sa tiyan ko sa kakatawa.

"Babe mapipisa na ako." Agad na tumigil ang tawa ko at tumingin kay Karic.

"Mapipisa? Parang hampas lang hindi ka naman pinipiga."

"Yeah right. Just laugh but you don't need to hit me with your metallic hand." Agad na sumama ang mood ko at malakas na hinampas ito sa braso.

"Bakit gabi gabi kang pumapatong sa akin nagrereklamo ba ako. Sa laki ng katawan mo napipisa talaga ako pero may naririnig ka bang reklamo?" Masungit kong tanong. Napangisi ito at hinapit ako sa bewang. Nilapit nito ang mukha sa tenga ko.

"How can you complain babe? Kung sarap na sar—"

"Shut up!" Tinulak ko ito at iniwan. Narinig ko pa ang malakas nitong tawa. Bwisit!

Dahil sa bagyo wala kaming masyadong naganap sa new year. Nasa loob lang kami ng bahay at walang mga paputok na maririnig sa labas. Buti na lang at tumigil ang ulang bandang 11 ng gabi kaya nakapag ready pa sila ni Karic ng fireworks.

"Daddy can i try?" Agad na umiling si Karic at pinalayo si Aera at baka raw matamaan.

"Daddy more more!" Sigaw ni Aera at tumatalon sa tuwa habang pinagmamasdan ang fireworks sa langit. Kumikislap ang mata nito habang nakangiti na nakatanaw sa langit.

"Okay that's enough let's go inside na anak." Sabi ko at hinila na ito papasok. Hindi naman ito nagreklamo at mukhang satisfied na ito sa ginawa nila Karic.

Kinaumagahan maagang nagising si Aera para tignan yung medyas na sinabit nya sa mismong tapat ng pintuan para daw kitang kita ng lahat.

"Ilan lahat apo?" Nangunguna naman agad itong si Papa na alam kong syang may pakana ng pamedyas ni Aera.

"You add it po lolo, tito Dyson gave me.... It's really 20,002?" Natawa ako at nakisilip sa cheque na hawak ni Aera.

"Okay na yan baby atleast dinagdagan nya ng two pesos." Napasimangot ito at kumuha pa ng isang cheque sa loob ng medyas.

"It's from tita Ashna and may letter pong kasama!" Sabi nito at napakunot noong binuksan ang letter. "Last mo na to Maldita wala na akong pambiling bag." Natawa ulit ako at kinuha ang letter ni Ashna.

"How much did she gave?" Curious kong tanong. Nanlaki ang mata nito at napatalon sa tuwa.

"Aba tsamba 50k!" Napangiti ako sa sinabi ni Papa at pinagpatuloy na yung ginagawa nila.

"10k lang po binigay ni tito Alius ang damot." Pagpasensyahan mo na anak at naubos na ata ng tita Ashna mo ang pera ni Alius. Napailing ako at di na sinabi iyon.

"Tita Veyra gave 10k too yeys!" Napaawang ang labi ko at di makapaniwalang tinignan ang anak ko. Kanina si Alius madamot tapos kay Veyra yeys? Favoritism tong anak ko.

"You should know how to appreciate little things anak. You should say thank you after that okay?" Ngumiti ito at ilang beses na tumango.

"How much lahat po lolo!?" Excited na tanong ni Aera kay Papa na may hawak na calculator.

"1,190,002." Bigla akong nabilaunan sa iniinom kong hot choco sa result ng pagca-calculate ni Papa.

"Ilan ho pa?" Tanong ko.
"1,190,002 nga anak bingi ka ba?" Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig.

"Paano nangyari yun? 90,002 lang yung nanggaling sa apat ah! Saan nanggaling ang 1,100,000?" Napangiti si Aera at binigay sa akin ang isang cheque.

"Daddy gave me 1 million!" Napanganga ako at agad na tinawag si Karic.

LIVING WITH MY EXМесто, где живут истории. Откройте их для себя