Prologue

16 7 0
                                    

Prologue

Third Person's POV

"Stop pinching my cheeks." Napahagikgik ang batang si Adira sa sinabi ng batang si Knox, hawak hawak pa rin nito ang pisngi ng batang lalaki samantalang nakasimangot naman itong nakatitig sa kanya.

"Ang cute cute mo kaya, pero mas gwapo ka kapag ngumingiti." Bahagyang uminit ang pisngi ni Knox habang si Adira naman ay bumalik sa pagkain ng paborito nitong desert. Pitong taong gulang pa lamang sila ngunit iba na ang pakiramdam nila sa isa't-isa.

"You should promise me one thing." Napaseryoso si Knox. Napatigil ang inosenteng si Adira na kumakain ng avocado cake.

"Ano iyon, El-el?" Masuyong hinaplos ni Knox ang pisngi ni Adira. Alam niya sa sarili niya na ang babaeng nasa harap niya ay ang makakasama niya habang buhay.

"Ipangako mo sa'kin na ako lang ang papakasalan mo," Bahagyang napanguso pa si Adira. Nagtataka siya kung bakit nasabi niya ito ngunit kakaibang saya rin ang kanyang naramdaman.

"Oo naman, El-el. Ikaw lang ang gusto kong kasama forever." Matamis na ngumiti siya matapos niyang nasabi ito. Napangiti na rin si Knox at niyakap si Adira.

Ang nakangiting si Adira ay napatulala nang makita niya sa kanyang isip ang mangyayaring magpapahiwalay sa kanilang dalawa.

"Anong nangyayari?!" Nagpapanic na saad ng nanay ni Knox. Kinakabahan na ito dahil sa pagkabahala sa mukha ng kanilang driver. Ang dalawang batang kasama nila ay naglalaro sa likuran. Lalo siyang kinabahan nang sabihin ng driver na nawalan sila ng preno.

"Mom?" Napansin na ni Knox ang pagkabahala sa kanyang ina. Napatigil na rin sina Adira sa paglalaro at nagtatanong na rin ang kanyang mata sa nangyayari.

"Y-yes son?" Ayaw niyang mabahala ang mga bata sa nangyayari. Wala na rin siyang naiisip na paraan na pwedeng gawin upang walang aksidenteng maganap.

"What's happening?" Tanong ni Knox. Napahawak na rin si Adira sa kamay ni Knox. Maging sila ay naramdamang may kakaiba sa dalawa.

"Maghanda kayong dalawa, Adi at El. Icheck niyo ulit ang seatbelt niyo." Magsasalita pa sana si Knox nang may sumulpot na truck. Pagkabunggo nila ay niyakap ni Knox si Adira at nawalan sila ng malay.

"Adi, are you okay?" Napabalik sa ulirat si Adira. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nakita, kung totoo nga ba itong mangyayari.

"A-ah Oo naman." Pilit pang ngumiti siya upang makumbinsi si Knox na wala itong dapat na ipag-alala.

"You sure?" Niyakap ulit ni Adira si Knox. Hindi niya alam kung anong gagawin sa oras na iyon, kung sasabihin niya ba kay Knox ang nakita o hindi na lamang.

"Okay then, let's go fishing after you finish eating." Napangiti ng matamis si Adira. Nawala ang takot at pangamba sa isip niya at tuluyang kinalimutan ang nakita niyang panganib, ngunit isa iyong pagkakamali, na dadalhin niya hanggang siya'y makaalala.

thank you very much manang CharityBuenaflor8 for making my book cover, mwah!

I was Enchanted to Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon