Chapter 16

9.3K 599 314
                                    

Drop your thoughts about this chapter in this line! Or you can drop it on my message board! Enjoy reading! 


#TSLsRetribution16


"LET'S GO HOME."

Tumango ako kay Rush. I told him about the article. Maski siya ay nagulat sa laman no'n. We didn't expect he'll go this far because of his obsession.

How did I know that Jad was the one who posted that? Siya lang naman ang nakakapasok sa condo ko bukod sa pamilya ko dati. Siya lang din ang nakakaalam kung sino ako.

Indeed, kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ay siya rin ang sisira sa tiwalang binigay mo.

"What if alam na nila Mommy?" tanong ko kay Rush habang nasa elevator kami.

"Then explain everything to her. She'll listen to you. When the whole world is your enemy, expect that she'll back you up no matter what," Rush answered.

That made me feel better. I looked at his stoic face as we go down in the elevator. Yeah. Rush is a Mama's boy. He loves his mom more than anything in this world. Even when she was gone, his love for her didn't fade away.

Nilabas ko ang keycard ng hotel room namin pero natulos ako sa kinatatayuan ko ng magtayuan ang mga media sa labas ng hotel nang makita ako. Pati ang ibang mga hotel staff ay kinuyog ako.

"Pa-autograph, Miss TertiaL!"

"Ako po nag-assist sa inyo kagabi! Pwede pong magpa-autograph?"

I automatically went to Rush's side and all their eyes shifted on him. As if on cue, his hand snake up to my waist and he hid me behind him.

"Ay ang gwapo."

"'Yan 'yung jowa raw?"

"Pamilyar siya."

"Ms. Valdez?" Napapitlag ako ng may magsalita sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko ang mukhang manager ng hotel. "I am the owner of the hotel. We are aware of your situation, ma'am, and we would like to offer our service van to escort you back to your house."

"Why?" pabulong na tanong ko.

"I'm a fan, ma'am. As much as I like to have your autograph and fangirl right now, I know you need to address this issue first," she responded then smiled.

A bunch of hotel staffs came with us in the entrance. Hinarang nila ang mga media na pinagkukumpulan ako. Napakunot ang noo ko ng mapansin na may mga men in black pa na nakabantay sa gilid ng hotel.

Mukha silang hindi staff ng hotel dahil iba ang uniform nila sa mga guards. Baka personal security guards ng may-ari ng hotel?

Pagsakay sa van ay sinabi ko ang address ng condo ko. Mabuti ay hindi nasama sa mga information na pinost online ang address ko kaya nakababa pa kami sa harap ng condominium building ko. Kaya lang, pinagtitinginan na kami sa lobby pa lang.

Bago pa kami makasakay ng elevator ay pinower off ko na muna ang cellphone ko. Ang dami kong natatanggap na message mula sa mga kaklase ko, notifications sa personal and writing accounts ko. Nagbasa ako kanina ng kaunti sa van ng reaksyon nila sa nangyayari ngayon. Maraming negatibo pero mas marami pa rin ang positibo.

Kaba at takot ang nararamdaman ko habang paakyat. Paano kung galit ang pamilya ko sa akin? Dalawa itong nalaman nila. I'm a comic artist, and I'm seen entering a hotel with a man at midnight.

Ayos lang naman sa kanila ang pagguhit ko. Ang ayaw lang nila ay ang magtrabaho ako habang nag-aaral. Alam ni Mommy ang hirap ng gano'n kaya ayaw niyang maranasan namin ang kumayod para lang makapag-aral.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Where stories live. Discover now