Simula

39 5 0
                                    

KAIBIGAN

ORPHANAGE. NANDITO ang mga batang ulila, walang mga magulang o kamag-anak. Karamihan dito ay mga batang walang kamuwang-muwang at kakamulat palang sa katotohanan ng buhay.

Pero meron din namang hindi...

"Wahhhh! Ayoko!!"

"Hik! G-Gusto ko na umuwi...M-mama.."

"Hindi!! Aalis na ako dito!!"

Dahil mga bata pa ito ay may iba't ibang ugali ang mga ito na magpapainis at magpapa-awa sa mga matatanda.

Pero meron din namang naiiba...

"Okay mga bata, mabilis lang naman ito. Dahan-dahan kayong pumila para matapos agad tayo." Isang ginang ang nagpataha sa mga umiiyak na bata. Sumunod naman ang mga ito upang mapabilis ang lahat dahil ayaw na nila dito.

Nanlaki ang mata ng ginang ng dire-diretsong pumasok ang isang bata. "******, tapos ka na sa pila kaya pwede ka na bumalik sa kwarto mo." Ngumiti pa ito ng hinablot ang braso ng batang maliit.

Tumingala ang bata at halos hindi makagalaw ang ginang ng makita ang walang emosyon nitong mga matang nakatitig sa kanya. Ngunit nagising ang ginang sa nakakabighani nitong tawa.

"Hahaha, pasensya na po. Naguluhan lang po ako." Tila imahinasyon lang ng ginang ang nakita kanina dahil ang batang nasa harapan nito ay nakangiti  at rinig ang pagpapasensya sa tono nito.

Sinawalang-bahala nalang ito ng ginang at ginulo ang buhok ng bata. "O siya, bumalik na kayo sa mga kwarto nya para magpahinga." Kahit nakangiti ang ginang, ang malalim at matatalas nitong mga mata ay hindi maitatago. "Gigising pa kayo mamayang gabi."

Tumango ang bata at mga kaibigan nitong nakasunod dito. Kumuway ang mga ito na may ngiti bago nagsitakbuhan at puno ng tawanang umalis. Sinundan ito ng ginang ng tinggin ang mga ito bago lumapit sa isang lalaki na hindi sa kalayuan.

"Bantayan mo ang mga batang nakausap ko kanina. Mukhang maglilikot sila mamayang gabi." Nang ngumiti ang ginang, may kakaiba dito. "Siguraduhin mong hindi nila makakalimutan ang parusa upang hindi na nila ito gawin muli."

Tumango ang lalaki bago umalis. Bumalik ulit sa pila ang ginang, pinalambot ang mga tinggin at ngiti na parang walang nangyari kanina.

Pagkalipas ng gabi, may mga pintuang maingat na nagsibukas. Ang isang kwarto na kasama sa magbubukas ay nananatiling nakasara. Mga bulungan ang nakalukob dito.

"Oras na ba?"

"Mukhang lalabas na naman tayo."

"Napapagod na ako."

"Bakit ba sila tanong ng tanong ng mga iyon?"

"Hindi nila tayo pinapatahimik tuwing gabi."

"Shhh, nandyan na sila."

Ang iba naman ay tikom ang bibig dahil sa kaba o antok na nararamdaman ng mga oras na iyon. Bumukas ang pintuan at bumungad ang isang ginang. Nakaitim at puti ang suot nito na parang bestida.

Tumayo ang mga batang nasa loob ng kwarto at gumawa ng pila, naglakad sila palabas. Nang isinara ng ginang ang pintuan ng kwarto ng mga ito, ngumiti ito kahit kakaiba ang tinggin nito.

"Pupunta ulit tayo kung nasaan tayo dati. Dapat behave ulit kayo, ha?" Sabi nito. "Makinig lamang kayo. Handa ulit kayo sa mga mangyayari." Payo nito bago naunang naglakad.

"Psst. Anong gagawin natin." Bulong ng isa. May sumagot, ito ang nasa unahan nilang nakapila.

"Susunod ulit tayo hanggang sa makahanap tayo ng tamang oras." Lumingon ito sa mga kaibigan na nakasunod bago ngumiti.

Pagkalabas ng lahat sa building, isang malakas at malamig na ihip ng hangin ang naramdaman ng lahat. Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang makarating ang lahat sa destinasyon na paroroonan.

Pumasok ang lahat at naglakad hanggang sa dulo nito. Inasist na ng mga matatanda ang mga bata sa kani-kanilang kwarto. Madilim ngunit sapat ang ilaw upang makita ang mga mukha ng mga bata na naghihintay.

Ang ginang na nakasuot ng puti at itim ay binuksan ang isang kwkarto. Pamilyar ito sa isang grupo ng mga bata. Bago pumasok, may pinainom sa mga bata na parang bitamina na parang hindi.

Pagkasara ng pinto may isang ginang na nakasuot ng nakaputi. May lamesa dito, nakaupo ang ginang sa isa at uupo ang bata sa upuang kaharap ng ginang. Pagkaupo, may binigay na papel ito.

Kahit orphanage ito, alam lahat ng mga bata na nandito kung paano magbasa. Ngunit sa isang maliit at masikip na kwartong ito, may tanong na ibibigay ang mga matatanda.

Hindu ito nagbabago. Araw-araw, tanghali at gabi, ganito ang tanong. Hindi mahirap at hindi din madali, para sa ibang mga bata. Ang tanong;

Isang aksidente ang naganap at kailangan ng tulong ng mga kaibigan mo. May dalawang pagpipilian upang humingi ng tulong, sino ang iyong pipiliin?

A. Anghel
B. Demonyo

Mga bata subalit hindi pare-parehas ang mga sagot na ibinabanggit. May kakaiba, meron din namang hindi. Normal man o hindi, mananatili ang lahat sa dati, sa ngalan ng pagkakaibigan

ROSSIELA ELEMENTARY SCHOOL

"Kayo ba iyong mga bagong transferee kahapon?" Isang nakalasilaw na ngiti ang bumungad sa isang grupo ng dumating ang isang batang babae. "Ako nga pala si _____. Kayo ano mga pangalan nyo?"

Nagkatinginan ang mga ito sa isa't isa. Hindi kita ang maiitim at malalalim na mga titigan ng mga ito bago nagsingitian at naglapitan sa batang nagpakilala.

"Kami nga iyon, ikinagagalak ka naming makilala." Ngumiti ang mga ito ng makita ang nasisiyahang reaksyon ng batang babae.

"Pwede ko ba kayo maging kaibigan?"

"Oo naman!"

Nagkwentuhan ang mga ito at hindi pansin ang pinapalabas sa telebisyon. Isang balita na uimiikot sa kagimbal-gimbal na nangyari.

[".....hindi padin nalalaman kung sino ang salarin sa nangyaring pagsunog ng isang orphanage. Lahat ng mga nandito ay nasunog ng buhay, at hindi lang daw ito. Base sa mga imbestigasyon ng mga pulisya, patay na daw ang mga nasa loob ng orphanage bago simula sunugin ito. Naghihintay padin sa mga...."]

Nagkatinginan ang mga bata sa likod ng batang babae at ngumiti. Sumulyap saglit sa telebisyon bago patayin ito.

*****

"Anghel. Gusto ko iligtas ang mga kaibigan ko."

"Anghel. Gusto ko iligtas ang mga kaibigan ko."

"Anghel. Gusto ko iligtas ang mga kaibigan ko."

Halak-hak at tawa ang lumaganap sa maliit at masikip na puting kwarto.

"Demonyo. Gusto kong patayin ang mga kaibigan ko."

"Demonyo. Gusto kong patayin ang mga kaibigan ko."

"Demonyo. Gusto kong patayin ang mga kaibigan ko."

"Demonyo. Gusto kong patayin ang mga kaibigan ko."

Author'a Note: Napaka-ikli lang ng Prologue because pasilip palang sya. Nakakalito man, masasagot din ang lahat dahil konektado ang mga iyan sa susunod na mga mangyayari. Heads up for the next chapters!

KaibiganWhere stories live. Discover now