"Hey" baling ko sa kanya. Talaga ngang wala nako sa katinuan. Lasing na ngang talaga.

"Let me join you?" She's the beauty of seduction dahil maging ngiti niya ay napaka alindog.

Sasagot na sana ako ng muka na ni Charlotte ang nakikita ko sa babae.

Agad kong nasampal ang sarili ko. Nababaliw na ata ako. Kaya imbes na I-entertain siya ay pinalayo ko na siya. Napagpasyahan ko naman na tama na kasi baka di ako makauwi ng buhay at madisgrasya pa sa kalsada.

Habang nasa byahe ay nilalabanan ko ang pilik mata ko. Tila ba kay bigat nito. Gustong gusto ko ng pumikit pero nilalabanan ko. Kaya naman para magising ako ay nagpatugtog ako at diko alam kung bakit nalungkot ako sa music. Tss si Diane na naman. Siya na naman ang naalala ko. Siya na naman ang dahilan bakit nasasaktan ako

Pagkadating sa bahay ay nagtaka ako bakit bukas na ang pinto.

"Hoy gian umayos ka. Sure ako parating na yon si Louis"

Nangunot ang noo ko sa narinig ko. Dahan dahan akong lumapit sa mahihinang tawa na nagmumula sa kusina

"Bakit ba takot na takot ka sa asawa mo?" Natatawang sabi ng lalaki. Agad ay napalunok ako

"Isa gian. Di ako nakikipaglokohan sayo"

"Same. HAHAHH kalerki ka gurl" pang aasar pa ng lalaki.

At ng tuluyan kong marating ang dinning area ay doon ko naabutan si Charlotte at isang pamilyar na lalaki na magkahawak ang dalawang kamay at tila ba my pinag aawayan

Mukang maloko ang lalaki. May nakakainis na ngisi sa labi at mukang di natatakot na hawak hawakan si Charlotte na napaka imposible

"Bitawan mo ako. Mapapatay kita pag si Louis yung dumating"

"Hindi yan HAHHAHA" PANG aasar ng lalaki na ayaw bitawan ang kamay ng asawa ko.

"Sinasabi ko sayo gian. Im dead serious--"

Diko alam kung bakit nagdilim ang paningin ko at bigla na lang akong lumapit sa kanila. Ginawaran ko ng isang sapak ang lalaking yon.

"Louisss!!" Bigla ay napatayo si Charlotte.

"Who the fuck are you" galit na tanong ko at agad na hinablot ang kwelyo nito. Gulat ang muka nito na nakatingin sakin. Nakipagtitigan ito. Tila ba nagtyatyansahan kami kung sino ang mas magaling sa paraan ng pagtitigan namin.at ng makabawi siya sa gulat ay muling bumalik ang nakakainis na ngisi nito.

"Chill dude" ani nito

"Louis ano ba" saad ni Charlotte saka kami pinaghiwalay. Nakipagtitigan pako sa lalaki na tila ba mas inaasar ako sa paraan ng pag ngisi niya. Kaya naman bumaling ako kay Charlotte na kunot ang noo na nakatingin sakin.

"Siya ba ang lalaki mo?. Ang kapal naman ng muka mo para dalhin pa rito, ganyan kaba kakati?" Galit na sigaw ko sa kanya. At ang nakakunot na niyang noo ay mas kumunot pang lalo

"Ano bang pinagsasabi mo Louis?" Pilit na naghuhuminahon na ani niya

"Hah.. nag mamaang mangan kana naman. Sabagay diyan kanaman magaling. Malandi--" diko natapos ang sasabihin ko ng my biglang sumapak na sa akin na sanhi ng pagkatumba ko. Agad kong tiningan ng masama ang lalaki

"Asshole" nag iigting ang panga na sa bi ng lalaki "pigilan moko lotlot baka mapatay ko ang asawa mo" ani nito habang masama ang titig sakin. Tila naman nag igting ang tenga ko sa narinig ko

"Uunahan na kita" agad na sabi ko at tumayo saka ito sinapak. Bumawi naman din ito kaagad. Sa diko maipaliwanag na paraan ay napakalksi ng lalaki. Sa isang iglap ay naibalibag niya ako. Subalit agad akong tumayo para bumawi. Sinapak ko siya at ng akmang babawi siya ay hinablot ko ang kamay niya palikod. Pero agad na pumulupot ang paa niya sa binti ko at pareho kaming natumba.

love After Hatred (love me mr. Louis)Место, где живут истории. Откройте их для себя