Is Jad here? Kinakabahan kong sinuri ang buong paligid pero wala naman akong napansin na kahina-hinala ulit. Sinubukan kong iwaglit 'yon sa isipan ko at kinuha na ang mga binili ko.

Nakita ko rin si Rush na lumilinga-linga sa paligid namin. Maybe, he felt it too.

Diretso na kaming umuwi pagkatapos. Tumulong ako sa paghahanda ng pagkain at nilapag namin ang mga 'yon sa center table sa sala. Manonood kami sa Netflix habang kumakain. Humihigop ako ng mainit na sabaw at nagulat ako dahil sa pagdampi ng kamay ni Rush sa noo at leeg ko.

"We have the same temperature naman?" aniya na kinakapa rin ang noo at leeg niya.

"Then, I guess, I'm a bit better now," I responded.

I chose a comedy movie. Gusto kong ma-divert ang isip ko kay Jad at sa mga nalaman ko. Ayokong maisip 'yon dahil alam ko na mas lalo akong magkakasakit kapag pinagpatuloy ko ang pag-stress sa bagay na 'yon. But that doesn't mean na dapat akong maging kampante.

I need confirmation. Gusto kong masigurado na totoo ang mga sinabi ni Tyler tungkol kay Jad. He's still my best friend. Alam ko na ang tanga ko pakinggan ngayon pero if this is not true, I'd feel awful. I judged my friend to quickly. But I won't let my guard down, because if all of those things are true.

Then, I am in a dangerous situation right now.

"Oh, shoot. I forgot the phone in the car," biglang sabi ni Rush. Kinuha niya ang susi na nakapatong sa may tv banda. "I'll go get it," aniya.

"Okay."

Hindi ko na hininto ang movie at pinagpatuloy ang panonood. He seems like he doesn't like the movie so much. Nakikisabay na lang siya siguro dahil gustong-gusto ko ang movie.

Naman. Siya dapat mag-adjust para sa akin. Charot.

Kaya lang, matatapos na ang movie, hindi pa rin siya nakakabalik. Napansin ko lang 'yon nang bumalik ako sa pangatlong mangkok ko ng niluto niya. Lumamig na ang pagkain niya sa tagal niya. Akala ko ba kukunin lang niya 'yung phone?

Biglang dinaga ang dibdib ko. What if Jad already saw him? And he's also threatening Rush right now? Mamumukhaan niya si Rush lalo na at paulit-ulit niyang binasa ang comics ko. On second thought, did he really read and understand my novel? Or nagpapa-impress lang siya sa akin?

Nilapag ko ang mangkok sa table at akmang susundan na siya nang bumukas ang pinto. Pumasok si Rush na magulo ang buhok at gusot ang damit.

"Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit natagalan ka?" I asked worriedly.

Ngumisi siya at pinakita sa akin ang cellphone. "It was too dark in the parking lot. Nalaglag pala 'to sa sahig. Kahit nakabukas na 'yung ilaw ng sasakyan, nahirapan pa rin ako hanapin kasi nalaglag pala sa sahig ng sasakyan," sagot niya.

Nakahinga ako ng maluwag doon. "I thought something happened."

He chuckled. "Sa akin? May mangyayari? Nakalimutan mo na yatang mafia boss ako?" mayabang niyang saad.

Weird flex but okay. I scoffed in my mind.

"I'll just take a shower. Pinagpawisan ako," paalam niya at dumiretso na sa banyo.

Siguro kaya gusot 'yung damit niya at magulo ang buhok kasi nag-dive siya sa sasakyan ko para lang makita 'yung cellphone. Natawa ako sa iniisip ko at bumalik na lang sa panonood. Hindi rin naman nagtagal at bumalik siya. Pinalitan ko na rin 'yung movie dahil tapos naman na.

Ako na ang nag-prisinta maghugas ng mga pinagkainan namin. Hindi na siya nakatutol dahil kinuha ko na kaagad ang mga plato at dinala sa kitchen area.

Hinayaan ko na lang siya manood doon at pumasok na ako sa kwarto. I immediately opened my laptop. Hindi ako mapakali na hindi ko magagawa ngayon 'yung groupings namin. Gusto ko na rin kasi mabawasan stress ko. Kahit papaano naman ay nawala sa isip ko ang mga problema ko.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Where stories live. Discover now