𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐄𝐥𝐞𝐯𝐞𝐧

1.9K 58 23
                                    

𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐚/𝐂𝐢𝐧𝐝𝐲'𝐬 𝐏𝐎𝐕

[𝐂𝐎𝐍𝐓𝐈𝐍𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇𝐁𝐀𝐂𝐊]

Napatulala ako sa sinabi nya.

Dahil baka tama sya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Isang beses lang namin ginagawa ni Kyle yun.

"Magbihis kana! Bibili lang ako nang PT."Natatarantang sabi nya tsaka walang pasabing tumakbo palabas.

Habang ako ay wala sa sariling umakyat sa taas para magbihis na.

Pagkapasok ko sa kwarto ay tumingin ako sa salamin tsaka hinaplos ang tyan ko.

What if buntis talaga ako??

Yan ang tanong na bumagabag saakin hanggang dumating si Jhane na may dalang tatlong PT.

"Subukan mo yang lahat para sure talaga." Sabi nya bago ako mahinang itulak papasok sa CR.

Pikit pikit ang mata ko habang ginagawa ang dapat gawin. Ayoko munang tingnan ang resulta.

"So ano?" Bungad ni Jhane pagkalabas ko. Umiling naman ako sakanya.

"Hindi ka buntis?!" Pasigaw na tanong nya.

Ano ba tong babaeng to. Mas nataranta pa ata kaysa sakin eh.

"Hindi sa ganun. Hindi ko pa kasi tiningnan ang resulta eh." Nakangiwing sagot ko.

Binatukan naman nya ako.

"Bakit hindi mo tiningnan?!" Sigaw nya.

"Natatakot ako" sagot ko.

Lumambot naman ang tingin nya sakin bago ako hinila at niyakap.

"Kung ano man ang magiging resulta nandito lang ako lagi para sayo ha?"bulong nya sakin.

Tumango naman ako tsaka binigay sakanya ang mga PT.

"Ikaw muna ang tumingin" Sabi ko.

Tumango naman sya bago ako ngitian.

"Dapat tong malaman ni Kyle!" Biglang sigaw ni Jhane.

"B-bakit? A-ano ba ang resulta?" Kinakabahang tanong ko.

"You're pregnant Cin" mahina nyang sabi.

Napaiyak ako sa sinabi nya. Mabilis naman syang lumapit saakin tsaka ako yinakap ulit bago hinaplos haplos ang likod ko na syang nagpapagaan nang pakiramdam ko.

"Tahan na. Magpapacheck up pa tayo"

Tumango naman ako sakanya at pinapakalma na ang sarili.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala si Jhane ngayon. Mabuti nga't may best friend ako na kagaya nya.

Maging masaya ba si Kyle kung malalaman nyang magkakaanak na kami o itatakwil nya kami? Kasi ang cold na nya sakin tas tinawag pa akong sinungaling.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi.

"You're 1 month and 3 days pregnant Miss"nakangiting sabi ni Dra. Gutierrez.



"Bes , kailangan tong malaman ni Kyle. Lalo na't maglilihi kana. Dapat may bibili sa mga ipinaglilihi mo." Sabi ni Jhane.

"Nandyan ka naman para bumili eh." Saad ko.

" Pero hindi sa lahat nang pagkakataon nandito ako." Malungkot na sabi nya.

Oo nga, tama sya. May sarili naman syang buhay kaya hindi sa lahat nang pagkakataon lagi syang nandito sa tabi ko.

"Magpahinga kana muna. Bawal sa mga buntis ang magpuyat. Nakakasama sa baby yan."

Tumango lang ako sa sinabi nya.

Hindi na ako nag abalang mag luto sa araw na yun dahil nag order nalang sya para sa dinner ko.

Kinabukasan ay nagising na naman ako na parang binabaliktad ang sikmura ko.

Agad naman akong tumakbo sa banyo para sumuka.

"Are you okay?" Nagulat nalang ako nang may nagsalita sa likuran ko. Nakita ko si Kyle na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin.

" A-ah oo , may nakain lang ata akong panis na pagkain kagabi" kinakabahang sagot ko.

Tumango lang sya sakin bago tumalikod.

"Let's go downstairs. Kain na tayo" Sabi nya bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Sumunod nalang ako sakanya.

Magbabati na ba kami?

Pagdating ko sa kusina ay handa na lahat nang pagkain. Sya ata ang nagluto.

Bumabawi ba sya sakin?

Tahimik lang kaming kumain. Wala ni isang nagsasalita. Napapansin ko din ang panaka naka nyang tingin sakin.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas nang pinagkainan namin.

Pagkatapos kong maghugas ay nakita ko sya sa sala na nag aayos nang necktie nya.

"Alis na ako." Sabi nya bago lumabas.

Ito na ba yung sign na dapat kong sabihin sakanya na buntis ako?

Habang nakatulala sa kawalan biglang tumunog ang cellphone ko.

May nag message pala.

' Can you cook me for lunch?'

— Kyle

Ilang beses ko binasa ang text nya. Baka namalikmata lang ako.

Pero totoo ba to?

Dali dali ako nag luto para ihatid nalang sa company nya ang magiging lunch nya.

Pagkatapos kong magluto ay pumunta muna ako sa taas para magbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay dali dali akong bumaba .

Nandito na ako ngayon sa harap nang company ni Kyle.

Ang laki talaga nang kompanyang to.

Mabilis lang naman akong nakapasok dahil kilala naman nila ako.

Nandito na ako sa harapan nang office nya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pintuan.

Pero automatikong nahulog ang mga dala ko dahil sa nakikita ko.

Si Cynthia, na kambal ko ay nakakandong kay Kyle habang naghahalikan sila.

𝐒𝐡𝐞𝐥𝐥𝐚𝐧𝐢𝐠𝐚𝐧𝐬

                      𝐕𝐎𝐓𝐄&𝐅𝐎𝐋𝐋𝐎𝐖

Babysitting The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now