Gay In Luv

1.5K 67 113
                                    

"Aanhin ko ang kagwapuhan at pagiging lalaki kung hindi naman ikaw ang kapiling"

-

KAYE POV

"Hoy Kaye! Ano na naman ba 'tong nabalitaan kong nakipagbugbugan ka na naman sa lalaki?" bungad ni Ate pagpasok na pagkapasok ko ng bahay

May konting pasa ako sa braso at medyo masakit ang tagiliran ko. Ikaw ba naman makipagbakbakan sa lalaking weak. Oo, weak siya kasi talo. Mwahahahaha!

"Babae ka, tandaan mo yan!" sermon pa rin ng magaling kong Ate, tss wala nang bago diyan parang ewan na puputak putak

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" sigaw pa niya. Nakangiti ba ko? Haha! Sorry, naalala ko na naman kasi yung kaninang pakikipagbakbakan. Ako na talaga!

"Eh ano bang bago? Masaya kaya makipagbugbugan! Idol ko kaya si Manny Pacquiao" sagot ko at sumuntok suntok sa hangin

"Aba't sasagot ka pa! Sumasakit ulo ko sa'yo!" iritang sabi ni ate habang hinilot hilot ang magkabilang sentido niya. Siya pa sumakit ulo? Eh hindi naman siya nakipagbakbakan. Feeler din 'tong si Ate!

"Ate naman, tayong dalawa na lang magkasama sa buhay! Syempre kailangan mo ng magpo-protekta sa'yo--"

"Kaya nag-aasta kang lalaki?" taas kilay niyang tanong "Alam mo Kaye, nandyan naman si Aaron para protektahan ako" kinikilig niyang sabi. Tignan mo 'tong Ate ko, bang landi aba. Kasuka!

"Tch! Ang landi mo ATE! Kadiri!" sabi ko at binato siya ng maliit na unan. Boom! sapul sa mukha!

"Araaaaaay! Sumbong kita kay Papa Aaron eh!" naka-pout niyang sabi. Ewwwww!

Kapatid ko ba talaga 'to? Magkaibang magkaiba kami e, kung umasta kasi ako ay lalaki at si ate naman ay girly. Jusko, kung alam niyo lang! Malandi yan, pero kay Kuya Aaron lang. Hahahaha!

"Edi ikaw na may Aaron!" sagot ko, edi siya na may boyfriend!

"Haha, ikaw naman kasi ayaw magpakababae! Wala tuloy manligaw!" sabay belat niya sakin.

"Hindi ko kelangan ng boyfriend! Kaya ko ang sarili ko!" angil ko sakanya.

"Hayyy! Hindi ka pa kasi na-iinlove! Try mong tumingin tingin sa paligid baka mahanap mo si Mr. Right!" sabi niya at nginitian ako ng nakakaloko

"Tss! Anong meron sa paligid? Mga adik? Gangster? Di na uy!!!" sabi ko at hinampas ang center table

"Hahaha, baliw." natatawa niyang sabi pero inirapan ko lang siya "Kaye..." seryoso na si Ate, patay. Iba na ang tono ng pananalita niya. Medyo bipolar!

"A-ate" saad ko.

"Ayusin mo nga upo mo, babae ka. BA.BA.E." sabi niya at pinandilatan ako ng mata. Nakaupo lang naman ako ah, upong panglalaki nga lang, nakabukaka at nakatungkod ang magkabilang siko sa tuhod. Gets niyo ba? Sensya magulo. Hahaha

Umayos ako ng upo at tumingin kay ate. "Bukas mo na nga pala makikilala ang magtuturo sa'yo--"

"Ng martial arts?" putol ko sa sasabihin niya pero umiling lang si Ate

"Eh ano?" naiinip kong tanong na kunwari ay di ko alam.

"Magtuturo sa'yo maging babae, mag-astang babae!" sabi niya at nginitian ako ng pagkatamis tamis

"ANOOOOO?!!!!" sigaw ko. Anak ng prutas na dalandan naman oh. Oo nga pala!

"Narinig mo naman diba? Wag mong sabihin na nalimutan mo na yung napag-usapan natin?" taas kilay niyang tanong. Ang sungit! "Na kapag nabalitaan ko na naman na nakipag-away ka sa lalaki ay ano ang gagawin?" tanong niya at halatang inaabangan ang sasabihin ko. Para naman akong batang sinesermunan nito.

Gay In LuvWhere stories live. Discover now