Chapter 01

372 9 1
                                    

Fiesta

"Gawan mo ng paraan 'yan sa lalong madaling panahon, baka madamay pa ako sa kapalpakan mo!"

Habang papaliko sa hallway galing sa kusina ay galit na tinig ni Daddy ang naririnig ko. Hinintay kong humupa ang kanilang usapan bago tuluyang lumabas. Malawak na ngiti kong sinalubong ang mga magulang.

Binaba ni Daddy ang telepono nang hindi nagpapaalam sa kausap. Umaliwalas ang mukha nito nang makita ako. Humalik ako sa kanyang pisngi, ganoon rin sana kay mommy ngunit bago pa man ako makalapit itinaas n'ya ang kaniyang kamay at hinahagod ng tingin ang mga kukong bagong manicure dahilan upang humarang sa tangka kong paghalik sa kan'yang pisngi.

I bet she did that on purpose. She's a little distant to us—her children. Sabi no'ng katulong noong ako'y mas bata pa na mula raw nang makunan si mommy ay doon na s'ya nag-iba. Naging masungit at mas strikto pa kay daddy.

"Kuya mo?" tanong niya na hindi iniiwan ang mga mata roon.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan, nasa kwarto niya pa ata. Not sure tho,"

"Gloria!" tawag niya sa kasambahay naming sa tingin ko ay kaedaran lang niya. But Gloria looks a bit matured compared to my mom. Sayang naman ang mga ginagastos ni Mommy sa beauty sessions kung hindi.

"Ma'am? Tawag niyo ho ako?"

"Malamang, may iba pa bang Gloria rito?" supladang sagot ni Mommy. "Tawagin mo si Jacus, sabihin mo't pakibilis at mahuhuli kami sa mass. Nakakahiya!"

"O-Opo,"

I sat on the stool while waiting. We're about to go to the mass before the sinulog starts. It's 6 in the morning and I am still sleepy. Ngunit wala akong magagawa dahil ganito na ang nakagawian ng pamilya. May okasyon man o wala ay madalas kaming pumaroon sa simbahan.

My parents aren't devotees nor religious, they only have one reason why they're doing this and that is to gain power and sympathy since Catholic is most influential religion among the rest.

He's aiming for the second highest position in the municipality of our city. Kagaya noong nakaraang eleksyon ay wala ulit siyang kakompetensya sa posisyon. Some would say that he manipulated the real results that's why no one dared to compete against him sa magkasunod na taon. Knowing my father... I know that he's capable of doing that. He will do everything he can to win.

Hindi iyon lingid sa aking kaalaman. I may not know the entire details but I know that most of the speculations againts him were true.

"Jacus!" saway ni mommy nang padabog na sinara ni kuya ang pinto ng kotse nang ito'y bumaba. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Umayos ka,"

Umismid lamang si Kuya Jacus at mayabang na inayos ang polo. He has a small cut on the side of his lips. Gusto ko mang tanungin kong ayos lang siya at kung saan n'ya nakiha iyon ay ayaw ko namang sa 'kin naman mabaling ang inis niya.

Mabuti na lamang at magsisimula pa lamang ang misa. We sat on the reserved pews in front. My father deliberately cleared his throat and slyly threw a glance to the other side of column of pews.

By the looks of it, he's annoyed about something. Hindi ko maiwasang maigawi ang tingin roon. It was the City Counsilor Reymundo Ignacio sitting firmly beside his wife and children. The girl beside her mom is probably the eldest since she's the tallest.

Ngumisi ako. She looked stiff and trying too hard to copy the grace of her mother. Ang magkatabing paslit ay sa tingin ko'y isa sa kanila ang bunso. I can't tell! Halos parehas lang sila ng height. I'm only basing on height because obviously I don't know them personally. But that boy beside the two, I'm sure he's the second born because again... the height.

Make You a HabitWhere stories live. Discover now