Syete Onse

20 3 8
                                    


Matiyagang naka pila si Eric para bayaran ang hotdog sandwiches na mukhang wrong timing niyang naisipang bilhin. Puno ang convenience store na umabot na rin sa katabing tindahan ang pila upang makapasok lang. Wala ring bakanteng upuan sa mga lamesa kaya't karamihan, pagkabayad sa mga pinamili ay diretso alis agad.

Sa tagal niyang naka pila ay kung saan-saan na rin natungo ang isipan n'ya; kung anong plates ang uunahin n'ya pagkauwi, kung aabutan pa ba n'ya ang kapatid n'ya para ibigay ang isa sa hotdog na binili, at kung napindot n'ya ba ang rice cooker.

Hindi na rin n'ya namalayan na siya na rin ang sunod na magbabayad sa cashier kaya't kinalabit pa s'ya ng nasa likuran n'ya. Agad naman s'yang nagbayad at umalis agad pagkakuha ng supot.

Pagkalabas niya'y napatingin s'ya sa oras, 7:11PM.

Napatawa siya nang bahagya. Sakto sa araw na ito, at sakto sa labas ng convenience store na kinatatayuan n'ya.

Nagulat s'ya nang may biglang humablot sa braso niya bago pa man siya makalayo. Pag lingon n'ya ay hinihingal pa ito. Siya rin 'yung lalaking kumalabit sa kan'ya kanina.

"Bakit po?" Kahit inis ay pinili nya pa ring ikalma ang sarili.

"'Yong sukli mo, ayaw mo ba?" Malalim na boses. Shet.

Agad n'yang tiningnan ang wallet at narealize na shunga talaga s'ya. "Hala, thank you po!" Sabay abot sa perang hawak nito.

Pa'no na lang ang baon n'yang pagkakasiyahin n'ya pa sana ngayong linggo kung hindi dahil kay kuya na hinabol pa talaga s'ya. Sayang din ang 400 dahil sa kashungaan n'ya, ano. Lalo pa't nagmamahal na ang mga bilihin ngayon. Kaya buti na lang din at naka sale ngayon sa convenience store kaya nakatipid kahit papaano.

"Buti naabutan pa kita. 'Kala ko blessing na ni Lord." Pareho silang napatawa sa biro nito.

"Parang nanghinayang ka pa?" biro nito pabalik. "Pero, salamat po talaga."

Nag ngitian sila pabalik at hindi alam kung anong susunod na gagawin o kung sinong unang magpapaalam.

"Ah, una na po ako. Thank you po talaga," ani ni Eric.

Nginitian lang naman s'ya nito.

Nagpatuloy na siya sa paglalakad nang mapansing pareho lang ang direksyong tinutungo nila.

Sa isip-isip ni Eric ay gusto na talaga niyang itanong ang pangalan nito. Hinihiling na makasalubong ulit ito sa susunod. Hindi naman maipagkakailang may itsura ang binatang naka sunod sa kan'ya. Mukha namang mabait. Pero paano kung snatcher pala 'to? Agad din naman n'yang inalis sa isip ang kashungaan. Binalik na nga nito ang naiwang sukli, pag-iisipan niya pa ng masama.

Ingay ng punong kalsada ang pumapagitan sa kanilang dalawa. Paminsan-minsan ay nililingon n'ya ito. Ngingitian naman siya nito sa tuwing nahuhuli kaya hindi n'ya alam kung ngingiti rin ba s'ya pabalik o magpapalamon na lang sa lupa.

Very high school naman ang drama ko rito, sa isip-isip ni Eric na may halong...kilig?

"Kayo 'yung bagong lipat sa apartment, 'no?" Nagulat siya sa biglang pagtatanong nito. Sinabayan na rin nito ang paglalakad niya.

"Ha?"

"Sa unit 710, kayo 'yon diba?"

Nagugulat pa rin s'ya sa tanungan nito. Stalker ba 'to?

Bago pa s'ya makasagot ay nagsalita itong muli, "Hindi ako stalker, ha. Napansin lang kita nung araw na naglilipat kayo ng gamit. Sa katabing unit n'yo lang ako."

Syete OnseWhere stories live. Discover now