Chapter 3 - Selfish

46 6 0
                                    

Chapter 03: Selfish.

***

Maaga akong nagising dahil gusto ko sanang magluto ngayon pero nagulat ako nung makita ko si Oceana na nagluluto. “Oceana? Bakit ikaw ang nagluluto? Nakakahiya naman.”

“No, It's okay! Ang saya kaya magluto. It's a pity because the two of them are still asleep.” sagot nito saka kinuha ‘yong chicken at inilagay sa kawali.

In-observe ko ang bawat galaw niya. Magaling siya mag luto, actually. Masarap din ang mga food na niluluto niya katulad nung pagluluto ni Hillary at Yvonne. May mga sarili silang paraan ng pagluluto, kaya nakakatuwa lang. “Sol?”

“Bakit? May kulang ba?” pagtatanong ko sakanya. Tinignan naman niya ako saka siya ngumiti.

“Uhm, Yvonne and Hillary and I plan to cook every day? Sunday today kaya tatlo kaming magluluto. Ako ngayon, mamaya siguro sila sa dinner at lunch, merienda. kung okay lang sa’yo? then M-W ako, si Hillary naman sa T-F at si Yvonne sa TH-Saturday.”

Tumango naman ako, kahit papaano ay gumawa talaga sila ng way para lang tumulong. “No problem, kung ‘yon ang magpapasaya sainyo.”

Sumaglit muna ako sa sala. Nakita ko ang isang litrato, kasama ko ang aking mommy at daddy. we were happy that time. Photoshoot namin ito kaya sobrang saya ko, ngayon wala na sila. Ang sakit pa rin pala ‘no? lalo na’t kung nawala nalang bigla ang mga magulang mo sa hindi mo inaasahang araw. hindi ako nagc-celebrate ng birthday ko because of that day. because they died on my birthday. order to protect me, they sacrificed their selves para sa akin. hindi naman kasi talaga nila kailangan gawin ‘yon. alam ko, mahal nila ako pero hindi nila kailangan gawin iyon. kasalanan ko talaga ang lahat, hindi ko kailangan isisi sa iba ang nangyari.

Tumulo na ang luha ko dahil sa naalala ko. Ang sakit sakit pa rin. Sana hindi nalang nila ginawa ‘yon, sana ngayon buhay pa sila. “Solare, Are you blaming yourself?”

Nabigla naman ako nung biglang may nagsalita. Si Isla. “I can see it. I can feel it, Solare. hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo kung wala ka naman talagang kasalanan.”

“Hindi mo masasabi ‘yon, Isla. kahit kailan hindi nawaglit sa isip ko na ako ang may kasalanan sa nangyari sakanila...” pamimitin ko. tinignan lamang niya ako saglit at muling tumingin sa mga litratong nasa harapan namin ngayon. “Your Parents will be mad at you, if you keep blaming yourself. I can say it also, Solare. Minsan na rin akong nawalan ng mga magulang. and I will never blame myself especially since I had nothing to do with their deaths. kung sa point of view ko, wala kang kasalanan. they did that to protect you. it is not your fault that they want to save you. they're so nice, kaya nila ginawa ‘yon. you're lucky tho.”

“People always say those words to me even though I'm not. Why?” wika ko, nilapitan naman niya ako at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

She hugged me. “You’re lucky because...” pambibitin niya. “You've been with them for a long time... because I didn't and it never happened.” pagkatapos no’n bigla nalang ulit siyang lumakad palayo. Ako, naiwan akong iniisip ang huli niyang sinabi.

“H..hindi niya nakasama ang magulang niya? like ni chantal?” pagtatanong ko sa aking sarili dahil ako nalang ang naiwan dito magisa.

After namin kumain ng breakfast, nagpunta kami sa basement. “Woah! your basement is so unique kadalasan sa mga nakikita kong basement yung mga luma luma na, tambakan gano'n. But this? Wow! Just wow!”

Napaawang naman silang lahat at tinignan mabuti ang bawat gamit dito sa basement. Actually, ang mga bagay na narito ay pagaari ng daddy ko and of course my mom. but yung other dito, ako ang bumili. dagdag na rin incase... “hindi naman, pinahahalagahan ko rin talaga itong basement na ito dahil nagmula ito sa magulang ko. sila mismo nagpa gawa nito pero since. . . they're gone. sa akin na ang mga gamit na nakikita niyo rito.”

Nilibot nila ito pero narinig ko na tinawag ako ni Oceana. “Wait. Solare? Guns? Bakit may guns dito?”

Muli kong tinignan ang mga baril na nakatago sa isang malaking box. “sakanila ‘yan.” tinignan ko at hinawakan ang isa sa mga paboritong dala dala ni daddy noon nung hindi pa siya presidente. prinotektahan niya ako nung muntik na akong makuha noon. if i remember, he is the one who pointed his gun to those kidnapers. tahimik kaming tinitignan ang kabuuan nitong basement pero...

Nabigla naman kaming lahat nung tumunog ang phone ko. “Teka. Sagutin ko lang.” tumango silang lahat at ako naman napagpasyahan na medyo lumayo nang kaunti at sagutin ito.

“H..hello?” pag bati ko sa kabilang linya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.

“Solare?” pag-tawag nito sa’kin.

“Red? oh? bakit ka napatawag?” inaantay ko pa rin ang pag sagot niya pero tila ba pinatay na niya ito. tinignan ko ang call, nakapatay na nga. Binabaan ako? ang kapal naman talaga.

Napatayo naman si Yvonne nang makarinig kaming nang kalabog sa taas. kumuha sila ng mga pang defense na makikita nila dito. At ako ang nasa harapan para gabayan sila. Nasa likod ko naman sina Soraya at Chantal. Nasa gilid ko sina Oceana, Isla at Yvonne. At nasa kabila ko naman sina Hillary at Mavis.

“Pag bilang kong tatlo... lalabas na tayo, okay.” sabay sabay silang tumango sa sinabi ko.

“1...” unang bilang ko. hinanda naman agad nila ang mga dinala nila para pang defense.

“2...” itinaas nila ito na anytime handa na silang ipalo sa kung sino man ang pumasok dito.

“3...” pag kasabi kong nang pangatlo. bigla silang sumugod pero nai-sigaw ko ang 'Stop' nang mapagtanto kong kilala ko ito. Napatigil sila at sabay ulit na lumingon sa akin.

“R..Red?” lumapit ako sakanya saka tinignan siya. itinaas ko ang kanyang mukha, at kita ko ang mga sugat na nasa mukha niya.

“What happened?” pagtatanong ko muli pero hindi niya ako sinagot kaya inalalayan ko siyang tumayo. inilapag ko siya sa couch at saka nagpakuha ako ng mga pang gamot sakanila. Nang maibigay na sa akin.

Sinimulan kong gamutin ito. “Anong nangyari sa’yo, Pula? Bakit may ganito ka? Answer me.” tinignan niya lang ako saka muli siyang tumingin sa pitong babaeng nakatayo sa harapan namin. “Girls. this is Red, my childhood friend.”

Tumango silang lahat. “Red, Anong nangyari sa’yo?” pagtatanong ni Soraya. tinignan naman ni Red ang mga ito. “Red, tinatanong ka namin. Anong nangyari sa ‘yo? bakit puro ka may sugat.” hindi niya talaga ako sinasagot bagkus umiiwas lang siya. Humarap ako sa pitong babae na nasa harapan ko ngayon, inaantay nila akong magsalita pero ano nga ba talaga ang sasabihin ko?

“I’m okay, Solare. No need to worry about me.” nilingon ko naman kaagad sakanya, naguguluhan pa rin ako sa inaasta niya ngayon. “You’re not okay, Red. Don't fool me.” umiling ito at tumayo na akmang lalabas ngunit biglang nagsalita si Isla.

“She’s just worried about you tapos ganyan ka? tatayo ka nalang at aalis na parang hindi nagaalala sa’yo ang kaibigan mo and what will happen to you sa labas? Magiging ganyan ulit at magaalala naman siya. I’m so sorry to say this but you're selfish.” binigla kaming lahat ni Isla sa sinabi niya, hinawakan naman ni Yvonne ang braso ni Isla. Napaharap naman si Red sakanya at nakipag talasan talaga ng mga mata ang dalawa.

“Red... Huwag ka na munang umalis, injured ka pa.” pilit ko siyang pinapaupo pero pinigilan na lamang ako ni Chantal. Iginiya naman ni Oceana at Hillary palabas si Red dahil sa kagustuhan nitong umalis. Napaupo ako at napahawak sa mukha ko. I can’t imagine na magkakaganon si Red, ni-wala siyang sinabi sa’kin. Bakit naging gano'n? Ano ba talaga ang nangyari sakanya. May nakaaway ba siya?

Natigilan ako sa pag-iisip nang may humawak sa buhok ko, inaangat ko ang aking tingin at kita ko kung paano ngumiti nang pilit si Isla. “I’m sorry... I acted that way to your friend.”

I smiled at hinawakan ang kanyang kamay. “okay lang, it's not your fault din naman. I don't know kung bakit naging ganyan sa’kin si Red.” yumuko ako muli.

“Sol, I don’t know what to say pero... siguro hayaan mo na lamang siya. I mean, oo kaibigan mo siya pero sa ginawa niya kanina? parang feeling ko... may nangyari nga at ayaw niyang i-sabi sa’yo. Intindihin mo na lamang.”

Tumango ako kay Chantal. Wala na rin naman akong magagawa eh. Isa laban sa lahat?

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Eighties Where stories live. Discover now