Affection

1.3K 52 0
                                        

Kausap ngayon ni Mars ang pamilya kaya imbes na tuluyang pumasok ay naghintay muna ako sa labas ng kan'yang kwarto. Sa sobrang busy ni Mars sa pagiging Beta, hindi na niya masyadong nakakasama ang mga magulang niya. Siguro ay oras na rin para magkaroon sila ng oras para makapag-usap kahit saglit man lang.

"Mark, kakagising lang ng anak mo. Saka mo na iyan pagalitan kapag magaling na siya," rinig kong suway ni tita Karen sa asawa nang sermonan ng isa ang anak.

"I can't believe they were captured because of his recklessness! He's a Beta! What happened was a disgrace to our family!"

I decided to tune them out. I don't want to invade their privacy and eavesdrop. I saw Kuya Enero walking towards me.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?" tanong niya.

"Nasa loob mga magulang niya. Mamaya na ako kapag tapos na sila mag-usap," simple kong sagot.

Tinaasan ko naman siya ng kilay nang makitang tinitigan ako.

"Bakit?" tanong ko naman.

"I saw that Randy guy's body," panimula niya.

"And?"

"You really made him suffer."

Ningisihan ko lang siya. "Serves him right."

Umiling siya saka napabuntonghininga. "Kaya ayaw kong nakikita kang galit e."

"Kaibigan ang turing ko sa mga taong kaibigan din ang turing sa akin. Kalaban naman ang tingin ko sa mga taong kalaban din turing sa akin," ani ko. "You know, I'm just giving them a taste of their own medicine. Just like Confucius said and I quote, "Don't do unto others what you don't want others to do unto you." End quote. Gets?"

Natatawang tumango siya. "Yes, yes. But I believe the Beta is looking for you now. Just go inside."

"I'll wait until they're done talking. Ngayon lang ulit sila nagkita ng pamilya niya. Ayokong maki-eksena pa."

"And here I thought you don't have a heart," he teased.

"Says who?" I smirked.

Sakto ring bumukas ulit ang pinto ng kwarto ni Mars at lumabas sina tito Mark at tita Karen. Kasunod nila si Kuya Jupiter.

"Ley Anne," may ngiting bati sa akin ni tita saka ako niyakap nang mahigpit.

"Tita," sambit ko naman.

Tumango naman sa akin si tito nang makitang nakatingin ako sa kan'ya. Ngumiti lang din ako.

Kahit alam nila ang pagpapahirap na ginawa ko sa kanilang anak, hindi naging iba ang pagtrato nila sa akin. Kung tutuusin, wala namang nagbago. Parang pangalawang magulang na ang turing ko sa kanila. Naalala ko pa dati, sa kanila ako tumatambay kapag busy ang pamilya ko at kapag wala akong training. Noon pa man ay alam na nilang ako ang kapareho ni Mars kaya naman itinuring na nila akong parang sariling anak.

"Mars is already awake. Go on. You can come inside. He's been looking for you," ani tita.

"Okay po. Uuwi na kayo?" tanong ko.

"Yes. Gusto sana naming doon muna patirahin si Mars sa bahay pero ayaw naman niya. Matigas ang ulo kaya hindi na namin pinilit pa. Sige na, anak. Mauuna na kami."

Tumango ako. "Ingat po."

"And you should really practice calling us Mom and Dad or Mama or Papa," pahabol nito saka ako hinalikan sa pisngi at naglakad papalayo.

Ngumiti naman sa akin si tito saka tinapik ako sa balikat. "Nice seeing you again, vixen."

"Hello to you, too, tito."

Resisting the BetaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora