CHAPTER 16

3.7K 83 1
                                    

CHAPTER 16

NAGISING si Carisha dahil sa iba't-ibang boses na naririnig. Hindi niya alam kung anong oras na. Ramdam niya ang hapdi ng mga kalmot na natamo niya ngunit hindi naman gaanong masakit.

"Damn it! H'wag mo naman akong siksikin, Bene!" Rinig niyang boses ng isang lalaki.

"Oh, f-ck! Rigor, why you turned off the tv?" Ibang boses naman ang narinig niya. Sa tingin niya ay may lahi itong british base sa accent nito.

"Can you get a popcorn?" Another voice of man she heard.

"Wala tayo sa sinehan, baliw." Tatawa-tawang sagot ng isa pa.

"F-cking shut up y'all if you don't want Guerrero to kick us out of this room." Isang intimadating at seryosong boses ang narinig niya. Parang si Ashton lang, pero mas malamig ang boses ng isa 'to.

Unti-unti ay nagmulat siya ng tingin at namimilog ang matang inilibot niya ang paningin. "Wahhh!" Hiyaw niya ng mapagtantong pinaliligiran siya ng mga gwapo at matchong lalaki.

"Baby! What happened?!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwal no'n si Ashton na hinihingal na lumapit sa kaniya. "Bakit ka humiyaw? May masakit ba sa 'yo? Tell me, baby." Kinabig siya nito saka hinalikan sa nuo.

Umiling siya bilang sagot. "Sino sila?" Bulong niya rito.

Ashton kissed her first on the lips before he spoke. "They are my friends." Tinitigan siya nito, "nagising ka ba dahil sa ingay nila?" Seryosong tanong ng binata. Umiling naman siya.

"Hindi. Hindi naman." Sagot niya rito, "anong oras na pala?" Tanong niya habang yakap parin siya nito at hindi alintana na nandoon ang mga kaibigan ng binata.

His embraced feels nice and warm.

"Past lunch. Kaya, nag-order nalang ako sa Grab food. Gutom ka na ba?" Anito. As if on cue, her stomach grumbled. He chuckles and give her lips a smack kiss. "Gutom ka na nga. Malapit na 'yon, just wait." Tumango-tango naman siya saka tumungo. Medyo nahihiya siya sa mga kaibigan nito.

"Kami, Bud, hindi mo tatanungin?" Tawag pansin na ani ng lalaking blue ang mata.

"Hindi, bahala kayo sa buhay niyo." Sagot ng binata sa nakablue-eyes. Sumimangot naman ito saka siya binalingan.

He waved his hands, "hi, i'm Jasper Morrison and if you want i'm ready to be your kabit." Anito na may halong accent sa huling katagang binanggit nito.

"I'm Kevin Carbonell, milady." Ngumiti ito sa kaniya at nginitian niya rin. Sumunod naman dito ang kamukha nito na sa tingin niya ay kambal ni Kevin.

"And i'm Levin Carbonell, ready to serve you, madame." Napangiwi siya sa sinabi nito at kapormalan pero isipin na mga mayayaman at sikat na tao ang mga kaharap ay dapat hindi na siya magtaka.

"I'm Rigor Davidson." A guy with spanish accent said. He has a hazel nut eyes. Siya 'yung lalaking may malamig at seryosong boses.

"And you already knew us." Nakangiting ani Matthew.

Ngumiti siya sa mga ito, "my name is Carisha Alejandrino. It's nice to meet you all." Sabi niya.

Nginitian naman siya ng mga kalalakihan at nagsimula ng mag-ingay. Kung ano-ano ang pinag-uusapan ng mga ito pero mas marami ang tanong sa kaniya. Hindi naman niya maitago ang kasiyahang nararamdaman. Angbabait kasi ng mga ito, hindi halatang mayaman at mga CEO.

Mukhang tanggap din siya ng mga ito at pinangakong bibisita ang mga ito sa bahay niya dahil gusto ng mga itong mameet si Gabby. Walang panghuhusga ang mga mata nito at puno ng paghanga lalo na't naikwento niya ang tungkol sa kanilang mag-ina.

 Amour Series #1 : Aimer La Maman Célibataire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon