"Dinner tayo." Aya niya na halos ikairap ko nalang. 

"May trabaho ako, Phoenix. Kaya tumigil-tigil ka diyan." 

"Edi, maaga kang mag-out!" Agap niya. 

"Ayoko nga." Tiningnan ko ang oras at nakitang maaga pa nga para mag out. 

Hindi ko aabusohin ang kaniyang pagiging boss dito para hindi ko sundin ang tamang oras ng paglabas ko. Oo't palagi akong late sa trabaho pero nasa tamang oras naman ako kung lumabas ng trabaho. 

"Sige na!" Nahihimigan ko ang pagpupumilit niya sa kaniyang boses.  

Umirap ako at hinarap siya. "Alam mo, Boss. Mas mabuti pa, ipasok niyo yung sarili niyo sa opisina niyo at i lock niyo sarili niyo—" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang ilapit ang kaniyang mukha sa akin at ikulong ako sa pagitan ng kaniyang mga braso. 

"Kung ikaw kaya ang i lock ko... lock between my legs." 

Mahina ko siyang nasampal. "Aba'y Phoenix Wyatt Montecarlos Villanueva bunganga mo napakabastos!" 

Humagalpak siya ng tawa. Hawak-hawak niya pa ang tiyan niya. Namumula kong pinisil ang aking pisngi dahil sa kawalangyaan ng kaibigan ko. Paano niya nasabi ang bagay na 'yon! Ang kapal ng pagmumukha't dito pa sa restaurant naghasik ng lagim. 

"Hoy, kayong dalawa. Pinagtitinginan na kayo ng mga customers natin! May kwarto sa locker room, jusko naman!" 

Naglalakihan ang mga matang nilingon ko si Gigi. Napasinghap ako't iginala ang paningin sa paligid namin at nang makumpirmang totoo nga ang sinabi ng aking kaibiga'y mas sumabog lang ang pisngi ko. 

"Bahala ka sa buhay mo!" Nagmartsa ako papuntang locker room. Agad niya naman akong sinundan. 

Natuloy nga ang hinahangad na dinner ni Phoenix. Hindi sana matutuloy dahil si Mr. Loius ay sinabihan kami na kulang ang mga trabahante mamaya para sa pagbubukas ng bar kaya nag request siya kung pwede ba akong ipa overtime. 

Alam kong kailangan ko nang tanggihan si Phoenix dahil sa pagiging busy namin pero nang malaman kong sa VIP room lang naman kami maghahapunan ay pumayag narin ako. 

"Bakit nga pala ang aga mong nakauwi, 'di ba next week pa ang schedule mo?" Tanong ko pagkatapos kong lunokin ang kinaing sisig. 

"Hindi ka pa ba nasasanay sa akin, Beverly? Uuwi ako para sayo. At saka, I closed the deal so celebrate narin natin 'to." 

Lumipad siya last week papuntang New York for the deal with new investors. He's a CEO and a Lawyer. Lahat nang mga gustong ipagawa ni Lolo sa kaniya'y ginagawa niya. Kaya dapat lang namang mapunta lahat ng mga ari-arian ni lolo sa kaniya kasi siya rin naman ang nagtatrabaho para lumago ang kompanya ni Lolo. 

"Congratulations, Phoenix! Sabi ko naman sayo huwag ka munang uuwi agad para masulit mo naman ang buhay abroad, sayang ang pera mo kapag hindi mo gagamitin ng maayos." 

"Nah, hindi sayang ang pera ko..." uminom siya ng kaniyang wine. "Lalo na kapag ikaw naman ang uuwian ko." 

"Huh?" Napasinghap ako. "Nasiraan ka naba ng ulo? Nakapag New York ka lang, ganiyan—" 

Naputol ang sinasabi ko ng bigla siyang tumayo at kinuha ang bouquet sa isang lamesa. Mas nabigla ako ng dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin at binigay ito. 

"I had been waiting for this opportunity to tell you this, 
My love for you is giving me a happiness, 
Though warm as summer, it was fresh as spring,
I love you, so please, accept my confess." 

Damn. Bakit hindi ako na inform na ang ganda ng boses ni Phoenix habang tumutula!? Kailan pa siya natutong tumula!? Pakiramdam ko tuloy isang tula niya pa'y tutulo na ang aking laway. What the hell. 

Sa lalim ng kaniyang boses at matikas niyang katawan, hindi ko alam na babagay sa kaniya ang tulang ingles. 

"Damn, baby, sumagot ka naman oh." Biglang sabi niya ng hindi ako sumagot. 

Napakurap-kurap ako't bumalik sa kasalukuyan. Doon ko lang nakitang nakahawak na siya sa aking dalawang pisngi at kinakabahan. 

"A-are you confessing?" Ani ko at namula ng bahagyang mautal. 

Parang bata siyang tumango at napanguso. "Yes. I don't know how to  confess to the woman with so many words." Bigla akong natawa. "Ganiyan ba iyon kapanget para pagtawanan mo?" 

"N-no, I'm sorry. Hindi ko lang talaga maproceso ng maayos kung bakit ka nag-coconfess? Nireready mo ba ang sarili mo para maayos ang pag confess mo sa taong gusto mo? Ngayon mo ba balak kausapin yung future girlfriend mo? Yieee.." Sunod-sunod kong tanong sabay biro. 

Alam niyang hindi pa ako handa para sa mga relasyon na 'yan kaya alam kong hindi para sa akin ang confession niya. 

"What the..." Napakurap-kurap siya. 

"Oh 'di ba, tama ako nuh. Okay naman yung tula mo. Siguradong mapapasagot mo agad ang crush mo." Tugon ko. 

"Damn it. I confessed for you, Beverly. At anong crush? Sayo ako nagco-confessed ng pagmamahal ko. I love you, Beverly Garcia! Mahal kita simula nung una kitang makilala. Yung una kitang nakitang natutulog habang nakaunan sa hita ko. I always love you. Mahal kita kahit hindi ako ang mahal mo." 

Natigalgal ako sa pag-amin niya. "Akala ko naiitindihan mo..." 

"Yes, I understand that you are not ready for this but I can wait naman e. Lagi akong maghihintay hanggang sa maging ready ka. Mahal kita at gusto kong mahalin mo rin ako pabalik ng hindi pinipilit ang sarili mo. I will wait, Bebs. I will." 

Itutuloy. . .

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now