Epilogue

9.5K 200 23
                                    

A/N: This is a !FLASHBACK!



"GOOD MORNING, Harper . . . Are you excited to go to your new school, Anak?" nakangiting tanong ni Naomi sa limang taong gulang na anak na si Harper, hindi nakangiting ang bata ngunit kahit papaano'y tumango ito.




Harper should be nice, i don't want Mommy and Mama to be disappointed.





"Let's go, Anak. Mama and Mommy is only allowed to send you at the school gate, you go to find an adult to ask where is Teacher Max, okay?" Hillary's voice were sweet and calm, "Mama, i think i can go to the school gate alone. I'm a big girl already, right?" Naomi and Hillary were shocked yet the manage to chuckle after.






"Yes, Miss Little Independent . . ."






"OUCHIE!" Little Harper yelled after getting her ass down the hallway, "I'm sorry, I'm sorry. . ." pinagpag ni Harper ang palda niya nang naka kunot noon atsaka pinasadahan ng tingin ang lalaking nakabunggo sa kaniya. Lumuluha ito at bahagyang madumi ang damit.






"Ah—" hindi na natapos magsalita si Harper nang biglaan na lamang nagtatakbo ang batang lalaki. "Is he even okay. . . ?"







"Hey! Stop bullying him nga!" Harper pushed the guy who's infront of the crying Shaun, basang-basa ang bata ng juice at halok mag kulay orange na ang puting polo nito.






Ito ang unang araw ni Harper sa eskwelahan at ito na kaagad ang nabungaran niya.






"Dalawa ang papa niya! Bad sila, makasalanan ang mga bakla sabi ng Mama at Papa ko!" naiyukom ni Harper ang mga kamay dahil sa narinig, "Ang parents mo ang bad! Hindi makasalanan ang pagiging magkarelasyon ng parehong kasarian, never!" hiyaw ni Harper dahilan pa mapaiyak ang batang nang aapi kay Shaun.







Nang makaalis ang mga ito ay tumabi siya sa batang lalaki at inialok rito ang kulay pink niya panyo, "Hi? Ako nga pala si Harper, first day of school ko," hindi umimik si Shaun, ". . . Huwag kang mag alala, hindi kita ibu-bully, dalawa kaya ang Mama ko!" tinignan ni Shaun si Harper na kasalukuyang nakangiti sa kaniya at proud na proud sa sinabi.






"D-Dalawa naman ang Mama mo?" tumango si Harper at sumandal sa upuan, "Oo, meron akong Mama at meron rin akong Mommy. Ang saya nga eh, hindi ba ganun rin sayo kasi dalawa ang Daddy mo?" tumango si Shaun at nahihiyang yumuko.





"Hay nako! Ano ulit pangalan mo?"





"S-Shaun, ako si Shaun Philip Laurier. . ."





Ngumiti si Harper at niyakap ang batang lalaki .



"Friends na tayo ha?"





"O-Oo . . . Friends? Pero mas old ako sayo. . ."





"Friends tayo! Wala naman sa age yan eh!"






"Mommy, dito na lang po ako sa gate. Baka po hinihintay na ako ni Shaun eh," ani ng maliit na si Harper na busy sa pag check ng lunch box niya gayun rin ng bag niya upang tignan kung may nakalimutan ba siya. "Who's Shaun?" her Mama curiously asked her.






"Mama, he's my only friend. He's name is Shaun po, and he's very nice. He let me borrow his books so i could be advanced in my class," malinaw na paliwanag ni Harper, tumango-tango ang ina. "No boyfriends ha? You're a baby pa," paalala ng Mommy niya, baliwalang tumango si Harper.






"Yes, Mommy. We're just friends lang po," ani nito, kapagkuwan ay bumaba siya sa kotse at nagmamadaling pumunta sa loob ng school, sakto namang nandoon si Shaun at nag hihintay. "Harper, buti naman nandito ka na . . ."







Ngumuso si Harper, "Hmp! Nakalimutan mo yata iyong Beef Broccoli ko eh!" wari'y galit ito, nasanay na rin siya sa kaibigan na makakalimutin. "Hindi ah! Nagpatulong pa nga ako kay Papa i-prepare 'to para hindi ko na makalimutan, last week ko pa sinasabi sayo 'to eh," agad na nangiti si Harper.






"Masarap yan?" excited na tumango si Shaun, "Syempre, gawa namin 'to ni Papa ko eh! With love rin 'to hano, nagustuhan rin ng Daddy ko," proud na sabi ni Shaun, "Akin na 'to? Salamat!" tuwang-tuwang pinatakan ng halik ni Harper sa pisngi ang batang si Shaun na ngayon ay kasalukuyang namumula!




"Let's go! Let's go!"






"HAPPY VALENTINES, Harper . . ." Shaun who's giving a paper bag with food inside to Harper can't even look, "Happy Va-Ve . . . Valentimes?" takang ani ni Harper, nasa School Gymnasium sila dahil araw ng P.E nila.





"Salamat ha? Pakisabi sa Papa mo, thank you kasi masarap lagi ang mga luto niya. Sorry din kasi ako na ang umuubos ang baon mo," napakamot ulo si Harper, mahigit limang kilo ang nadagdag sa kaniya simula nang maging magkaibigan silang dalawa ni Shaun.





While Shaun's weight remains the same.






Tumango si Shaun at umupo sa tabi ni Harper, "Sige, sasabihin ko . . ." aniya, "Shaun, anong gusto mo pag laki? Sabi ko kay Teacher noong nag ask siya, gusto kong maging Supermodel o kaya naman yung nag gagawa at nag de-design ng damit," ani ni Harper na nakatingin sa mga kaklase niyang busy sa paglalaro.







"Ako, gusto kong maging Daddy . . ." mahina ang boses ni Shaun ngunit sapat na para marinig ni Harper, "Bakit?" takang tanong nito, nag kibit balikat si Shaun. "My parents seems so happy, i wanna be like them . . ."






". . . I want to be the best dad,"






Ngumiti si Harper, "Sometimes, i want to be like Mommy too . . . But in profession, what do you really want to be?"







"A lawyer,"







"Wow, Attorney Shaun? Ang ganda!" aniya, natawa ng bahagya si Shaun. ". . . Pwede bang kapag gusto ko mag demanda, ikaw ang maging lawyer ko?" tumango si Shaun, "Syempre naman . . ."








"AALIS ka na talaga?" mahina ang boses ni Shaun, nasa loob sila ng kwarto ni Harper. Nag aayos ito dahil ngayon na ang nakatakdang araw ng pag lipad nila patungong America. Doon na nila napagpasyahan na manirahan dahil nandoon ang kasalukuyang kabuhayan ng pamilya nila.







"Oo, pero babalikan naman rin kita, Kuya Shaun," ani ni Harper, "Sinabi ko na sayong huwag mo akong tawagin ng Kuya," ani ni Shaun, wala siyang lakas upang makipag away sa kaibigan. Natawa si Harper, "Babalik rin ako, hindi ba nangako tayo sa isa't isa na balang araw hahanapin natin ang isa't isa?"







Tumango si Shaun, "Kahit dumating ang araw na hindi mo na ako maalala, hahanapin pa rin kita. . ."







"Palagi kang nasa heart and mind ko, Shaun. Imposibleng makalimutan kita, imposible. . . kasi hindi ba gusto kita? Ikaw lang ang gusto kong pakasalan, soon . . ."






"Gusto rin kitang pakasalan soon, sana payagan tayo ng parents natin 'no?"








Niyakap ni Harper si Shaun at doon humikbi, "Mamimiss kita, huwag na huwag kang mag papa-api sa mga kaklase mo, okay? Kasi hindi na kita maipagtatanggol, Shaun. . ." at dahil doon tuluyang bumagsak ang mga luha ni Shaun na kanina niya pa pinipigilan.





"H-Hindi . . . Hinding-hindi ako magpapa-api, Harper. Pangako . . ."







S W E E T D E N

I'm literally crying sa last part, thank you guys for patiently waiting for my updates. I'll surely miss Shaun and Harper :(

Date Started: May 1, 2022
Date Ended: July 9, 2022

Love,
Denize💗

Under His Law [COMPLETED]Where stories live. Discover now