Chapter 13

7.1K 141 2
                                    

Shaun's Point of View



"I'M SORRY MEDYO NATAGALAN ang operasyon pero i asure y'all na maayos na ang lagay ni Ms. Harper,"



ILANG LINGGO na ngunit wala lang malay si Harper, undergoing ang kaso niya at hinihintay na lang hanggang sa mag start ang hearing. Hindi ako ang magiging abogado niya pero siniguro kong ako mismo ang nag hanap ng pinakamagaling na abogado na tiyak na mahahawakan ng mabuti ang kaso.




Nasa loob lang kami ng room ni Harper, she's currently in coma. Hindi pa rin namin alam kung kailan siya gigising. Ang mga anak naman namin ay namimiss na ng sobra ang Mommy nila, kaya naman kahit kaunting oras ay dala-dala ko sila sa kwarto ng Mommy nila dito sa hospital.




Malaking advantage na iyong behave sila at talagang nakahiga lang sa tabi ng Mommy, hindi nag iiyak at nag lilikot.




"Shaun, umuwi ka kaya muna? Mag pahinga ka na muna, simula ng idala si Harper sa hospital wala ka ng maayos na tulog. Wala ring maayos na kain, anak. Hindi magugustuhan ni Harper kapag nagising ka at nakita niyang ganiyan ka," napayuko ako sa sinabi ng Mama ni Harper, "We can take care of the kids habang nag re-rest ka, anak . . ."





"Hay nako, mahal. . . Kung ako si Shaun, hindi rin talaga ako magkakaroon ng time na umuwi pa sa bahay para lang magpahinga. Mas okay siguro if dito na lang siya sa hospital mag pahinga, open ang sofa oh!" iminuwestra ng Mommy ni Harper ang sofa.





"Go na, Shaun. Tulog ka muna, kami na ang bahala sa mga bata. Kayang-kaya na namin ito,"





"Pasensya na po pero hindi ko rin po kayang magpahinga, hindi pa naman po ako pagod . . ." sagot ko, pinasadahan ko ng tingin ang mga anak ko na katabi ng Mommy nila.






Kasinungalingan. Pagod ako pero ang gusto ko ay ako ang unang makikita ni Harper pag gising niya, ako at ang mga anak namin. "Ikaw ang bahala, pero kapag gusto mo na magpahinga huwag kang mahihiyang matulog sa sofa o kaya umuwi. Sabihin mo lang namin para kami na ang mag aalaga ng mga anak niyo," tumango ako at nag pasalamat.




"Thank you po, Tita . . ."





Kinuha ko ang kambal dahil pumasok ang Doctor at Nurse sa loob ng kwarto, chineck nila si Harper. "Ano na pong lagay niya, Doc? Kelan po siya magigising?" tanong ko, "She's stable but we're still not sure. She's still in coma, hindi natin sigurado kung magigising pa ba siya o hindi na. All we need to do is to pray that she'll wake up soon," tumango ako.






Sigurado ako gigising si Harper eh.




Hindi ako iiwanan nun. Hindi kami iiwanan non, lalo na ngayon dalawa na yung baby namin.






Tinignan ko ang dalawang bata na buhat-buhat ko, "Gigising din si Mommy niyo, hindi niya tayo iiwanan . . ." bulong ko atsaka ko sila hinalikan parehas sa noo. "Aalis na muna ako, babalik ako mamaya. Kapag may problema, tawagin niyo ako agad," nagpasalamat ako sa doktor atsaka ako umupo sa sofa at sumandal.



Patuloy lang ang pag tulo ng mga luha ko, sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko.





Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko at ilang minuto lang ay naramdaman kong nilamon na ako ng antok.




NAGISING AKO bandang alas otso na ng gabi, "Papa, nasaan po ang mga anak ko?" takang tanong ko, nang magising kasi ako ay hindi ko na makita ang mga anak ko na kanina ay buhat ko pa. "Inuwi na muna ng parents ni Harper para malinisan, para na rin makapag pahinga ka kahit papaano,"




Tumango ako at bumangon, pinuntahan ko sandali si Harper na nakahiga sa hospital bed atsaka ko hinawakan ng kamay niya. "I love you, gising ka na please . . ."



Hinalikan ko siya sa noo at pagkatapos ay pumunta ako sa isang lamesa, pinag hain ako ni Papa. Pinaghain niya kaming dalawa ni Daddy ng dinner, at dahil gutom na din ako ay hindi na ako umayaw.



"Mas mabuti kung kukuha ka ng katulong mo sa pag aalaga ng mga bata, Shaun. Lalo na kung gusto mo mag focus kay Harper," suthesyon ng Daddy, umiling ako. "Ayaw ko po, tignan niyo naman po ang nangyari kay Harper. Paano po kung may mangyari din sa mga bata?"



Nag tinginan silang dalawa ni Papa, "Manang Silvia can take over the kids, hindi niya ipapahamak ang mga bata. . ." hindi ako nakasagot, Manang Silvia is my nanny since birth.



I trust her so much too.



Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain, "Eat more, Shaun. You have lost so much weight,"


I nooded. "Thank you, Pa, Daddy . . . Pasensya na po, medyo nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon . . ." ani ko, hinimas ni Daddy ang likod ko. "It's not a big deal,"




Few hours after dinner i carefully went to lay beside Harper, kaming dalawa na lang ang nasa hospital room niya. "Miss na kita, miss na miss na miss na kita, babe . . ." umiiyak na ani ko, marahan ko siyang niyakap at doon ako umiyak ng umiyak. "Gumising ka na naman na, please . . ."






Natigilan ako ng may maramdaman akong kamay na humawak sa braso ko.





Dahan-dahan akong lumingon at doon ko nakita ang kamay ni Harper, nakahawak siya sa akin!




Natatarantang dahan-dahan na bumangon ako sa hospital bed, she's awake. Lumabas ako ng hospital room niya atsaka ako tumawag ng nurse at doctor, akmang papasok rin ako sa loob ng pumasok ang mga medical staff pero hindi nila ako hinayaan.







Sa sobrang saya ay lumuluha ako.







Kinuha ko ang phone ko sa bulsa atsaka ko tinawagan ang parents ni Harper, "Shaun? Bakit ka napatawag? May problema ba sa hospital?" panandaliang kinagat ko ang pang ibabang labi ko. "T-Tita, gising na po si Harper. Tita nakadilat na po siya atsaka . . . atsaka, hinawakan niya po ako . . ." umiiyak na ani ko.







"Oh my god! Okay, okay! We're coming okay?— Hon!"






Buhat-buhat ko ang mga anak ko habang kinakausap ko si Harper na kani-kanina lang ay pinatulog. Masaya ako dahil gising na siya, kahit pa sabi ng doctor niya ay she won't be able to talk since she's still in shock.






She was traumatized.






"Nagising na si Mommy niyo, anak. Tas observation na lang uuwi na tayo sa bahay," nakangiting sambit ko, parehas na ngumiti ang mga anak ko na siyang ikina-ngiti ko pa lalo. "You bought a house, Shaun?" tinignan ko si Tita atsaka ako tumango, "Yes po, Tita. Iuuwi ko na po sana si Harper doon, kaya lang po . . ." nginitian niya ako atsaka siya lumapit kay Harper.






"Harper is so precious, isn't she?"




Ngumiti ako at tumango. "Can you promise me one thing?" agad akong tumango, "Oo naman po, ano po ba iyon?" tanong ko.






"Take care of Harper, after her recovery, marry her . . ."






Tinignan ko si Harper atsaka ako ngumiti.






"Kahit hindi ko na po ipangako iyon, Tita. Kahit noong hindi niyo pa po sinasabi, iyon na po talaga ang plano ko . . . ang alagan, pakasalan at mahalin ng sobra-sobra si Harper,"







S W E E T D E N


Under His Law [COMPLETED]Where stories live. Discover now