MGW-62

2.8K 60 6
                                    

Chapter 62 ❤️? 💔?

Kathryn's Pov

Tulog ang mag-ama ko ngayon, hindi padin mawala sa isip ko yung sinabi niyang paguusapan namin ang about sa divorce paper

Bakit ko nga pala yon inasikaso? Dahil ba akala kong wala na talagang pag-asa?

Tumayo ako at pumunta sa kitchen ng hotel, marami namang sangkap dito kaya okay na para makaluto ako

Habang nag hihiwa ako ay naisip ko nanaman ang isasagot niya sakin, eto na ba ang tamang oras para umamin ako?

Daniel's Pov

Nagising ako dahil sa bigat ng nasa dibdib ko, napangiti nalang ako ng makita kong nakahiga don ang anak ko

Ito naman talaga ang gusto kong mangyare, ganitong pamilya.. kapag gigising ako ay sila ang makikita ko, kapag pagod na pagod ako kapag nakita ko lang sila ayos na.

Inayos ko ng higa ang anak ko at tsaka tumayo

"Ang bango, ano kaya iyon?" Sabi ko sa isip ko, mag aalas sais palang pala.

Nakita ko sa kitchen si kath, nagluluto siya.

'Ano nanamang pagpapanggap yan?' I thought, mag lalaro nanaman ba siya? Tapos kapag sinabi kong mahal ko siya sapilitan nanaman niya akong papalayuin?

"Mahal na Mahal kita, Higit pa sa iniisip mo, ohh." napangiti ako ng marinig ko siyang kumanta, may kembot pa yon.

"Ang galing mo naman misis." siguro hahayaan ko muna yung sarili kong sumaya, dahil yung decision mamaya sa divorce paper, ewan ko nalang.

"H-ha? Ka-kanina ka pa dyan?" Nanlalaking mata na tanong niya

"Oo, ang galing mo pala sumayaw ano? Matagal ko ding hindi nakita yan.." ngumiti siya sakin at nagpatuloy magluto

'Mahal na mahal naman kita eh, hindi ko lang alam kung totoo ba ang mga pinapakita mo.'

"A-ano ba! Nakakahiya.." sabi niya

"Kelan kapa nahiya sakin ha?" Lumapit ako sa kanya para yakapin siya mula sa likod

Kahit 3 minutes lang, kahit ngayon lang..

Nagulat ako ng hindi niya yon inalis, pinatay niya ang kalan at tsaka humarap sakin

'Ang ganda niya pakshet!'

Niyakap niya ako pabalik kaya mas lalo akong nagulat.

"I miss you.." dug dug dug dug dug dug..

A-ano daw?

Bago ko pa siya matanong, kumalas na siya sa yakap tsaka hinanda ang pagkain

'Wag kang magpadala sa sweet words niya daniel, baka kasama lang yan sa pagpapanggap niya'

Tama! Kunware wala akong narinig

"Im hungry!" Narinig kong sabi ng anak ko at umupo sa upuan (malamang! -,-)

"Pinagluto kita ng favorite mong adobo, baby." masayang sabi ni kath at tsaka nilagyan ng pagkain ang plato ni pheobe

Nagsimula na akong kumain, sa totoo lang masarap ang luto niya. hindi ko lang pinapahalata

"I miss you..." argh! Bakit bumabalik ang kasinungalingan na iyon?

"Is there something wrong mister?" Nagulat ako sa paraang pagtawag niya sakin, Mister?

"Wala, iniisip ko lang yung birthday ni pheobe bukas."

"Oh my gosh! Its my party tomorrow?!"

"Yes baby, gusto mo bang dito ganapin ang birthday mo?"

My Gangster Wife *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon