Sa limang buwan na pagtratrabaho niya rito ay marami ang nangyaring ganitong serye sa kanila. Yakapan, harutan at landian. Ngunit hanggang doon lang iyon.

Napag-alaman niya ring mag pagka-manyak at bastos ang boss niya na himala't napagtitiisan niya. Iba na ito hindi kagaya ng una niyang pagkakakilala rito.

At dahil limang buwan na rin siyang nagtratrabaho bilang sekretarya nito, naging komportable na sila sa presensya ng isa't isa. 

"Bastos!" Singhal niya at kumawala sa pagkakayakap nito sa beywang niya ngunit hindi siya makawala dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa katawan niya. “Ashton naman!” Naiinis na aniya.

"Anong bastos?" Nakangising anito. At dahil hindi siya makawala, sinabunutan niya ito sa sobrang hiya at inis na nararamdaman. "A-aray! Ouch! Masakit, Carisha! Aray!" Aray ito ng aray pero hindi naman siya binibitawan. Anong klaseng nang-aawat iyon?

"Bitawan mo ako sabi! Bastos! Manyak!" Pagsisigaw niya at nagpapasag sa yakap nito.

Tinignan si Carisha ng masama ng binata. "Amo mo ako."

"Puwes hindi ngayon dahil day off ko. Alis! Bitawan mo ako sabi eh!" Naiinis na aniya rito pero tumingkayad lang ito at hinalikan siya sa mga labi. Smack kiss. Saka ang cleavage niya naman ang hinalikan nito. Sinapak niya ito sa pisngi. "Bastos! Pakawalan mo ako, isa! Ashton! H'wag mo akong gagalitin!"

Nanlalaki ang mata nito dahil sa sapak niyang napalakas ata. "Masakit 'yon!" Inis na sambit nito sa kaniya.

"Walang akong pake! Bitawan mo ako!"

"Hindi. Ayaw ko—"

"Ang-agang landian naman niyan. Hindi ba kayo pwedeng pumasok sa loob?" May narinig silang baritonong boses ng lalaki. Sabay silang napalingon kung sino iyon.

"Bene? What the fck are you doing here?" Takang tanong ni Ashton sa lalaki na hindi niya kilala.

Ngumisi ito sa kanila. "I wanna see my girlfriend. She's here."

Napakunot ang nuo niya sa sinabi nito. Girlfriend?

"Girlfriend? Sino?"

"Si—"

"Babe! You're here!" Biglang lumabas si Yunna kung saan at niyakap ang lalaking nagngangalang Bene at... naghalikan sa harapan nilang dalawa.

PDA much?

Ngumiti si Bene at niyakap pabalik si Yunna. "I am right. You're here." Anito saka nito dinilaan si Ashton na mukhang nainis sa pang-aasar nito.

Ano meron?

"Babe, what are you doing here anyway?" Tanong ni Yunna kay Bene. Silang dalawa ni Ashton ay pinapanood lang ang dalawa habang ito ay nakayakap sa beywang niya habang siya ay nasa balikat nito ang mga kamay niya.

Hinalikan muna ni Bene si Yunna bago nagsalita. "I told you i'll come with you, right?"

Sumama ang mukha ni Yunna. "But i didn't agree, right?"

"But, just like what i said, i don't take No for an answer." Nakangising anito.

Ngumisi rin si Yunna. "And just like what i said, if you disagree with my decision..." Hinalikan nito sa labi si Bene. "You already know." Anito saka pinalihis silang dalawang ni Ashton at pumasok sa kabahayan na sinundan naman ni Bene na sumisigaw ng 'No babe! You're being unfair!'.

Napatanga siya sa mga ito at naisabing, "bahay niyo?" Narinig niyang bahagyang tumawa si Ashton at ng tignan niya ito ay sumeryoso ang mukha. "Bitaw." Seryosong aniya. Ngumuso lang ito at binuhat siya papasok sa kabahayan.

 Amour Series #1 : Aimer La Maman Célibataire (COMPLETED)Where stories live. Discover now