Chapter 59

1.3K 40 0
                                    

Tristan Charles.

KAAGAD kaming nagtungo papunta sa lugar kong saan ni Jade dinala ang asawa ko, hindi ko talaga akalain na pati sila Tito Marjun, Tito Marlu, at Tito Marwin ay nandidito. Lakad ko 'to bakit buong angkan ng Sandoval nandidito? Yeah! They are the Sandoval brothers.

Si Dad ang panganay sa kanilang magkapatid, pangalawa si Tito Marwin Travis father, pangatlo si Tito Marjun, Tahn's father and last Tito Marlu ang bunso sa kanilang apat na ama ni Thyme and Thyne.

"Siguro naman ito na ang panahon para makilala namin ang asawa mo, pamangkin kung gwapo?" Tito Marlu said he's acting like a teenager, hindi na ako magtataka kong saan nagmana si Thyne.

"Tama ng daldal tara na baka mapaano pa ang Missis Tristan natin, sayang ang lahi natin kung mawawala siya hindi pa nakakapalahi 'tong si Tristan natin!" Pabirong sabi ni Tito Marjun tsk! 'yon ang akala nila.

"Magaling atah 'tong pamangkin niyo, isang putok tatlo kaagad," Nakangisi kong sagot sa kanila and I start the engine of my motorbike. Sino ba kasing nagsabing hindi pa ako nakakapalahi? Tsk!

"What?!" Sabay na tanong ni Tito Marjun at Tito Marlu parang reaction lang ni Tahn and Thyne kapag nagugulat, tsk!

"Tsk, Let's go!—Men move! Follow me our mission is to save Yukizia and her grandfather you need to do the best just to save Mr. Alcantara, I'll do the rest? Get it?!" I shutted to my mens.

"Yes Boss!!" They answer in unison.
Pumasok na sila sa kaniya-kaniyamg nasasakyan sa loob ng Van.

"Ang tanong niyo? Bukas ako magpapaliwanag," Baling ko kay Tito Marjun at Tito Marlu bago ko sinuot ang helmet ko at pinatakbo ko na motorbike ko papunta sa mansion ni Jade kong saan niya dinala si Yukizia.

***

Yukizia Veronica Point Of View

"Pumirma ka!" Napatingin ako sa papel na inilapag ni Jade sa center table sa harapan ko, ano naman ito? Baliw ba siya? Paano naman ako makakapirma kong nakagapos ang kamay ko sa likod upuan. Gustuhin ko man na sumagot sa kaniya pero hindi ko magawa dahil may busal ang bibig ko.

"Nabalitaan kong kasal ka nga kay Tristan Sandoval pero hindi valid rito sa Pilipinas ang kasal niyo, kaya walang saysay ang papel na ipinakita niya sa Lolo mo! Mas mautak kaya ako sa kapatid ko sympre kumuha ako ng Married Certificate na valid rito at ang mas maganda pa ay walang divorce rito, meron nga lang annulment haha!" Palakad-lakad si Jade sa harapan kong sinasabi niya iyon.

"Hindi ko alam kung bakit pumirma ka sa married certificate niyo ni Tristan, siguro hindi mo pa siya lubusang kilala kaya nagawa mo 'yon? Hindi mo alam kung anong klaseng tao si Tristan hindi mo alam kung gaano siya kasama, hindi mo siya kilala tulad ng inaakala mo." Lumapit siya sa akin at tinanggal anh tila na nakatakip sa bibig ko.

"Gusto mo bang kwentuhan kita kong ano talaga ang tunay na kulay ni Tristan? Baka pagsisihan mo lang na nagka-anak ka sa kaniya kapag nalaman mo ang totoo, tsk! Ano na lang kaya ang sasabihin ng mga anak mo? Ang Daddy nila ay isang... Killer? Smugglers? Drug supplier? Owner of the biggest drug lab in the Philippines?—oh? Gulat na gulat ka? Opss nabigla ba kita?" Sabi ni Jade na may pa takip pa siya sa bibig niya.

Nanlaki ang mata ko at para akong nanigas sa kinauupuan ko ng marinig ko ang sinabi ni Jade, is that the real Tristan? No! Hindi niya kayang pumatay, hindi siya ganu'ng tao, hindi siya drug—oh my god! Pilitin ko mang hindi paniwalaan si Jade sa sinabi niya pero may parte ng isip ko na totoo ito dahil, ibang iba na ang Tristan na kilala ko noon. Maaring drug adict na nga siya ngayon dahil ang mga tattoo niya pa lang, hindi pa ba 'yon sapat na dahilan na hindi siya nag d-drugs?

"Kaya niyang pumatay ng enosenteng bata para sa pera, kaya niyang gawin ang lahat para lang makuha ang gusto niya, kaya niyang pabagsakin ang isang tao sa isang tawag niya lang, alam mo kong bakit? Isa siyang Mafia Boss. Yeah! He is, not just in the philippines," Dagdag pa ni Jade.

Carrying Mr. Billionaire Mafia's Child [COMPLETED]Where stories live. Discover now