"Ahm guys?" aniya ko at kumukurap-kurap pa hindi pa nag-function ang utak ko sa narinig.

Tiningnan ko sila isa-isa ganoon din ang itsura.

"Hoi, anyare sa inyo?" napabalik lang kami sa ulirat ng dumating na ang mga boys.

"Ahh kaseeee—" naputol pa ang sasabihin ni Kim at tumingin samin. Nagkatinginan kami apat at tumawa uli.

Gagi ngayon lang pumasok sa utak ko na nakaihi si Drea!

"Nababaliw na, amputs!" sigaw ni Tonie sa amin.

"Gaga, tara na nga at pupuntahan natin 'yong isa baka linamon na ng kahihiyan yon." wika ni Juls habang nakangisi pa.

Naglakad kami papunta sa cabin.

Ang ganda ng lugar, ang puti at pino ng buhangin, ang alon naman ay normal lang. Tapos yong hangin na kay sarap damhin.

Sa pagpasok namin sa cabin mafefeel mo talaga ang province vibes dahil puro sa kahoy ang gawa,pati ang mga muwebles at furniture na maliliit ay gawa sa kahoy.

Dumiretso ako sa kwarto namin, bali in one cabin merong dalawang rooms, may sala at kusina.

Malaki ang rooms na nakuha namin. May isang king size bed at isang double person bed.Pinag-dikit lang namin para magkatabi pa rin kaming lima.

Pagkatapos kong inayos ang higaan ay nagbihis na ako ng komportable kong damit at lumabas.

***

Jestonie's Point Of View

Sobrang gwapo ko talaga. Kahit mapuno pa ako sa usok ang gwapo ko pa rin. Kaya nga yang si laloves Kim ay nag susungit sakin dahil sa kagwapuhan ko.

Nag-iihaw kami ni pareng Riel ngayon ng barbecue na baboy at tinai.

Do you what tinai is? Hindi no? Aminin mo, aminin mo! Joke lang.

Tinai means Isaw in tagalog.

Pasalamat kayo sa akin sa kaunting kaalaman na natutunan.

"What the heck! Tonie? Bakit sarili mo na ang pinapay-payan mo?" grabe naman to makasigaw si pareng Riel parang hindi katabi.

"Ang hot ko kasi kaya pinaypayan ko ang aking sarili." garbo kong sagot. Tumingin naman siya sakin at aktong sumusuka.

"Ikaw na nga lang diyan, ang hangin mo eh mas gwapo naman ako sayo!" aniya't tumalikod sa akin.

Ako? mahangin? sadyang ang gwapo ko lang talaga!

Nagbusy-busyhan nalang ako sa pagpay-pay sa sarili—este sa barbeque pala.

Ngunit bakit may mga dugong na humahagikhik sa likuran ko, ang sakit pa sa tenga. Liningon ko ang mga dugong este mga babae pala to? Mas maganda ang laloves ko dito.

Humagikhik na naman sabay turo pa sakin. Tinaasan ko lang sila ng kilay at muling tiningnan ang inihaw.

Grabe talaga kagwapuhan ko pati mga dugong nahumaling. Proud na naman kayo niyan sakin.

Kimberly's Point Of View

Inaantok pa ako. Asan na ba yong tiki na 'yon? Siya lang nakapagwala ng antok ko dahil sa kakulitan non.

While walking at thes seashore, hindi ko kasama ang mga girls dahil busy sila sa pagbibihis, tapos na ako kaya naglalakad-lakad muna dito sa dalampasigan.

"Laloves!" sigaw ng pamilyar na boses.

Sighed, nandito na siya Kim humanda ka na.

Liningon ko ang sumigaw at ayon nga ang tiki na nag-aayos sa lamesa. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit, Jusko! kumindat na naman.

Inirapan ko lang siya at lumapit sa kaniya para tumulong na lang.

"Oi laloves, himala tumabi ka sakin!" maligayang sabi niya at may pilyo pang ngiti sa labi.

Tiningnan ko lang siya at humikab.

"Magsalita ka lang diyan para hindi ako antukin" sabi ko sa isip ko.

"Ang antukin mo talaga, magpahinga ka nalang muna sa cabin." concern niyang ani at tiningnan siyang maglagay ng mga plato. Tumulong nalang din ako sa paglagay ng mga baso at kubyertos.

"Ba't ka na tahimik?" takang tanong ko pagkatapos ilagay ang last na baso.

"Ang ganda mo." diretsong sagot niya na dahilan sa pagpula ng pisngi ko.

"Ah— punta nalang ako sa cabin!" tarantang wika ko at tumakbo papalayo. Nadinig ko naman ang mahina niyang tawa at tawag sakin na "Laloves"

_____________________________________________________________

Quanti_Mood

Ms. PresidentWhere stories live. Discover now