never changed fates

Magsimula sa umpisa
                                    

Dumaan ang ilang minuto ay walang may sumagot sakanya. 

 "Quién eres tú?" Nagsalita si Gazer, ang mata niya't nakatutok kay Alessa na bahagyang nagulat sa pagsasalita niya ng Espanyol at pagtatanong kung anong pangalan niya.

Kahit ako ay nagulat dahil wala sa alaala kong nag-aral siya niyan but then again, if his family are holding a few of my companies then they should've known that I have international stockholders and business partners that they should talk to. Kaya siguro siya nag-aral ng ibang lenggwahe.

I nearly chuckled. That just means that in those four years that I wasn't there, he may have been learning how to flourish my companies in his hands. Malas niya lang dahil babawiin ko ang lahat ng nasa kamay niya.

"I'm Alessa Navier Rocci, Aster's lawyer." Pakilala ni Alessa ng may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ko rin maiwasang hindi ipakita na kampante ako lalo na't walang palya ang tindig ni Alessa sa gilid ko. Parang pinapakita niyang kayang-kaya niyang talunin sa korte ang abogado nina Gazer na kasalukuyan din siyang pinapasadahan ng tingin. 

"So, you're Miss Rocci?" Tanong ng lawyer habang inaayos ang eyeglasses niya.

"There are two 'Miss Rocci' around this world. Do call me 'Alessa'." Propesyonal na pakilala niya pa bago nilahad ang kamay. 

"Yvan Fervoroso, private lawyer of the Vuerreros..." Pagtanggap ng lalaki sa kamay niya bago ngumisi, "La heredera."

Napasinghap na binawi ni Alessa ang kamay niya. Kami naman ngayon nina Quince at Gazer ang napakunot ang noo. He just called her 'heiress' out of nowhere. Is that a play to make her lose her focus?

"Let's start the interrogation. I'm Inspector Colton Taverez." Ani ng lalaking kanina pa tahimik sa dulo ng lamesa. Tumikhim siya saglit bago ngumiti sa'min.

Buryo ko siyang tinignan, "I provoked her into a fight by saying that I fucked her boyfriend, end of story. Pwede niyo na ko ikulong ngayon pa lang." 

"Aster." Saway ni Alessa. 

Tumawa ang lawyer ni Gazer, "Is that what really happened, Quince?"

Nanlilisik ang matang tinignan ako ni Quince pero humalukipkip lang ako at pinagkrus ang braso sa dibdib ko. Bahala siya riyan. Punong-puno na ko at mas lalong pagod na ko mula sa away namin.

"She's lying, Quince. Nothing happened." Kalmadong sabi ulit ni Gazer pero winaksi lang siya ng isa. 

"Yes, I lied about it. Now, you ruined your career or maybe reputation, and that boyfriend of yours might fire me out of my job. Now, I promise to get out of your way. So, done. Ikulong niyo na lang ako for obstruction of property, damage of property, etcetera." Kinampay ko ang kamay ko pataas to point out my concern bago tumawa, "Can we just get this done? I want to rest, be it behind bars or my bed. Either will do basta makapagpahinga ako."

Nanahimik silang lahat. Ang inspector ay napahilamos ang mukha, si Quince naman ay galit pa ring nakatingin sa'kin, walang emosyon si Gazer, natatawa ang lawyer na si Yvan, at ang abogado ko naman ay nandidilim na ang paningin sa'kin.  

"I just need a minute with my client." Ani Alessa bago ako tinapik sa balikat.

"Attorney Rocci, you can't le-."

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon