within his smiles

Magsimula sa umpisa
                                    

Napanguso ako saglit dahil do'n bago nagpaalam na maghihilamos muna. Mabilis lang din naman akong naglinis atsaka lumabas ulit para sabayan siya sa kusina nila.

"Paborito ko nga kasi 'yung tuyo. Heto lang 'ata 'yung pagkain na hinayaan nilang kainin ko noon." Sabi ko bago nginuya 'yung uga o tuyo na pinilit kong ibigay niya sa'kin kahit na nagluto siya ng tocino at hotdog. Pansin ko ring napakamot siya ng ulo at biglang nahiya ulit.

"Akala ko po kasi hindi ka sanay sa ganyang pagkain kaya nagluto po ako ng sakto sa lasa niyo. May sabaw din po kung gusto niyo. Laswa po atsaka sinigang. Ako po nagluto nu'n kaya kung hindi po sakto sa panlasa niyo, mags-sorry na agad ako." Awkward niyang pagngiti.

Nagningning ang mata ko, "Laswa! Paborito ko 'yun isama noon sa tuyo. At ikaw, samahan mo ako kumain diyan. Ayokong manood ka lang habang kumakain ako."

Natawa siya bago tumango at tumayo para kunin 'yung sabaw ko. Hindi rin naman siya nagtagal para hainan ako at hindi ko alam anong inihalo niya sa laswa pero ang pait!

"Ayos po ba 'yung lasa, Ma'am?" He hopefully asked and for the first time in forever, I felt like I shouldn't let him down so I nodded cheerfully kahit nagr-reklamo 'yung dila ko sa kung gaano kapait 'yung laswa niya. Pero kahit na gano'n, inubos ko pa rin kasi hindi mapagkakailang umayon naman kahit konti 'yung lasa ng tuyo. 

"I should set myself then we'll go visit your sibling. Nga pala, nasaan sina... Tita't Tito?" Tanong ko. Nag-alinlangan pa ako saglit na tawagin silang Tito at Tita.

"Pumunta pong kabilang syudad para ibenta 'yung ginawa nila kagabi. Nagbilin din sila na huwag na silang hintayin kasi roon din sila matutulog sa Tiya ko. Bale, kailan po pala tayo uuwi? May pyesta po kasi rito sa susunod tapos nagp-plano po akong dalhin kayo sa may dagat. Maganda po ro'n!" Sabi niya sa'kin habang nililigpit 'yung pinggan.

Bigla akong napatanga nung tumalikod siya, "I planned to stay here for a week kasi on leave naman ako sa opisina. Kailan sila uuwi?"

Truth is, nag-on leave ako para lang samahan siya. I'll lost a hundred thousand fund from leaving the company alone but the promise I made with him is more important than those. I hate breaking my promises and besides, I can still restore the money again unlike how I'll break his trust and hope if I ever break my promise.

"Timing po, next week din sila uuwi tapos may pyesta po dalawang araw mula ngayon." Sabi niya kaya tumango-tango na lang ako bago nagpaalam na magbihis kasi bibisitahin na namin kapatid niya. Mabilis lang din ako kasi baka gabihin kami atsaka mabilis din naman kaming nakarating sa hospital kung nasaan 'yung kapatid niya.

"Is your brother doing fine alone in here while the three of you are working?" I asked Gazer after finding out that his sibling is a boy, the same age as my other cousin and is probably attending College if not for his sickness; bone marrow cancer.

"May nag-volunteer po na magbantay sakanya noon. Kaibigan niya raw mula sa Cadiz City sa Western Visayas na talagang lumipat pa rito para lang alagaan siya. Hindi nga rin ako naniniwala na kaibigan niya lang 'yun." Kamot-ulong sagot ni Gazer habang binabagtas namin 'yung daanan papunta sa kwarto ng kapatid niya. Napailing na lang ako atsaka natawa kasi sa pagkakaalam ko ay malaki naman na kapatid niya kaya 'di 'yun maiiwasan.

"It's actually a good thing if they're beyond friends and the other person really went here just to take care of him. That's a proof that their bond is abominable." I pointed out the obvious bago napatingin sa pintuan kung saan tumigil si Gazer.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon