Actually, sinasabi ng iba niyang classmates na naiinggit ang mga ito sa kaniya kasi rich girl siya at lahat na ng bagay ay nasa kaniya. Marami raw kasing pera ang tatay niya. Ang hindi alam ng mga ito ay siya ang naiinggit sa mga ito kasi nakakasama ng mga kaklase niya araw-araw ang tatay ng mga ito. Samantalang siya, maswerte nang matatawag kung makakasama niya ng once a week ang kaniyang papa. Yes, gano'n ka-busy ang papa ni Grizelda.

Napapitlag si Grizelda sa mahihinang katok sa pinto ng kaniyang room. Mula sa vanity mirror ay nakita niyang bumukas ang pinto at sumungaw ang ulo ni Ninong August. He's smiling.

"Grizelda, your friends are waiting. Ready ka na bang bumaba?" He asked politely.

"Yes, ninong. Pababa na rin ako." Tumayo siya at naglakad palapit sa lalaki.

"O, bakit ang lungkot ng mukha mo? Magtataka ang mga friends mo kapag nakita kang ganiyan. Birthday mo pa naman ngayon. Hindi ka ba happy?"

"Happy. But I will be happier if papa's here. He's busy again."

"Hindi ka pa ba nasasanay sa papa mo? E, no'ng binyag mo ay ako ang nag-proxy sa kaniya kasi wala siya dahil may kailangan na asikasuhin. Pero alam mo ba, hindi nagalit si mama mo sa kaniya. Sobrang understanding ng mama mo kaya ganoon ka rin dapat kay papa mo."

"But I am not mama. Sana ikaw na lang ang papa ko, ninong. Ikaw kasi ang palaging nandiyan for me. Sa lahat ng special days and occasion sa life ko ay ikaw ang pumapalit kay papa."

"Grizelda, 'wag mong sabihin iyan. Ginagawa ng papa mo iyon para sa iyo. Maybe darating ang araw na hindi na siya magiging busy at lahat ng oras niya ay nasa iyo na!" Pinisil ni August ang dulo ng kaniyang ilong.

How I wish magkatotoo ang sinabi ni Ninong August. I can't wait na dumating iyon time na ako na ang priority ni papa at hindi na ang mga business niya... bulong na hiling ni Grizelda.

'Buti na lang talaga at meron siyang Ninong August. He's like a father to her. Second father. Wala pa itong asawa o girlfriend. Kahit anak ay wala. Tinanong niya ito dati kung bakit wala pa itong asawa at anak. Ang sagot nito ay okay na ito sa kaniya kasi para na ring anak ang turing ni August sa kaniya. Hindi raw talaga yata talaga ito naka-destiny na magkaroon ng sariling pamilya.

Nagpa-escort siya sa kaniyang ninong sa pagpunta sa ibaba kung saan naroon ang lahat ng mga malalapit niyang kaibigan. May ilang relatives din pero mas marami ang friends.

Nagpalakpakan sila ang lahat nang nakita na siyang bumababa sa gold stairs ng bahay nila habang nakasuot siya ng pink, flowy gown. Feeling niya talaga ay isa siyang princess that moment. Kagaya ng tawag ng kaniyang papa sa kaniya na "my princess".

I wish you we're here, papa... bulong ni Grizelda sa likod ng matamis na ngiti na ipinapakita niya sa lahat.


-----ooo-----


PARANG hindi nauubusan ng energy sa pag-entertain sa mga bisita niya si Grizelda sa kaniyang birthday party. Lahat ay kinakausap niya. Kahit paano ay nawala sa isip niya na hindi niya kasama sa espesyal na araw na iyon ang kaniyang papa. Nilibang niya talaga ang sarili sa pakikipag-usap sa lahat para hindi niya masyadong maramdaman ang lungkot.

To be honest, ipagpapalit niya ang moment na iyon na kasama ang mga friends niya sa moment na kasama ang papa niya kahit one hour lang. Talagang uhaw na uhaw siya sa atensiyon nito. May mga times din na nagtatampo siya rito pero hindi niya iyon ipinapakita kapag magkasama silang dalawa. Minsan na nga lang silang magkasama tapos magtatampo pa siya, 'di ba?

"Wow naman, friend! Super princess lang ang atake mo, ha!" Malakas na sabi kay Grizelda ng gay bestfriend niya na si Francisco a.k.a. "Franz". Masyado raw kasing nakakalalaki ang real name nito kaya ayaw nito iyong gamitin.

The Mafia Boss' Only PrincessWhere stories live. Discover now