"This obstacle will help you communicate better, solve problems better, and get to know your teammates better," dagdag niya pa. "Now, I want you to arrange yourselves in a circle and stand closely together."

Dahil sina Shaira at Paolo ang katabi ko ay dumikit agad sila sa akin. I looked behind me only to see Leon frowning already. Paano ay wala pa kasi siya sa bilog. Kunot na kunot ang noo niyang tumayo sa tapat ko at kung hindi pa ako nagkakamali ay nabasa ko sa labi niya ang pagmumura.

I pursed my lips. Ang sungit.

"I-stretch n'yo ang mga braso n'yo at ilagay ang kanang kamay n'yo sa gitna ng bilog," sabi ng facilitator na agad naming sinunod. "Now, randomly grab someone's hand, but don't grab the hand of the person next to you."

Akmang kukunin ko na ang kamay ni Maricar nang agad kong maramdaman ang kamay ni Leon sa akin.

Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya ngunit ang mata ay nakatutok sa akin na para bang may ginawa akong hindi niya nagustuhan.

Para akong mawawala sa wisyo sa paraan ng paghawak at pagtingin niya sa akin. He was just grabbing my palm at first, but then, I felt his fingers gently making their way to intertwine with mine.

I swallowed and turned away before he could see the emotions that were surely present in my eyes. Ang init ng palad niya ay sapat na para lalo kong hilingin na sana ay bumalik na kami sa dati . . . o sana ay hindi na siya magalit sa akin.

I don't know how long my feelings for him will last, but for now, I don't think I'm ready to move on just yet.

"Okay, 'yong kaliwa naman."

Leon took my hand again, making our facilitator laugh.

"Magkaibang tao dapat ang hawak," sabi nito.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Hindi ko sigurado kung napansin ng mga kagrupo namin na kami ang tinukoy ng facilitator pero halos mapapikit ako sa hiya nang marinig ko ang mahihinang tawanan ng mga babae naming kagrupo.

I nervously took Maricar's hand while Leon quickly reached out and held Shaira's.

"Kung alam ko lang na bawal ang katabi, sana hindi ako tumabi kay Mari," pagpaparinig ni Paolo na nagpatawa sa group namin.

Leon's hand on me tightened.

Lumabi ako. Kanina pa siya naiinis sa amin ni Paolo. Kung hindi ko lang alam na galit pa rin siya sa akin ay iisipin kong nagseselos siya.

Ang kaso ay parang imposible naman 'yon dahil kung gusto niya pa rin ako ay hindi naman para tumagal nang ganito ang away namin.

I tried to talk to him a few times, but he turned me down. Siguro ay kulang pa ang effort ko o siguro ang pagtanggi sa mga paanyaya ko ang paraan niya para sabihing tapos na kami.

"So, the trick of the game is that you have to untangle yourselves without releasing your hands," nakangiting sabi ng facilitator.

"Ah, parang doctor quack quack!"

"Masakit-sakit sa katawan 'to," reklamo ni Shaira.

Tumawa ang facilitator bago tumingin kay Leon. "Mas magiging madali kung normal na holding hands lang. No need to get your fingers intertwined."

Lalong nag-init ang mukha ko habang inaayos ni Leon ang pagkakawak sa kamay ko. After that, he started giving orders to our group so that they could get themselves untangled.

"Lumusot ka rito," sabi niya sa babeng kagrupo namin na sinunod naman nito. "Umupo ka, Paolo. Tapos, padaanin mo pabalik 'to," dagdag niya pa.

My arms were crossed. I was holding Leon in my right hand and Maricar on my left. Sinubukan kong mag-isip ng paraan para maalis ko ang buhol ko pero wala akong makitang ibang daan nang hindi ko kinakailangang mapatapat kay Leon!

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Where stories live. Discover now