Malungkot akong kumain dun. At iniisip si papa.

"Hindi man lang niya ako kiniss!"bulong ko.

Malapit ko nang maubos ang inorder ko nangay biglang tumawag sa akin.

"Vivian?"patanong na tawag sa pangalan ko.

Nag angat naman agad ako nang tingin at nakita ko ang palapit kong boyfriend. Si jude.

Nag wave lang ako sa kaniya. At nag tuluyang makalapit siya sa akin ay agad niya akong kiniss sa ulo ko.

"Bakit ka nag-iisa dito? Sana tinawagan mo nalang ako."sabi niya sa akin. Malungkot ko naman siyang tinignan.

"Si papa kasi, siya dapat ang kasama ko ngayon. Pero sabi niyamay meeting daw siya."malungkot na saad ko.

"Gusto mo bang pumunta nang park?"tanong niya sa akin. At umiling lang ako bilang sagot. "Anong gusto mong gawin?"tanong niya ulit. At kagaya nang na una ay umiling lang rin ako.

"Dito nalang muna tayo." Sabi ko.

"Okay! At ikwento mo sa akin kung ano ang nangyari bakit ganiyan ka kalungkot."sabi niya at sumandal sa upuan.

At kagaya nang gusto niya ay kwenento ko nga sa kaniya ang nangyari, at nakinig lang siya sa mga sinasabi ko.

At dahil sa dami nang sinabi ko sa kaniya, kahit kaunti lang naman ang nangyari ay hindi ko namalayang hapon na pala. Kaya hinatid niya na ako sa bahay namin.

"Alam mo, 'wag ka nang magtampo sa papa mo. Malay mo baka may surprise pala sayo 'yun, diba?"sabi ni jude na nag pa liwanag sa mukha ko.

'Oo nga no? Bakit di ko 'yun naisip'

"Tama ka diyan!"sabi  ko at niyakap siya. Ngumiti lang siya sa akin at niyakap ako pabalik.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang bahay.

"Pasok ka muna!"sabi ko sa kaniya.

"Hindi na, uuwi na rin ako."nakangiting sabi niya sa akin. Hindi ko nalang siya pinilit pa at nagpaalam na sa kaniya.

Pumasok na ako sa loob at agad na umakyat sa kwarto ko. Aktong bubuksan ko na Ang pinto nang may marinig akong parang nabasag sa loob nang kwarto nila papa.

Lumapit ako dun at kakatom na sana nang sumigaw si mama.

"Walang hiya ka! Kailan mo balak sabihin sa amin na mayroon ka palang anak sa iba!?"sigaw niya na nagpahinto sa akin. "At kailan mo pa kami niloloko nang anak mo!?" Dagdag niya pa.

"Hindi ko kayo niloloko!"sagot naman ni papa

"Anong hindi!? Paano mo ipapaliwanag sa akin 'yung batang tumawag sayong 'Daddy'!? Paano mo ipapaliwanag sa akin ang mga larawang 'yan!? Paano!?"dahan dahan akong lumayo sa pinto.

Past or PresentWhere stories live. Discover now