Simula

0 0 0
                                    

Kyla Thea Dela Macabebe

Kalilinis ko Lang meron na naman. "Letche!" Napasigaw ako, tsaka nilinis uli ang mga kalat. Itong mga batang to!! Jusko! Bakit kase ang hirap namin? Sana naman may maid. choss !  Kahit mahirap kami diko sinisisi mga magulang ko.  "Kyla, ano va merong mga bata!."  Ekase namn tsk!

"Kyla!, ipagtimpla mo Ng gatas si Kylie umiiyak na naman." Sigaw ni papa mula sa silong.

Napakamot ako sa ulo at pumunta sa maliit naming kusina. Hinanap ko ang garapon, nabato ko ito! Wala na namang laman! Pumunta ako sa silong, dito nako dumaan sa kusina. Naabutan ko si Tatay na karga karga ang manok niya. 
"Tay, wala nang gatas." Saad ko nang makalapit ako sa kanya.

Hinaplos muna niya ang manok."mangutang ka muna kila Aling Sinda doon, wala pa akung pera, napambayad na sa ospital."

Napabuntong hininga ako. Naospital kase si mama dahil nagkasakit ito sa baga. "Tay, di nako pauutangin non ."  noong nangutang kase ako pinahabol pa ako ng aso nila. Isang araw din ako sa puno non.

"Sige na mangutang kana don." Saad niya.

"Tay nam—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sinamaan niya ako ng tingin. "Sige po"  pagkatapos non umalis na agad ako sa bahay. Pagsinamaan na ako ng tingin ni tatay, alam kona kung ano ang mangyayari. Magiging machine gun na ang bunganga non.

"Tao po! " sigaw ko sa labas ng tindahan nina aling Sinda.
Lumabas ang matanda sa kanilang bahay. Nakita niya ako at namiwang. "Ano'ng kailangan mo  Kyla? " Aba! Aba! Ang matandang to ang taray ang baho pa naman ng hininga.

"Pautang ng gatas po." Mataray ding sagot ko.

Kumunot ang noo ni aling Sinda at tiningnan ako ng masama. "Abah! Kyla ang taas-taas na nang utang niyo nakuha mo pa akung tarayan! Ang kapal rin naman ng mu—" Sumenyas ako na 'stop' tumahimik naman siya.

"Aling Sinda, bumabata ka po ahh,sume-sexy pa, tsaka gumanda kapo lalo." Pambubula ko na titig na titig sa kanya. Gusto ko nang masuka !! Leche!

Namula ang matandang babae. Hala siya beh ! Nag-ba-blush! "Wehh? Totoo ? Ba Kyla ? Baka binubola mo naman ako ehh."  Inipit niya ang ilang hibla ng buhok sa tenga niya. Ewww!

Napalakpak ako! "Nako! Aling Sinda, hindi kita binubola! Kilala mo naman ako diba!"

Ngumiti siya sakin ng matamis-tamis. Napangiwi ako ng makita ang ngipin niya na nangingitim. "Ano ba uutangin mo Kyla? "

Napa-yes nalang ako sa isip ko. "Gatas po."

Naglalakad ako pauwi samin. May mga tambay, na feeling gangster mukha namang albularyo hahahaha.  Sinundan ako nung mahaba ang baba at parang lilipad na kapag hinangin, beh! Hindi ako nanglalait nagsasabe lang ako ng totoo okay ?

Timigil ako sa paglalakad at tumingin ako sa likod . " Ano ba kailangan mo? " tanong ko sa kanya, kilala ko to ehh ito ung anak ni Aling Sinda. Siya si Berto  yung pinahabol ko nang aso namin  nung pumunta sa bahay, Ewww yucks!!

Halata sa mata niya ang kaba. "Ahhh..... Kyla... Ano kase?... Ano pwede na ba manligaw...? "  kapal mo!

Peke akung ngumiti. "Pwede naman..... Sa iba nga lang ." saad ko tsaka nag flip hair, at nagpatuloy sa paglalakad. Oh diba ? Taray ng ate niyo hahah.

                                                                                         

Pagdating ko sa bahay agad akung pumunta sa kusina. Wala dito ang mga kapatid ko dahil nag-aaral, hanggang highschool  lang ako yun lang kase  nakaya nina papa. Kapos kami sa pera ang dami rin'g utang, may sakit din si Inay kaya ito di parin umaasenso. Pero kahit mahirap lang kami, kontento kami,kahit kapos kami sa pera, puno naman kami ng pagmamahal.

Maid of BillionaireWhere stories live. Discover now