the memories last

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hey." I called out sweetly nang makalapit kami ni Jelo. Nanatili naman siyang tahimik sa tabi ko habang pinapakiramdaman lang ano ang gagawin ng mga tao sa harap namin. There are two boys and two girls, lahat sila mukhang teenager pa at nakakalat pa sa buhanginan 'yung mga bagay na parang hindi naman sakanila base sa ayos at tatak.

"Ah, hello." Mahinhin na saad ng batang babae, nanatili namang tahimik ang tatlo habang nakatingin sa'kin.

"Ilang taon na kayo?" Tanong ko pa para makasiguro. Naramdaman kong bahagya pang napakamot ng ulo si Jelo dahil sa ginagawa ko.

"Ah! Twelve po ako, si Ate Denise fourteen tapos silang dalawa ni Kuya Yvolai at Kuya Mason ay eighteen po tsaka nineteen." Sagot ulit na bata, sinaway pa siya ng kuya niya raw dahil sa kadaldalan niya.

"May nakakita ba sa inyo ng nanuntok na teenager dito kanina?" Dagdag ko, inobserbahan ko kung saan unang mapapatingin ang batang babae at lumapat naman ang mata niya sa kuya niyang labing-siyam na taong gulang kaya't mabilis ko siyang tinapik sa balikat.

"Ikaw ba 'yung nanuntok?" Mahinahon kong tanong pero sa gulat ko ay malakas niya akong tinulak at akmang tatayo para tumakbo pero mas mabilis ako. Jelo caught me when that man pushed me away pero hindi ko 'yun pinansin at mabilis na hinabol din 'yung lalaki.

Hindi man obvious pero magaling ako tumakbo kaya't sa oras na naabutan ko siya ay hindi na ko nagdalawang-isip na hilahin ang buhok niya bago malakas na sinuntok ang mukha niya. Sinigurado kong putok na putok ang labi niya ro'n.

"Puta!" Galit niyang sigaw at akmang susuntukin pa ako pero mabilis ko na siyang sinipa sa gitna ng hita niya.

Doon ay pinanood ko kung paano siya napaluhod habang napapasigaw, halos mangiyak-ngiyak siya at sa ganoong postura rin kami naabutan ng mga kasama niyang bata, ni Jelo, at ng mga bodyguard.

"Sa susunod, huwag na kayong magnanakaw. Ako pa talaga napili niyong nakawan tapos dinaplisan niyo pa driver ko." Gigil kong saad bago tumalikod at hinayaang ang nga guard na ang umasikaso sakanila. Hindi na nila pinansin kung paano ko sinugod ang gago kasi alam daw nila kung gaano na ako kagigil mula pa kanina.

"Hirap na hirap na kami sa'yo, ijo. Kailangan mo na talagang umalis dito." Napapailing na sabi ng matandang guard.

Hindi na rin nakaalma ang mga bata at ang isang binata na kasama ng gagong 'yun. Takot lang silang nakatingin sa'kin hindi kagaya ng kuya-kuyahan nilang hindi kailanman ay napigtas ang matalin na tingin sa'kin kahit na nilalayo na siya ng mga guard.

"Don't steal." Sabi ko habang nakatalikod sa batang kasama ng gagong 'yun. Hindi ko na rin hinintay pa ano ang mga sasabihin nila at mabilis nang lumisan do'n.

Magsasaya kami dapat dito kaya 'yun ang mangyayari pero hindi ko man lang naisipang may ganitong uri ng gulo na dadaan sa'kin.

Worst is they touched Gazer. Pinadapo pa nila kamao nila sa driver ko at mas lalo akong nairita habang naiisip kung gaano kaliwanag ang ngiti niya kahit na may daplis siya sa labi kanina. Proud siyang nakuha niya cellphone ko kahit kapalit nu'n na masira mukha niya.

"Ang galing niyo po, Ma'am. Napabagsak niyo siya?" Manghang tanong ni Jelo habang pabalik kami sa cabin pero tinawanan ko lang siya.

"Not really. I used a foul move but I guess, he deserves it anyway." Kibit-balikat ko at habang patungo naman kami pabalik sa pwesto namin ay naulinigan na agad kami ng mga kasama namin.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon