Chapter Fifteen

96.9K 3.3K 2.3K
                                    

Napangisi ako sa sinabi n'ya. Nanatili akong kalmado habang nakatitig sa kan'ya, hindi ko ipinahalata na nanggigigil ako sa inis sa kan'ya ngayon.

I crossed my arms as my eyebrow arched. "Ano naman ang pakialam ko kay Ashia at sa iniisip mo tungkol sa'kin?" Lumapit ako sa kan'ya saka nakipagtagisan ng tingin sa kan'ya.

Naningkit ang mga mata n'ya. Napangisi na lang ako dahil nagustuhan ko ang naging reaksyon n'ya. Kung painitan lang din naman ng dugo ang labanan namin ngayon, pakukuluin ko nang maigi ang dugo n'ya hanggang sa sumabog siya.

"Walang wala ako sa kalingkingan ni Ashia?" Umangat ang kilay ko. "Wala akong pakialam, Vianne. Hindi ko kinikumpara ang sarili ko sa kahit kanino. Hindi ko gawain 'yon, e. Baka ikaw gano'n ka, masyado ka bang insecure?"

Napangisi siya, pero nararamdaman kong ngumingitngit ang mga ngipin n'ya ngayon... Dapat lang. Dapat malaman n'ya na mali siya ng kinakalaban.

"Don't tell me I didn't warn you, Ms. Villamor," sabi nito saka isinukbit ang bag n'ya.

"Thanks for the warning, Vianne... but don't do it again... Hindi ko naman kailangan," sabi ko na lang saka umupo sa couch. I crossed my legs and smirked at her. "H'wag mo akong pagsasabihan ng kung ano ano... Hindi mo naman ako kilala."

"I know a lot about you. Alam ko kung anong klaseng babae ka. Si Ashia lang ang nakilala kong karapat dapat para kay Sir Dravis," sabi nito, nakikipagtagisan pa rin ng tingin sa akin.

"Bakit ka ba paladesisyon? Si Dravis lang ang nakakaalam kung sino ang babaeng karapat dapat para sa kan'ya, h'wag mo siyang pangunahan... Saka sino ka ba? Diba secretary ka lang n'ya? Ano'ng pinuputak mo diyan?" tanong ko saka tinaasan siya ng kilay.

"I've been working for him for years... Marami akong alam na hindi mo alam. Alam ko kung ano ang mas makabubuti sa kan'ya, at hindi ikaw 'yon."

"Kahit pa one thousand years ka nang nagtatrabaho sa kan'ya, wala ka pa ring karapatan magdikta sa personal life ni Dravis... Bakit?" Napangisi ako. "Kasi nga, secretary ka lang n'ya... Hindi nanay, hindi kapatid, hindi kaibigan o girlfriend... Secretary," sabi ko pa, pinagdiinan kung saan siya dapat lumugar.

Hindi ko minamaliit ang trabaho n'ya. Naging secretary din ako noon, pero hindi ko pinakialaman ang personal na buhay ng amo ko. Kahit pa naging magkaibigan din naman kami ng amo ko na si Sir Xanthos, hindi ako naging pakialamera gaya ng Vianne na 'to.

Hindi na nagsalita pa si Vianne, pero namula ang mukha nito sa inis na ikinatuwa ko. Tinalikuran na lang ako nito saka agad na umalis. Napangisi na lang ako dahil padabog na sinara nito ang pinto.

"Wala ka pala, e," bulong ko na lang saka napaismid.

Tumingin ako kay Dravy na nakalabas ang dila habang nakatitig sa'kin. Napahagikhik ako at yumakap sa kan'ya at hinalik-halikan ang ulo n'ya. Tumahol naman si Dravy saka dinilaan ang kamay ko.

"Ang galing ba ni Mommy? Bad bitch ba?" tanong ko kay Dravy.

Tumahol naman si Dravy, tila sinasabi na 'good job, Mommy!'

"Siyempre naman, baby. Ako lang 'to. Kapag may umaway rin sa'yo, nako. Makikipagsagupaan ako," sabi ko na lang saka muling yumakap sa kan'ya.

"Audrina!"

Natigilan ako at napatingin kay Dravis na papalapit sa'kin, galing siya sa kusina. Mukhang wala man lang siyang kamalay-malay na nagkasagutan na kami ng secretary n'ya.

Umupo siya sa tabi ko saka ipinakita sa'kin ang pasta na niluto n'ya. Para siyang excited na bata na magpapakita ng grades sa Mama n'ya. Napangisi na lang ako sa mga naiisip ko.

Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)Where stories live. Discover now