Chapter Fourteen

95.8K 3.4K 2.4K
                                    

"Dravis, kalma 'tol," natatawang sabi na lang ni Cad saka tinapik ang balikat ni Dravis.

"Uhm, hindi ba masarap ang food?" tanong ni Angel kay Dravis saka napataas ang kilay.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatitig kay Dravis, nasa kan'ya ang atensyon ng lahat ngayon. Natigilan lang siya nang mapagtanto ang ginawa. Napatikhim siya at napaiwas ng tingin, namumula na ang mukha.

Napatakip ako sa bibig ko para magpigil ng tawa... Siguradong hiyang hiya siya ngayon.

"Dravis, may problema ba?" tanong ni Ashteroh kay Dravis.

Mas lalong hindi nakasagot si Dravis. Siguradong hindi siya sanay na napagkakaguluhan nang ganito, mukha siyang nahihiya at pressured. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko dahil naaawa naman ako sa kan'ya.

"Guys, medyo masakit 'yung tiyan ko," biglang sabi ko saka napatayo. Lumipat sa akin ang tingin nilang lahat.

"Okay ka lang beh?" nag-aalalang tanong ni Ayen sa'kin.

"Punta lang ako sa CR saglit..." sabi ko na lang saka kinuha ang cellphone ko.

Agad akong nagtungo sa kusina nina Angel. Tiningnan ko pa ang paligid kung may CCTV, buti naman wala. Kinuha ko ang phone ko at ite-text sana si Dravis pero natigilan ako nang makita siya na papalapit sa akin ngayon. Napasinghap ako at agad na nilapitan siya.

"Huy, bakit ka sumunod sa'kin? Baka makahalata sila," sabi ko na lang.

"Dinahilan ko 'to," sabi n'ya saka ipinakita ang kamay na may sugat.

Agad na umakyat ang pag-aalala sa dibdib ko. "Hala ka, iyan tuloy nasugatan ka." Hinawakan ko ang kamay n'yang may sugat.

Agad ko siyang hinila papuntang sink at hinugasan 'yon. Nagpahila na lang siya sa'kin at hinayaan ako. Napailing ako at tumingin nang masama sa kan'ya, tila sinesermunan siya. Napaiwas naman siya ng tingin sa'kin, namumula ang tainga.

"Bakit mo naman kasi binasag 'yung baso, ha, Dravis?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"S-Sorry," bulong n'ya.

Napailing na lang ako at kumuha ng panyo mula sa sling bag ko at inilapat 'yon sa palad n'ya. Tahimik na pinapanood n'ya lang ako.

"Hindi naman masakit. Sanay na 'ko masugatan at—"

Hindi n'ya naituloy ang sasabihin dahil tiningnan ko siya nang masama. "Wala akong pake. Naiinis ako sa'yo. Hinayaan mong masugatan ka," tila nanenermong sabi ko saka hinipan pa ang sugat n'ya.

Natigilan lang ako nang mapansing natagalan na kami rito. Tumingin ako kay Dravis saka pinaningkitan siya ng mga mata. "Mauna kang lumabas. Tapos umuwi ka na, idahilan mo na masakit 'yang sugat mo. Susunod na rin ako agad sa'yo. Hintayin mo na lang ako sa labas... Malayo-layo nang kaunti ha, baka masagap ka ng CCTV," sabi ko na lang.

Dalawang CCTV ang tinutukoy ko. 'Yong isa ay CCTV sa mansyon nina Angel, 'yung isang CCTV naman ay si Cadence Lettiere.

Tumango si Dravis at sinunod ang utos ko. Naghintay muna ako ng ilang saglit bago ako naman ang lumabas. Nagpaalam na ako kina Angel at dinahilan na masakit ang tiyan ko.

Lumabas na ako at naglakad lakad, hinanap ng mga mata ko ang kotse ni Dravis. Nakita ko naman agad 'yon, agad akong nagtungo ro'n at sumakay sa kotse n'ya. Natigilan ako nang mapansing may sugat nga pala siya sa kamay.

"Labas. Ako ang magd-drive," sabi ko na lang saka sinenyasan siya na lumabas.

"I can drive though," bulong n'ya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "H'wag ka nang puro reklamo, sundin mo na lang ako! Okay?"

Tumango na lang si Dravis at sumunod sa akin. Nagpalit na kami ng pwesto. Kinuha ko pa ang susi mula sa kan'ya, wala naman siyang nagawa kundi ibigay 'yon sa'kin.

Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)Onde histórias criam vida. Descubra agora