Chapter Nine

111K 3.4K 1.5K
                                    

Ang bango ng katabi ko. Napangiti na lang ako at mas nagsumiksik sa kan'ya. Ang sarap naman matulog.

Natigilan ako nang maramdaman na iniyakap nito ang matigas na braso sa katawan ko. Marahan kong idinilat ang mga mata ko... Gwapong mukha ni Dravis ang bumungad sa akin. Mahimbing na natutulog ito, mukhang inosenteng baby.

"Tanginang mukha 'yan... Ang gwapo," bulong ko na lang.

Napangiwi ako nang maramdaman ang pananakit ng mga hita ko. Hindi ba uso ang mapagod dito kay Dravis?

Napatitig na lang ulit ako sa mukha n'ya. Wala pa ako sa mood bumangon. Naaaliw rin naman akong panoorin ang natutulog n'yang mukha. Humawak na lang ako sa pisngi n'ya at marahang hinaplos 'yon, ang kinis no'n. Mas makinis pa yata ang balat n'ya kaysa sa'kin.

Humawak ako sa kilay n'ya, napangisi na lang ako. Bumaba ang kamay ko sa pilikmata n'ya, pinaglaruan ko pa 'yon gamit ang daliri ko. Nagpigil pa ako ng tawa nang makitang bahagyang napakunot ang noo n'ya. Cute naman ng baby na 'to.

Bumaba ang kamay ko sa labi n'ya. Ang ganda ng labi n'ya, ang cute din humalik. Napangisi na lang ako saka napakagat sa ibabang labi ko, pilit kong pinigilan ang sarili na halikan siya.

Natigilan lang ako nang marahan n'yang idinilat ang mga mata. Hindi ko alam pero bumilis ang pulso ko nang mapatingin nang diretso sa kulay abo nitong mga mata. He really has a beautiful set of eyes. Palagi pa rin akong napapamangha sa tuwing mapapatingin sa mga mata n'yang 'yon.

Ngumiti siya sa akin saka mas lalong yumakap sa baywang ko. "Good morning, Audrina."

"Good morning, ang higpit ng yakap mo," sabi ko na lang saka napakunot ang noo.

Natigilan siya, bahagyang niluwagan ang pagkakayakap sa akin. "I'm sorry," bulong n'ya.

Napaismid na lang ako saka humawak sa abs n'ya. Pampa-energize lang.

"A-Audrina?" tanong n'ya nang bigla kong hawakan ang abs n'ya.

"Bawal ba?" tanong ko na lang.

Bahagyang namula ang mukha n'ya. "O-Okay lang."

Napangisi ako saka itinuro ang boobs ko. "Pwede mo rin hawakan ang boobs ko in return. Ano? Bet mo?"

Mas lalong namula ang mukha n'ya. "O-Okay," bulong n'ya saka humawak sa dibdib ko.

Napahagalpak ako ng tawa dahil ang awkward ng pagkakahawak n'ya ro'n. Nagtatakang tumingin naman sa'kin si Dravis, tila nagtataka siya kung bakit ako tumatawa.

"W-Why?" tila bothered na tanong n'ya.

"Wala naman," sabi ko na lang saka kinurot nang malakas ang pisngi n'ya. Agad na namula 'yon.

Tangina. Lagi na lang ako nanggigigil sa kan'ya. Normal pa ba 'to?

"Audrina, let's take a bath together."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Weh? Ligo lang?"

Namula na naman ang mukha n'ya. "Y-Yes, I'm worried about Dravy. Baka nagugutom na siya."

Oo nga pala. Muntik na rin mawala sa isip ko si Dravy.

Bumangon na lang kami para maligo. Natatawa pa ako nang nasa banyo na kami dahil ang awkward talaga ni Dravis. Nahihiya pa rin siya kahit na halos hindi n'ya ako tinigilan kagabi... I didn't expect someone like him can be hot and cute at the same time.

"D-Do you want me to wash you back, Audrina?" tanong n'ya nang mapansing nahihirapan ako sabunan ang likod ko.

I looked at him and smiled. Natigilan pa si Dravis at napatitig sa akin. Napakunot naman ang noo ko at nagtatakang napatingin sa kan'ya. "Bakit?" tanong ko.

Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)Where stories live. Discover now