One

0 0 0
                                    

"Eat."

I was busy reading a book when a paper bag with a fast food chain logo was placed on top of my book.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at inirapan siya.

Ang kapal! Anong akala niya sa 'kin, nadadala sa pagkain?

"You have not eaten yet. Tita said." Aniya.

Hindi ako nagsalita at inalis ang supot na nakapatong sa librong binabasa ko.

"Stop acting like a child, Ai." Aniya.

Ako? Isip bata?

"I'm leaving. Eat your lunch."

Narinig ko ang yabag niya papalayo. Tiningnan ko siya, at ang loko hindi man lang talaga lumingon.

'Wag na siyang magpapakita sa 'kin!

Bumalik ang tingin ko sa supot ng pagkain. Hindi ako gutom!

Perfect! Kasabay no'n ang pagkalam ng tiyan ko! Kainis!

Kinuha ko 'yung bag para tingnan kung anong laman pero puro heavy food ang laman! Wala man lang french fries!

"Oy! Sa'n galing 'yan?"

Umupo si Peter sa tabi ko at sinilip din 'yung bag.

"Penge ako." Aniya.

"Akin 'to!" Ani ko.

Inirapan niya 'ko bago umayos ng upo.

"Ang damot mo! Wala ka na ngang ibang ginawa kundi kumain tapos madamot ka pa." Aniya.

Inirapan ko lang siya at nagbasa ulit.

"Umuupo ka pa dito, alam mo bang 'yung mga seryoso lang mag-aral ang umuupo dito. You're not studying, nagbabasa ka lang naman ng romance." Aniya.

"Alam mo ang dami mong reklamo!"

"Hoy! Kung ayaw niyong mag-aral, 'wag kayo mag-ingay!"

Napatingin ako sa paligid at halos lahat ng estudyante nakatingin sa 'min ng masama.

Nag-peace sign si Peter sa kanila bago ako siniko.

"Let's go somewhere else, nakakahiya." Aniya bago tumakbo papalayo.

Ngumiti pa ko sa mga taong nando'n bago kinuha lahat ng gamit ko at hinabol si Peter.

"Ang ingay mo kasi!" Hinampas ko ang balikat ni Peter.

"Mas maingay ka!"

I'm hungry.

Hindi ako nag-lunch, hindi rin ako nag-breakfast.

"Kanina ko pa naririnig tiyan mo. Kainin na natin 'yan, balak mo bang mang-inggit?"

Inirapan ko siya. Glutton!

Inabot ko sa kan'ya 'yung supot. Kita ko ang pagtataka sa mga mata niya.

"Bakit ako ang magbibitbit?"

"That's yours na." Sagot ko.

"Bakit? Gutom ka 'di ba?"

Umiling ako at iniwan siya do'n.

Mas importante ang pride ko kaysa sa tiyan ko!

Narinig ko pang tinatawag ako ni Peter pero hindi ko na siya nilingon. Ang ingay niya, hindi niya ba alam na pinagtitinginan kami ng mga tao?

Naglalakad ako pabalik sa classroom nang madaanan ko ang STEM building and there he goes, kausap na naman niya si Mia!

Sa tapat pa talaga? Ang dami kayang nakakakita sa kanila.

Oh My My MyWhere stories live. Discover now