Chapter 17

58 0 0
                                    

(JIMIN POV)

Nagluluto ako ng almusal ngayon ni Yoongi at matatapos na din naman ako.

Hinain ko na yung mga niluto ko sa lamesa at sakto naman na dumating si Yoongi. Yung mga tingin nya sakin na parang pinapatay nya na ako sa isip nya. Umalis na ako at pumunta na ako sa gilid para hintayin syang matapos kumain. Dalawang linggo na palaging maiinit yung ulo nya sakin at nalaman ko na yung dahilan.

Sya at si Yherin, sinisisi nya ko kung bakit hindi sila magkasama ngayon at sobrang sakit para sakin nun dahil mas inaalala nya yung buhay nya kasama ang mahal nya at ako walang syang paki-alam kung ano man ang mangyari sakin.

Gusto kong sumaya si Yoongi at kung ang dahilan naman ng pagsaya nya ay ikakasakit ko okay lang, gusto ko nang iparaya si Yoongi pero naalala ko kapag nalaman nya na may ibang mahal na si Yherin masasaktan sya at sino naman yung tutulong sa kanya kapag iniwan ko sya? Alam kong pababayaan nya yung sarili nya kapag nalaman nya yun.

Nagkita kami ni Yherin nung nakaraang araw pero hindi ko sinabi kay Yoongi ayaw din kasi ni Yherin.

Sinabi nya sakin na sasabihin nya na kay Yoongi na may boyfriend sya pero naghahanap palang sya ng paraan paano sasabihin.

Sa mga araw na dumadaan parang nakakaramdam na ako ng pagod pero ayaw ng puso ko na sumuko, naglalaban yung puso't isip ko pero wala akong sinusunod ni isa sakanila.

Naalala ko kasi sabi ni mama at papa ko para maging maganda ang kakalabasan kapag nagdedisyon ako kailangan parehas ang sinasabi ng puso at ng isip at tama naman sila dun dahil ilang beses ko ng ginawa yun at ngayon kailangan ko gawin ulit. Hinihintay ko nalang magtama ng desisyon ang puso't isip ko bago ako magdesisyon at gumawa ng hakbang.

Natapos na syang kumain at umakyat ulit sya taas, monday ngayon kaya may pasok sya.

I miss Yoonie~...

Gusto ko ulit makita si Yoonha pero syempre kailangan muna malaman yun ni Yoongi.

"JIMIN!!"

Napatalon ako dahil sa lakas ng sigaw na yun. Nagmadali akong pumunta sa sala at nakita ko si Yoongi na pababa at galit na galit.

"ANONG GINAWA MO DITO!!"

Lumapit sya sakin at bigla nya akong sinampal.

"THIS IS MY FAVORITE SHIRT!!!NOW YOU RUINED IT!!!"

Binato nya muka ko yung shirt at hinatak ako sa buhok. Masakit!!! Pero hindi ako makalaban.

"ALAM MO BA KUNG GAANO KAMAHAL YAN!!! KAHIT KAILAN HINDI MO MABABAYARAN YAN ISA KALANG NAMAN BASURA AT PALAMUNING BABAE!!!"

Sinampal nya ulit ako at tinulak, napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sobrang sakit.

Nagpla-plantsa kasi ako ng mga damit nya at bigla akong hindi nakahinga ng maayos kaya nagmadali akong kunin yung inhaler ko tapos nakalimutan ko pala na nakapatong parin yung plantsa sa t-shirt nya kaya nasunog.

Tinignan ko sya at galit na galit pa rin sya.

"You know what just leave!! Aishh!!"

Hindi ako umalis at nainis sya at sya nalang ang umalis.

Masakit!

Pero ito ako naka-upo lang walang ginawa kundi tanggapin lahat.

Bakit kaya kong tanggapin lahat ng pananakit nya pero yung salitang hindi nya ako mahal hindi ko matanggap.

IT HURTS TO LOVE YOU (Yoonmin FF)Where stories live. Discover now