Chapter 01

115 3 1
                                    

(JIMIN POV)

Ako si Park Jimin na ngayon ay Min Jimin na, 22 years old. Nandito ako ngayon sa kusina nagluluto dahil pababa na si Yoongi, sya ang asawa ko kasal kami mga maga-apat na taon na din. Kung iniisip nyo na mahal namin ang isa't isa kaya tumagal kami dyan kayo nagkakamali. Ikinasal kami dahil nagka-utang ng malaking mahalaga ang mama ko kila Yoongi. Napakayaman nila at sila ang nangungunang kompanya dito sa Korea. Nagkasakit kasi ang papa ko sa puso at hindi nagtagal ay pumanaw na din sya at sobrang sakit sakin nun. Dahil si papa ay nagtra-trabaho dati sa mga Pamilya ni Yoongi kaya tinulungan nila ito. Mabait sakin ang Mama nya at ang Ate nya sakin pero ang Papa nya hindi, minamaliit nya ako. Kapag nagkikita kami ng pamilya nila kapag ako lang ang kausap nya kung ano ano ang sinasabi sakin pero binabalewala ko lang yun dahil alam ko na ayaw nya sakin. Nadinig ko na ang mga yapak nya at alam kong papunta na sya dito kaya binilisan ko na ang paghahain, nakapag timpla na din ako ng kape nya kaya kumpleto na sa lamesa.

Nang makapasok sya sa kusina, pumunta ako sa gilid. Oo kung iniisip nyo na hindi kami nagsasabay tama kayo, sa ilang taon naming pagsasama sa bahay hindi kami nagsasabay kumain, dahil ayaw na ayaw nya sakin. Masakit sakin dahil hindi nya ako tanggap bilang asawa at sinasabihan nya ako ng masasakit na salita.

Nakita ko na nagsisimula na syang kumain, hindi ko nga alam kung nasasarapan ba sya sa luto ko dahil wala naman syang sinasabi sakin. Hindi naman nagtagal natapos na syang kumain at aalis na sya, dala na din yung kape nyang hindi nya pa nauubos. Lumabas ako at nagulat ako dahil nasa harap ko sya, lumapit ito sakin at ilang dangkal nalang ang layo ng mukha nya sa mukha ko.

"Kumain kana"

Pagkasabi nya nun ay umalis na sya, bigla kong naramdaman na uminit ang pisngi ko pero agad ko din itong pinigilan. Kumuha muna ako ng plato ko at umupo na ako tsaka nagsimulang kumain.

Nadinig ko ang mga hakbang na para bang nagmamadali lumabas ako ng kusina at nakita ko na nakabihis na si Yoongi na pang opisina at nagmamadali itong lumabas. Kinuha ko agad yung lunch box nya at iaabot ko sana pero umalis na sya bago ko pa sya matawag.

Niligpit ko nalang yung pinagkainan at naghugas. Nayari ako sa paghuhugas at nagsimulang maglinis ng bahay.

Hindi ako nakakalabas ng bahay dahil utos ito ni Yoongi. Lumalabas lang ako kapag mamimili ng mga groceries at kung ano man ang ipabibili nya. Hindi ko nilalabag ang utos nya dahil baka palayasin nya ako, sya lang ang pag-asa ko dahil simula nung ikinasal kami ni Yoongi hindi ko nakita si mama ang pagkakaalam ko ay nagtratrabaho pa rin si mama dun kay Mrs. Min. Isang kasambahay si mama doon at si papa naman ay dating hardinero dun.

Wala akong kahit anong kaibigan kaya tiniis kong makasama si Yoongi kahit hindi nya ako tanggap. Hindi lang yan ang dahilan kaya ko sya tinitiis kundi dahil mahal ko din sya, mahal na mahal. Alam kong napakatanga ko na sa puntong yun, pero hindi ko din masisi ang sarili ko dahil ito ang nararamdaman ko at alam ko na hindi ito mapipigilan.

May mas malaki pang dahilan kung bakit ayaw na ayaw sakin ni Yoongi yun ay may girlfriend sya dati at naghiwalay sila dahil nabalitaan nya ikakasal si Yoongi sakin ang pagkakaalam ko ay mahigit dalawang taon na sila magkasintahan kung hindi siguro kinasal si Yoongi sakin ay malamang kasal na ito ngayon sa girlfriend nya. Sigurado akong napakaperpektong babae nun dahil mahal na mahal sya ni Yoongi at alam kong hinding hindi ko ito mahihigitan, nihindi nga ako nakapag-aral ng kolehiyo at high school lang ang natapos ko.

Natapos na akong maglinis at nakita ko na mananaghalian na, naalala ko nga pala na naiwan ni Yoongi ang lunch box nya gusto ko sanang dalin ito sakanya pero hindi ko naman alam kung saan ang kompanya nila dahil hindi naman nya ako dinadala dun. Hindi ko pa nababangit ay sya na ang CEO ng kompanya nila.

Nagluto na ako ng tanghalian ko at habang nagluluto ako inaalala ko si Yoongi baka kasi hindi pa sya kumakain. Natapos na ako magluto at kumain na ako. Kahit nagaalala ako kay Yoongi at gusto ko sya dalan ng tanghalian hindi ko magagawa dahil sa dalawang dahilan. Una hindi ko alam kung saan ang kompanya nila at pag umalis ako magagalit si Yoongi. Wala din akong telepono para matawagan sya.

Para maibsan ang pagaalala ko kay Yoongi, kumuha nalang ako ng libro sa bookshelf nya alam kong magagalit sya kapag nalaman nya'to kaya kailangan kong mag-ingat. Tungkol sa business ang mga libro nya dahil ang pagiging business woman talaga ang pangarap ko. Gusto ko na magtrabaho o tumulong sa kompanya ni Yoongi pero nahihiya ako at alam nilang wala akong pinag-aralan dahil hindi ako nakapag tapos,oo hindi ako nakapagtapos pero may alam naman ako tungkol sa business dahil sa kakabasa ko ng nga libro dito.

Isang shelf na ng libro ang nababasa ko dalawa kasi shelf ni Yoongi at marami akong natutunan. Nakakatuwa dahil parang nag-aaral din ako dahil isinusulat ko ang mahahalagang detalye sa mga nababasa ko. Hindi ko ito ipapaalam kay Yoongi dahil baka pagbawalan nya ako ayaw ko naman ng ganun dahil baka ito ang daan para may mapatunayan din ako sakanila.

Linis ng bahay,luto panonood ng tv at pagbabasa lang ang ginagawa ko dito sa bahay, hindi naman ako naiinip dahil sanay naman na ako.

Tinignan ko ang oras at pauwi na si Yoongi, itnigil ko na ang pagbabasa at pagsusat ko dahil baka maabutan pa nya ako itinupi ko ng konti ang pahina ng libro kung saan ako huminto at ibinalik ko ito sa bookshelf.

Dumiretso ako sa kusina at nagluto na ako. Sakto naman na tapos na ako magluto ay may nadinig akong busina sa labas kaya dali dali akong lumabas at pinagbuksan sya ng gate, isinara ko na yung gate at sinundan si Yoongi na pumasok sa loob, kinuha ko yung coat at briefcase nya tsaka nilagay ito sa tamang lagayan. Sinundan ko sya sa kusina dahil may itatanong ako, kaba ang nararamdaman ko pero binalewala ko muna yun para mawala ang pag-aalala ko.

"Y-Yoongi, ku-kumain ka ba ng pa-pananghalian nakalimutan mo kasi yung lunch box mo ka-kanina"

Hayss hindi ko mapigilan mautal utal.

"Oo kumian ako at sa susunod dapat bilis bilisan mo naman ang pagbibigay ng tanghalian ko, hindi masarap ang luto don sa cafeteria"

"Pa-pasensya na"

Kahit anong gawin ko kinakabahan talaga akong kausap sya. Dahil kumakain pa sya inayos ko muna yung lababo na pinaglutuan ko, nadinig ko na umalis na si Yoongi kaya kinuha ko na yung pinagkainan nya at hinugasan ito. Nagtimpla lang ako ng gatas at kumain ng prutas, hindi naman ako nagda-diet dahil payat naman ako pero bilang babae inaayos ko parin yung sarili ko. Natapos ko ng ubusin yung iniinom ko at kinakain ko tsaka ko hinugasan yung mga pinagkainan ko.

Umakyat na ako sa taas at nakita ko na nagta-trabaho pa si Yoongi. Gusto ko syang pagbawalan pero wala ako sa posisyon para gawin yun at magagalit lang din sya sakin.

Naglatag na ako sa sahig, sa sahig ako natutulog at sya sa kama sanay naman ako dahil sa sahig lang naman kami natutulog dati. Kinuha ko yung sapin at unan ko sa cabinet at inilatag ito ng maayos tsaka ako humiga.

"Good night Yoongi"

Sinabi ko yun at natulog na.

IT HURTS TO LOVE YOU (Yoonmin FF)Where stories live. Discover now