Chapter 15 (Don't Look Back)

Start from the beginning
                                    

Kung ganoon ay alam nitong nandoon siya kanina.

"Hunt—"

"Are you afraid of me?" Putol nito sa sasabihin niya.

Muli ay napatitig siya sa mga mata nito. Natatakot ba siya? Hindi. Hindi siya natatakot para sa sarili. Natatakot siya para kay Hunter. Ayaw niyang makitang nagkakaganito ito.

Walang imik na humakbang siya patungo sa bedside table at may kinuhang matulis na bagay mula roon.

Kaagad niyang hiniwa ang palad niya na ikinabigla ng binata.

"What are you—"

"Makinig ka sa'kin, Hunter," putol niya sa sasabihin nito.

Natigilan ito at bumaba ang tingin sa kamay niyang may sugat. Hinawakan niya ang kamay nito at pinagsiklop ang mga kamay nilang dalawa. Gusto niyang damhin nito ang dugo niya.

"Kung nauuhaw ka sa dugo, sa akin ka lumapit. Kung gustong-gusto mong nakikita ang dugo at kung iyon ang nagpapakalma sa'yo, sa akin ka lumapit. Huwag kang tumingin sa dugo ng iba. Huwag ang dugo ni Jaxon. Sa akin ka lang tumingin, Hunter. Sa akin ka lang lumapit, naiintindihan mo ba?" Seryosong sabi niya sa binata.

Titig na titig ito sa mga mata niya. Nakita niya kung paanong manubig ang mga mata nito. Pero kitang-kita niya kung paano nitong kino-kontrol ang sariling mga luha na huwag pumatak sa mismong harapan niya.

Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niyang duguan. Umigting ang panga nito habang nakatingin pa rin sa kaniya.

Nakikita niya ang sakit at paghihirap sa mga mata nito pero pilit nitong kino-kontrol ang sarili para lang huwag ipakita sa kaniya.

Awtomatikong umangat ang isa niyang kamay at masuyong hinaplos ang pisngi ng binata.

Pareho silang may mapait na nakaraan ni Hunter. Pareho silang nanggaling sa madilim nilang nakaraan. Kung ipagkukumpara ang pagdurusang pinagdaanan nilang dalawa, alam niyang mas higit pa ang pagdurusa ng binata.

Matapang at nakakatakot man ito sa panlabas, pero alam niyang ang puso ng binata ay sirang-sira na.

Dahan-dahan itong pumikit, dinama ng husto ang palad niyang nakadampi sa pisngi nito.

Hihintayin niyang maging handa na itong ibahagi sa kaniya ang buo nitong pagkatao. Basta't ang alam niya ay handa siyang manatili sa tabi ni Hunter. Handa siyang tanggapin at yakapin ang lahat-lahat sa binata.

Dinala niya ang binata sa loob ng shower. Habang inaalis niya ang dugo sa pisngi at sa ibang bahagi ng katawan nito ay titig na titig ito sa kaniya. Halos hindi ito kumukurap.

Muli nitong hinawakan ang kamay niyang may sugat. Dahan-dahan nito iyong inangat at dinala sa bibig. Mataman lang siyang nakatingin kay Hunter habang masuyo nitong hinahalikan ang sugat sa kamay niya.

Pareho silang nasa ilalim ng nakabukas na shower kaya pareho na silang basang-basa ngayon. Masuyo siyang hinila ng binata at dinala sa mga bisig nito. Mahigpit siya nitong niyakap.

Tahimik nilang yakap lamang ang isa't-isa. Ang tibok ng puso nilang dalawa ay tila iisa. Ilang minuto silang yakap lamang ang isa't-isa. Nang bumitaw sila sa isa't-isa ay masuyong sinakop ni Hunter ng halik ang labi niya. Kaagad niya iyong tinugon.

At sa kauna-unahang pagkakataon, hindi siya nakaramdam ng kakaiba. Hindi nag-init ang katawan niya. Hindi siya tila nauuhaw.

Tanging masuyong halik lamang ang pinagsaluhan nilang dalawa. Punong-puno iyon ng pag-iingat.

Pareho silang naligo sa ilalim ng shower at nang matapos ay kaagad na ginamot ng binata ang sugat sa kamay niya.

Napangiti siya habang nakatitig kay Hunter. Ang atensyon nito ay nasa sugat niya, seryoso at maingat iyong ginagamot.

Nang mapansin marahil ang titig niya ay awtomatiko itong nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi siya nag-iwas ng tingin kahit nahuli pa siya nito sa akto. Nagtitigan silang dalawa.

Natigilan siya nang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Hunter. Ilang beses siyang napakurap, hindi makapaniwala sa nakikita.

Hindi pala-ngiti ang binata kaya ngayong nakikita niya itong nakangiti ay tila tinutunaw ang buo niyang pagkatao.

"Don't hurt yourself again just because of me."

Bigla siyang natauhan nang marinig itong nagsalita. Hindi niya napansin na naka-benda na pala ang kamay niya kung hindi lang iyon binitawan ng binata.

Masuyo siyang dinala ng binata sa mga bisig nito at masuyong hinalikan ang ulo niya.

"Sei..." Mahinang tawag nito sa pangalan niya.

Nag-angat siya ng tingin sa binata.

"Hmm?"

Tumitig ito sa mga mata niya. Masuyo nitong ikinulong sa mga palad ang mukha niya.

"I have so many unforgivable sins. I am a bad person. I am stained. This is not the real me. And I want you to remember this, Sei. Kapag dumating man ang araw na ramdam mong mapapahamak ka sa mga kamay ko, layuan mo ako. Tumakbo ka...papalayo sa'kin. And don't ever look back, hmm? Promise me," anito sa mahina ngunit mariing boses.

"Hunte—"

"Promise me," putol nito.

Naguguluhan man ay tumango siya. Mas matiim siyang tinitigan ng binata at kapagkuwan ay masuyo siyang hinalikan sa noo.

Gusto niyang malaman at makita ang totoong Hunter. Gusto niyang pasukin ang madilim nitong mundo. Pero ramdam niyang ayaw siyang dalhin ng binata sa mundong iyon.

To be continued...

A/N: Sobrang tagal kong walang update. I'm really sorry. Hopefully, mahanap ulit ng puso ko ang pagmamahal ko sa pagsusulat.🥹

I MISS YOU, my dearest readers!

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now